TC#40 : Piedras Platas

811 44 22
                                    


TC#40 : Piedras Platas

3rd Person

I

"Oh, Dranny boy? Saan ka nagpunta? Hindi mo tuloy nakita yung nakamaskarang nanggulo sa laban kanina." puna ni Nie matapos makita na kababalik lang nito mula sa kung saan.

Pinunasan ni Dran ang pawis sa noo at pangiwing nagsalita. "M-masakit ang tiyan ko, ugh" aniya at naupo. Natawa rin ito ng bahagya bago magsalita. "Ikaw na ang susunod?"

"Yeah. But I'm sure he can't even touch the tip of my hair. Ako pa ba? Si Nie na sobrang gwapo?"

Pareho silang napatigil sa pagkukuwentuhan nang magsalita si Tusk.

"Hello! Pasensiya sa kaunting kaguluhan kanina. May nakatakas lamang na miyembro nang Escuro Allianca, ngumit huwag kayong mag-alala. Ginagawan na namin ito ng paraan. Bweno! Umpishan na natin ang pangalawang laban! Mula sa Chess, ang Rook, si Nie Bust! At mula naman sa Myriad, ang Relic!"

Umakyat na ang dalawang manlalaro at tumigil sa gitna nang battlegrounds. Nagtitigan sila at sabay napa-ngisi. Tila nagsasabing "ako ang mas malakas sa'yo". Sa hudyat ni Tusk, sabay nilang sinugod ang isa't-isa.

"Forte" pabulong ni Relic kasabay nang mahinang kislap sa gauntlet niya. Samanatalang si Nie ay ginamit ang gold-set armor niya.

Nagpalitan ng suntok ang magkatunggali. Rinig ang mga kalansing ng bakal na nagsasalpukan at nakangilong kaskasan nito. Sa huling suntok, nagsalpukan ang kamao ng dalawang magkatunggali at isang mahabang palahaw ang nagpatigil sa dalawa

Hawak ang nabaling braso, napaluhod si Nie. Nangingilid ang luha sa mata dahil sa sakit at halos maglaway upang tigilan ang pagdaing, hindi kasi ito maganda sa imahe niya.

"Heh, ano ang masasabi mo Rook? Mas malakas ako nang higit sa'yo, mali. Mas malakas ako kaysa kay Dran, ang Knight niyo." pagyayabang ni Relic habang nakahalukipkip.

Tiningnan lamang ni Nie si Relic, hindi siya makapagsalita dahil sa sakit ngunit nagawa niya pang ngumisi. Fuck you, Hindi mo kaya si Dran air-head.

Naglakad si Relic palapit kay Nie at tinadyakan ang huli. Ngumisi siya. "Kung gan'un, ako na pala ang untouchable dahil natalo ko ang dakilang Ro---"

Nagliwanag ang katawan ng Rook matapos niyang tawagin ang armour of gods. Kailangan niya ito lalo pa't alam niyang walang laban ang kanyang gold-set.

"Caduceus" ani Rook at lumitaw sa kamay niya ang setrong may dalawang ahas na nakapulupot. Iwinasiwas niya ito na naglikha nang maliliwanag na pulbos at sa isang iglap, gumaling siya.

Humalakhak si Relic sa nasaksihan. "Armour of gods, really?"

Ngumisi si Nie. "Isa ka ring medium-linker tulad ko. But I am more superior." At bigla siyang naglaho sa mata ni Relic. Ginamit niya ang Helm of Hades.

Relic tsk-ed. Mahina nga talaga ang Rook. "Visive" aniya at sumuntok sa ere. Sunod siyang sumuntok sa ere na nakapagtatakang kumakalansing kahit wala naman itong tinatamaan. Isang sipa sipa ang tumapos sa pag-atake ni Relic kasabay nang pagtumba ng Rook na kataka-takang lumitaw sa harapan nang una.

Tulala at hindi makapaniwala si Rook. Bakit-- paano?

"Nie Bust, isa kang kaawa-awang nilalang. Mahina at kumakapit lamang sa reputasiyon ng kasamahan upang umangat. Ako ang superior sa ating dalawa. Hindi mo pa ba iyon, nakikita?" at walang awa niyang binugbog ang tulalang si Rook.

"NIE--!" sigaw ni Lily mula sa labas ng battlegrounds. Tumutulo ang luha nito at pilit na umaakyat sa arena. Pinipigilan naman ito nina Ces JL at Arko. Hindi sila maaaring makialam.

Tumawa si Dran. "Huwag kayong mag-alala. Kaya niya iyan" aniya sabay ngisi.

Nie smiled on Lily when he heard his name. Mukhang nakabawi na ito sa gulat kanina. And as if on cue, a strong earthquake frightened all the Xanadian. What's happening?

Lumabas ang napakaraming ugat mula sa ilalim ng battlegrounds. Hikalit nito si Rook palayo kay Relic. Unti-unti nitong binalutan ang nanghihinang si Rook. Matapos ang ilang segundo, tila naging isang puno si Nie, isang napakgandang puno. Kumikinang ang mga dahon nitong nila kristal. Maging aligasgas nito ay lumikha nang napakagandang musika.

Napukaw ang atensiyon nila sa isang napakalakas na huni ng isang ibon, ang Adarna. Dumapo ito kay Nie at nag-umpisang humabi nang musika mula sa kanyang huni. Maganda, at payapa.

Namamanghang pinagmasdan nang lahat ang puno at ang ibon. Maging si Relic ay natulala sa napakagandang tanawin sa harapan. Lahat ay nabighani. Lahat.

"Piedras Platas." ani Dran. "Isang buhay na sandata." dugtong pa niya.

May halong pagtatakang pinagmasdan nila JL, Arko, Ces at Lily si Dran. Buhay na sandata?

Ngumiti lamang si Dran bilang tugon. "Arko, pumunta ka sa apartment natin. Paki-kuha nang libro ko" utos niya.

"Ahh, O-oo, sige" sagot ni Arko at dali-daling pumasok sa kanilang paaralan.

"Dran! Ano ba talaga ang punong 'yan? Habang buhay na ba siyang puno? Kailangan ko na ba siyang diligan araw-araw upang mabuhay pero hindi ko siya responsibilidad kaya dapat si Lily na lamang ang dapat mag-alaga sa kanya!" ani JL na binatukan ni Ces.

"Magtigil ka nga JL, para kang tanga" sabay irap ni Ces.

Pinunas ni Lily ang luha sa mata at tinanong si Dran. "Ano ba talaga ang bagay na iyan?"

Ngumiti si Dran kay Lily at ibinalik ang tingin sa puno. "Pagmasdan mo"

Tiningnan nang lahat ang puno at laking gulat nila nang mapansing lumiliit ito. Dahil sa pagbabago, napilitang lumipad ang ibon palayo sa puno. Ang puno naman ay naghulmang tao at nagliwanag. Nang mawala ang liwanag, ang nakita nila ay si Nie, suot ang isang baluting kaiba sa lahat. Ang baluti ay gawa sa balat ng kahoy.

"Pitong minuto Relic, tatalunin kita" ani Nie.

II

Hawak-hawak ni Arko ang librong pinakuha ni Dran. Naglalakad siya sa pasilyo ng paaralan pabalik sa battlegrounds nang may marinig siyang malakas na kalabog. Ano kaya 'yun?

Inatake na naman siya ng kuryusidad kaya imbes na pumunta nang battlegrounds, lumiko siya upang tingnan kung ano man ang bagay na narinig niya. Dahan-dahan siyang sumilip at nagulat sa nasaksihan.

Isang lalaking nakamaskara ang nakatayo kaharap ang isang tao. Hindi, hindi tao ang kaharap nang nakamaskara.

"Divinus" nasambit niya. Pasalamat na lamang siya at hindi ito narinig nang nakamaskara. Naaalala niya ang nakamaskara, sa Morphrealm. Si Fantoccio.

"Heh! Bwesit si Del, Bwesit si Eclipse! Porke't siya ang may likha sa'kin" anito bago bago tinanggal ang maskara.

"Del?! Ikaw si Fantoccio?" hindi na natiis ni Arko at lumabas siya sa pinagtataguan. Nagulat na lamang siya nang parang may matalim na kuko sa leeg niya, si Divinus.

"Ssssh!" ani Jude nang nakangiti. "Huwag mong ipag-sasabi. Sikreto natin 'to"

Nanlabo ang paningin ni Arko matapos siyang sikmuraan ni Jude. Bago mawalan ng ulirat ay may ibinulong sa kanya si Jude.

"And oh! By the way I am not Del."


Tassein CzarWhere stories live. Discover now