TC#20 : Untold

998 46 13
                                    


TC#20 : Untold

Celestina "Ces" Coldvlad's POV

Andito ako ngayon sa cafeteria at nagmumuni-muni. Maglilimang araw na simula nung biglang magbago ang ugali ng Chess, ni JL. Lahat sila ay di na nagsasalita at naging sunod-sunuran sa babaeng malandi na yun! Nakakairita!

Hindi ako pinapansin ni JL, kahit lingunin man lang. Ni hindi niya ako magawang tingnan at tanging kay Alyxandra siya nakatulala! Anong meron sa Alyxandra na yun at nabaliw sa kanya ang Chess! Specially si JL!

Kung pa sexyhan ang laban , lamang ako! Patalinuhan? Lamang pa din ako! Sa halos lahat ng aspeto lamang ako! Grrr! Kaso malandi siya kaya natalo ako.

Nasasaktan ako na makita ang mahal ko na may tinitingala nang iba. Nakakalungkot isipin na yong taong matagal mo nang hinangaan at minamahal, sa iglap may iba na palang minamahal.

Oo , matagal ko nang mahal ang isang JL Zoic. Simula pa lang nung bata pa kami at nakatira pa sa Morphrealm. Araw-araw, sinusundan ko siya saan man siya magpunta. Pero ni minsan hindi ko nagawang, lumapit, magpakita at kausapin siya. Natatakot akong baka ayaw niya sa akin dahil lahat nang babaeng nakakasalamuha niya ay nasisigawan niya. Natakot akong lumapit dahil Dauphin siya at hamak na tagasunod lamang ako. Dahil sa kakaisip, hindi ko maiwasang hindi magbalik tanaw sa nakaraan.

*Flashback*

Maraming tao ngayon sa aming mansiyon. Maraming angkan ang inimbitahan nang mga magulang ko para napakaimportanteng selebrasiyon na gaganapin ngayon.

Bukod kasi sa pag-e-edad ko ng sampu ay ngayong araw din gaganapin ang "Rite of Ascension" o rito ng pagpapalit-anyo. Lahat ng morpher, sa edad na sampo ay dapat na sumailalim sa ritwal na ito upang malaman kung siya ay magiging Beast, Arm o kaya naman ay Special-type na morpher. Ang Beast-type ay yung may kakayahang maging hayop o halimaw. Ang arm type naman ay yung may kakayahan na gawing armas ang bahagi ng katawan niya. Yung Special-type naman ay hindi ko pa alam ang kakayahan dahil bihira lamang ang nagiging ganito.

So ayun nga, kaarawan ko ngayon pero may mga kasabayan ako sa gagawa ng Rite of Ascension. Kaya wala rin atang silbi na magdiwang para sa aking kaarawan kung yung ritwal lang naman ng Dauphin ang kanilang inaabangan. Hmp!

Habang abala ang mga matatanda sa loob ay lumabas muna ako upang magpahangin at mawala ang kaba. Baka kasi hindi ako makapasa sa ritwal eh. Paglabas ko, may isang batang nakasalamin na bagsak ang buhok ang nag-iisa sa isang upuan malapit sa puno ng acacia. Lalapitan ko na sana ang bata ng bigla akong natisod sa isang bato kaya't nadapa ako sa harapan niya.

"Wahahahahahaha!!" biglang halakhak ng bata na mangiyak ngiyak na kakatawa at halos hindi na makahinga.

Hmp! Tse! nadapa na nga yung ako eh tatawanan pa ako.

"Uwaah! Moom-uhmmm" tatawagin ko sana ang mommy ko kaso bigla niyang tinakpan ang bibig ko. Ang bango niya. Doon ko lang napansin na ang lapit ng aming mukha . Bigla siyang ngumiti sa akin. A-ang Dauphin?!

"Sssh! huwag kang sisigaw, pag sumigaw ka , matataranta ang mga magulang mo , pag nataranta ang magulang mo mabubulabog ang mga tao, pag nabulabog ang mga tao gugulo ang buong lugar , Pag nagulo ang buong lugar , hindi matutuloy ang ritwal , pag hindi matuloy ang ritwal sayang ng handa sa piging , pag nasayang ang handa hindi tayo makakakain , Kaya huwag kang sumigaw huh? sayang ng pagkain eh" sabi niya ng walang tigil sabay ngiti sa akin. Pakiramdam ko yun na ang pinakamagandang ngiti na nakita ko, idagdag mo pa na sobrang lapit namin sa isa't-isa. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, abnormal sa bilis. Hindi ako makahinga! Napansin ito ng bata, kaya't nataranta siya at pinaupo ako sa upuan at nagsabi siya na kukuha lang ng tubig.

Tassein CzarWhere stories live. Discover now