TC#4 : The Knight

2.7K 139 26
                                    


TC#4 : The Knight

"Muntik na yun!" bulalas ni Arko nang makatakas siya sa Psycho. Ngunit hindi niya maiwasang magamba, paano na lang kung magkita ulit sila? Mamatay na ba siya?

'Sana naman ay hindi niya natandaan ang mukha ko' paulit-ulit na dasal ni Arko bago pumasok sa silid niya.

Unang araw niya sa asignaturang iyon kaya't nabigla siya sa nakita niya pagkabukas nang pinto. Isang malawak na silid ang bumungad sa kanya.

Maraming estudyante ang nasa loob. Halo-halo. Iba-ibang departamento. Madali lang malaman ito dahil may iba-ibang kulay uniporme ang kada departamento.

'Brown' sa Dept. of Elements,

Puti sa Dept. of Sorcery,

Asul sa Dept. of Transfiguration,

Itim sa Dept. of Dark Arts at;

Berde sa Dept. of Special Abilities.

Si Arko ay nasa Dept. of Elements , dahil sa kanyang abilidad. Ngunit maging siya ay walang elementong taglay.

Pagpasok niya ay nakita niya ang kanyang hambog na kaklase sa osa niyang asignaturang 'Power Control'. Ang leader ng 'Ice Novice' alliance. Si Bram Ryford.

Iniwasan niya ito at umupo sa isang upuan malapit sa pinakadulo. Narinig niya ang mga bulungan ng mga kaklase niya nang makaupo siya. Nagtaka siya, ano na naman ba kasalanan niya?

"Mehehe! Look who's here?" napatingin si Arko nang may magsalita sa harap niya. Si Bram.

Ipinatong ni Bram ang kanang paa niya sa pinakadulong upuan katabi ni Arko. May nakapaskil na malokong ngiti sa mukha niya , bagay na ikinabahala ni Arko.

People around them gasped. But Bram didn't mind why their reaction is like that. Ang gusto niya lang ay ang i-'troll' ang baguhan na Void.

"Get your dirty foot off my chair" isang boses nang lalaki ang narinig nila.

Biglang tumahimik ang buong lugar. Parang bumigat ang 'atmosphere' sa silid. Walang humihinga.

Ngunit ang hambog na Bram ay biglang humarap sa nagsalita. Hindi niya ito kilala kaya wala siyang pakialam. Wala siyang pakialam dahil ang alam niya, siya ang pinakasikat at kinatatakutan.

Samantalang si Arko ay butil-butil ang pawis. Abot langit ang kaba niya nang makita ang lalaking nagsalita. Ang Psycho. Kakalase niya pala ito?!

"At sino ka naman bansot ka?" sabi ni Bram.

Woah !

Manghang reaksiyon ng kanilang kaklase. Sabagay, si Bram palang ata ang naglakas loob na harapin ang Psycho.

"Hoy bansot! Sino ka para pagsalitaan mo ako ng ganyan?! Kilala mo ba ako? Ako ang leader ng Ice Novice, Bram Ryford !" sigaw ni Bram.

"Haha! I don't care who's scumball you are, but i said get your feet out of my chair or you'll get lost" sabi ng Psycho.

"Ulol! Huwag mo akong i-englishin! Gusto mo ata makatikim?!" sigaw ni Bram.

"Haha! Based on your uniform , you're from the department of Elements. Tch , Ice? It's just a sub-element of water.- he heaved a sigh- What a lowly life form" sabi ni Dran at hinawakan ang paa ni Bram. Iniangat niya ito marahas na ibinaba. Umupo siya at umub-ob sa armchair, without minding Bram.

Bram, on the other hand, got insulted on what the psycho said. He raised his arm and from there , gathered the wind and eventually became a sword. "Ice Slasher !" he shouted and immediately swung it to Dran but the latter just dodge it easily.

"Tch, next time you swung your weak sword, make sure it'll hit me. Gladium Aureum" said Dran.

From his pulse came a green light. It formed a magic circle , with pentagram and weird symbols in it. From there , a golden broad sword came. Dran grab the sword and attacked Bram.

Ngumiti lang si Bram at sinalag ang espada ni Dran. "Hah! Hindi porket malaki ang espada mo ay malakas na yan!". Ngunit laking gulat niya nang mabasag ang espada niya at bumaon ang espada ni Dran sa sahig. Ang bitak sa sahig ay naglakbay hanggang dingding ng silid hanggang kisame.

Ngumisi si Dran nang makita niya ang gulat sa mukha ni Bram. Ito ang gusto niya, ang makitang madurog ang tiwala sa sarili ng kanyang katunggali.

"Glacialis Pluviam!"-Dran

"Morning Star!"-Bram

Sabay na bigkas ng dalawa. Kay Dran , nagliwanag ang kanyang pulso ngunit hindi tulad ng unang magic circle na lumalabas sa pulso niya mismo, ito ay lumabas sa uluhan ni Bram.

Nagtipon naman ang hangin sa kamay ni Bram at unti-unting naging yelo hanggang makabuo ng sandatang bilog na mayroong maraming tinik. Mayroon itong kadena na hinila ni Bram upang maiwasiwas ang bolang tinik.

Ang hindi niya inaasahan ay ang pag-ulan ng patalim sa kanyang uluhan. Mamamatay si Bram sa matatalim na yelong pabulusok sa kanya. Ano ang gagawin niya?!

Kinabahan si Arko sa labanan ng dalawa. Sa harapan niya lamang naglalaban ang dalawa at wala man lang ang umawat. Nagulat siya sa nakitang pag-ulan ng yelo sa uluhan ni Bram. Dala ng pagkabigla ginamit niya ang kanyang kapangyarihan.

"Vortex!" sigaw ni Arko. Hinigop ng kanyang katawan ang mga yelo na papabagsak kay Bram. Nagyelo ang kamay niya matapos ito.

"Woah! Isang Void?!" sigaw ng Psycho.

Lahat nang nasa paligid ay natahimik. Nasapo naman ni Arko ang kanyang ulo.

'Argh! Strike two ka na Arko sa Psycho na iyan!' paninermon ni Arko sa sarili niya.

Si Bram naman ay nahimatay dahil sa kaba.

"Haha! Maybe your alliance must be named Ice Weaklings" Dran said.

Lumapit si Dran kay Arko.

Si Arko naman ay humakbang paatras.

Kinakabahan siya. Pangalawang beses na niyang tinulungan ang kaaway ng Psycho.

Iniamang ni Dran ang kanyang kamay. Napapikit si Arko. Ayaw niyang makita kung paano siya mamatay.

"I want you to enter our alliance" Dran said with a smile in his face. Nakalahad din ang kanyang kamay.

Napanganga si Arko.

"A-anong sabi mo?!" napataas ang boses ni Arko.

"Look, I really like you to become our comrade. May alliance ka na ba? Kung wala pa , sumali ka sa amin. Kung meron na, aagawin kita sa kanila. So what do you think?" sabi ni Dran sa naguguluhang si Arko.

"Anong alliance mo?" kahit na naguguluhan ay nagawang makapagtanong ni Arko.

"Chess. So what's your decision?" said Dran.

"A-ano.."

Nagsimulang magbulungan ang mga tao sa paligid nila. Bakit? Dahil sa si Arko pa lamang ang unang nginitian ni Dran bukod sa miyembro nito.

Ano kaya ang maisasagot ni Arko? Papayag ba siyang maging miyembro ang psycho na si Dranius Helius Light ?

--

Gladium Aureum = Golden sword

Glacialis Pluviam = Icy rain

(A/N: Hindi ako nagbibiro , ang hindi magcomment magkakakulani for infinty and beyond. Wahaha !!)

Tassein CzarWhere stories live. Discover now