TC#2 : Welcome

4.6K 138 25
                                    


TC#2 : Welcome

I

Dalawang lalaki ang nasa kalagitnaan ngayon ng disyerto. Galing sila sa bayan ng Mirage , ang lugar nang salamangka.

Balot na balot sila nang mga telang puti mula ulo hanggang paa, bilang proteksiyon sa init nang araw.

Umupo ang maliit na lalaki sa buhanginan. Dumakot siya nang buhangin tila di alintana ang init ng disyerto."We must hurry up Fantoccio, may klase pa ako" sabi niya sa kanyang kasamahan.

Walang naging tugon ang lalaking kasama niya. Bagkus ay nag-usal ito nang dasal.

Ilang sandali pa, may namuong presiyon nang hangin sa likuran nang lalaking matangkad.

"Einfreren Helada" usal nito.

Lumabas ang isang babaeng may napakaamong mukha sa likuran nang lalaki. May pakpak ito na kasing puti ng nyebe sa likuran at ang tanging suot lamang ay isang telang bumabalot sa kanyang dibdib at kaselanan.

"Haha! Magaling Fantoccio, mabilis tayong makakapunta sa Elementalika gamit ang espiritong iyan" he said after wearing his veil.

His mask covers his whole face. It's white in color and has a tribal design on the left side. Ang tanging makikita lamang dito ay ang ginintuang mata nang binatang nagsusuot nito.

Walang naging imik ang kasama niya. Ipinitik lamang nito ang kanyang mga daliri bilang senyas sa espiritong si Einfreren Helada.

Malakas na ipinagaspas ng espirito ang kanyang pakpak. Isang bagwis nang hangin ang nalikha nito. Niyakap ni Einfreren Helada ang dalawa at inilipad patungo sa pupuntahan nila.

---

Bumagsak ang huling lalaking nanlaban kina Fantoccio at kasama niya. Walang nagawa ang mga kumalaban sa kanila, ni hindi man lamang umabot sa sampung minuto ang kanilang laban.

"Haha!! Sinabi na kasing sampu lang ang kailangan namin sa angkan niyo tas buong angkan pa kayong sumugod. Pasalamat kayo hindi ko tinuluyan ang iba sainyo" usal nang maliit na lalaki.

"Eclipse" sabi ni Fantoccio.

Napatingin si Eclipse kay Fantoccio at sumimangot. "Oo na, maghaharvest na" sabi niya pa. Inilabas niya ang kanyang punyal na may mga nakaukit na kakatwang simbolo.

" Haha! Sorry!" sabi ni Eclipse sabay unday nang kanyang punyal.

II

"Xanadu Scolu" pagbabasa ni Arko sa napakalaking karatula na nakalagay sa may tarangkahan nang paaralang nasa harap niya.

Paghakbang niya nang isa ay siyang labas nang dalawang malalaking leyon, mga isang talampakan ang taas sa tantiya niya.

"Anong kailangan mo bata?" tanong nang puting leyon na may guhit nang itim sa likuran, isang Liger.

"Umalis ka na" usal naman nang leyon na may mahahabang pangil , isang saber-toothed.

"I-inimbitahan ako upang mag-aral dito" sagot ni Arko na nauutal..

"Ang imbitasiyon?" tanong naman ng Liger.

Dali-daling kinuha ni Arko sa kanyang bag ang imbitasiyon at nanginginig na ibinigay ang imbitasiyon sa liger.

Biglang humulma ang katawan nang Liger sa isang taong maitim at matangkad. Nakasuot ito nang balat nang isang hayop na tinatakpan lamang ang kanyang kaselanan.

Namangha si Arko sa kanyang nasaksihan.

"Woah. Astig!" bulalas niya.

Sa kapangyarihan pa lamang alam na niyang taga Morphrealm ang dalawa. Unang beses niyang makakita nang pagbabagong anyo nito.

Tassein Czarحيث تعيش القصص. اكتشف الآن