TC#3 : Oro

3.3K 114 12
                                    


TC#3 : Oro

I

Mag-isang nasa 'rooftop' ng Element Building ngayon si Arko. Mas gusto niyang mapag-isa kesa makisalamuha sa iba. Hindi parin siya nakakapag'adjust' sa biglaang pagbabago nang kanyang mundo. Ang dating payak niyang pamunuhay sa Elementalika , ngayon ay sobrang gulo na.

Naisip niya, mag-iisang linggo na rin pala simula nang dumating siya sa paaralan ngunit halos napakarami nang nangyari. Madalas ay masama ang nangyayari dahil na rin sa baguhan siya. Pinag-iinitan rin siya nang isang grupo nang mayayabang na 'Attribute' user.

"Mabuti pa sa lugar na ito. Nakakaramdam ako nang kaginhawahan" sabi ni Arko sabay buntong hininga. Napadako ang tingin niya sa gitan nang paaralan.

Pinagmamasdan ang isang 'City Ruin' sa gitna nang Xanadu Scolu. Parang isang nasirang kumunidad sa panahon nang digmaan ang nasa gitna ng paaralan. Ngayon niya lamang napansin na isang city ruins ay makikita sa likod nang napakataas na pader na nakita niya nuong unang pagtapak niya sa paaralan.

May siyam na bandila ang nakalagay sa siyam na kanto ng ruins. Kada isang bandila ay mayroong simbolo. Ngunit napansin niyang may isang bandila na nakalagay sa pinakagitna ng ruin. Isang bandilang may simbolo nang araw.

"Ang Tassein Czar nang nakaraang taon. Solar Alliance" sabi niya.

Ayon sa nabasa niya sa student's handbook nang paaralan, maaaring gumawa nang alyansa o grupo ang mag-aaral nang Xanadu Scolu. Ngunit magiging legal lamang ito kung makakapasa ang aplikante sa mga pagsubok at alituntunin sa pagbuo nang alyansa. Ang pag-gawa nang alyansa na hindi aprubado nang paaralan ay tinatawag na Escuro Aliança. Kapag nalaman nang paaralan na kasali ang estudyante sa Escuro Aliança , agad nila itong hinuhuli at ikinukulong.

Bawal ang pag-gawa nang Escuro Aliança dahil na rin sa madalas itong pagmulan ng mga 'gang war' sa paaralan. Ang tanging legal lamang na pagtatagisan nang lakas ay sa pamamagitan ng paligsahan , ang Tassein Czar Battle.

May sampung alyansa na rehistrado at legal ngayon sa Xanadu Scolu. Ito ay ang:

1) Solar

2) Chess

3) Ice Novice

4) Rogue

5) Vagrants

6) Ravine

7) Imitators

8) Dutch

9) Myriad

10) Enchant

Silang Sampo pa lang ang nakapasa sa standard ng Xanadu Scolu para maging legal na alyansa. Ang pinaka kaunti sa kanila ay ang Chess na may aapat lamang na miyembro at ang pinakamarami ay ang Myriad.

Napaisip siya.

Ano kaya ang pakiramdam na magkaroon o makasali sa isang alyansa? Masaya ba?

But he just ignored his thoughts. Entering an alliance is like entering hell, well , for him. Everyday, each member is in the cliff of danger and before they knew it, they are already as cold as a stone.

"Oras na pala ng sunod kong klase" sabi niya sa sarili niya at bumaba sa rooftop para puntahan ang silid nang klase niya.

II

Isang binatang naka-brown 'cape' ang pumasok sa Building of Special Ability. Dito ang susunod na klase na bagay na kinaiinis nang binata dahil napakalayo nang Building of Sorcery sa establishimentong ito.

There are traces of blood in his brown cape that threathens every students.

"Ayan na naman ang Psycho-freak" sabi nang isang babae sa kanyang kaibigang babae matapos makita ang duguang kapa ng binata.

"Palibhasa kasi isa siyang Light kaya mayabang" sabi nang lalaki na nakisabat sa kwentuhan ng mga babae.

Tila nagpanting ang tenga nang binata sa kanyang narinig. Ayaw na ayaw niyang nauugnay sa pangalan nang angkan niya. Matagal na niyang kinalimutan na miyembro pa siya nito ngunit ano ba ang magagawa niya ? Hindi maitatago nang kulay nang kanyang buhok at mata ang pagiging kasapi niya sa angkang Light.

Lahat nang lakas niya ay dahil na rin mismo sa kanyang pagsisikap. Walang naiambag ang magaling niyang angkan sa kanya, bagkus, ito pa lalo ang nagpahirap sa kanya.

"Haha! Next time when you say something about me, make sure I am not around. For now, you'll be a deadmeat" matalim na tiningnan nang binata ang lalaking nagsabi sa angkang sinusumpa niya.

Itinapat ng binata ang kanyang palad sa lalaki. Nagliwanag ito, kulay berdeng liwanag. Gumuhit sa hangin ang isang bilog na may pentagram sa loob. Lumitaw ang napakaraming kakaibang simbolo sa gilid nang bilog. Isang magic circle ang nagmanipesto sa harapan nila.

Kung ordinaryong pagkakataon lamang ito, maaaring namangha na ang lalaki sa kanyang nasaksihan ngunit sa pagkakataong ito , ikinakatakot niya ang kanyang kahihinatnan.

"Globos ignis" usal nang binata.

Mula sa 'magic circle' na ginawa nang binata lumabas ang napakaraming bolang apoy. Agad nitong pinuntirya ang lalaki.

Nasunog ang lalaki. Naghihiyaw ito sa sakit at humihinge nang tulong ngunit walang naglakas-loob na tulungan ang kawawang lalaki. Kilala nila ang kalaban nito, ang binatang may gintong mata at gintong buhok, itinuturing nitong kaaway ang sinumang tutulong sa kalaban niya. Ang tanging hiling lamang ng mga nanunuod ay makatagal ang lalaki sa sakit habang di' pa umaalis ang binata.

III

*Splash !"*

Isang binatang may asul na buhok ang nagbuhos nang maruming tubig sa lalaking nasusunog, si Arko. Sa sobrang taranta niya nang makita ang nasusunog na lalaki ay kinuha niya ang baldeng pinaglinisan ng mop at iyon ang ibinuhos sa nasusunog na lalaki.

People around him gasped. Kunsabagay, sino ba ang maglalakas loob na pakialaman ang ginagawa ng isang 'Psycho-freak' lalo na at may pinaparusahan ito. Ang huling gumawa nito ay matagal nang nahimlay.

Kinulbit si Arko nang lalaking nasa likod niya."Kung ako sa'yo aalis na ako rito. Kinalaban mo lang naman ang Psycho na si Dran Light" sabi nito pagharap niya.

Tila nanlamig sa kinatatayuan niya si Arko. Kilala niya ang tinutukoy nito. Ang lalaking walang pakialam sa mapapatay niya. Ang lalaking lalabanan ang sinumang may potensyal na labanan siya.

Napadako ang tingin niya kay Dran Light. Mataman lang itong nakatingin sa kanya. Napalunok siya nang laway.

Tama. Kailangan niya na ngang umalis. Wala siyang laban dito kaya't hangga't maaari ay kailangan na niyang makatakas sa paningin nito.

Walang lingon lingon siyang kumaripas nang takbo patungo sa susunod niyang klase.

Sa wakas , nakalayo na siya sa binata.

"Mehehe! Look who's here?!" tanong nang isang binatang alam na niya kung sino.

Ang leader nang Ice Novice, Bram Ryford.

Tassein CzarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon