TC#43 : Time

694 38 10
                                    


TC#43 : Time

Arko's POV

Nagising ako nang isang tapik sa pisnge ko. Mahapdi ang pagdami nang palad sa mukha ko kaya agad akong lumayo na hindi ko nagawa nang mapagtantong nakasandig pala ako sa dingding ng pasilyo. Ang sakit pati nang leeg ko. Halos buong mukha ko ay namamaga.

Ano nga ba ang nangyari? Si Jude, oo nga pala. Asan na kaya siya? Ba't niya kaya ako bigla na lang inata-- siya nga pala si Fantoccio, kailangan ko itong ipaalam kay Dran at sa iba pa.

Siguro kung sino man ang tumapik sa pisnge ko ay ang siyang tumulong sa'kin laban lay Jude. Salamat naman.
Iminulat ko ang mata ko at nabungaran si Lee Myer sa harapan ko. Nakatingin siya sa'kin na parang kinakabisado ang itsura ko. Marami rin siguro siyang katanungan gaya ko.

"Ahh, salamat Lee sa pagtulong sa'kin." Kahit masakit sa pisnge ay ngumiti ako at inilahad ang kamay. Tanda nang taos-pusong pasasalamat ko.

Tumayo siya at lumingon sa madilim at tahimik na pasilyo. "Ahh, hindi ako ang tumulong sa'yo." Pagtanggi niya.

Nagtaka ako. "Kung gayon, sino naman Lee?."

"Malay, nakita na lang kitang nakahandusay diyan. Pero mabuti at nakita kita. May ibibigay ako sa'yo." Kumapa siya sa suot niyang damit na parang may hinahanap.

Ako naman ay umusisa. Inaninag ko sa dilim ang hinahanap niya. Napatigil lang ako nang makakita nang munting kislap mula sa damit niya. Iyon na ata ang hinahanap niya.

'Ahh, ito na pala.' 'Dinig kong bulong niya. Ngumiti siya sa'kin at inabot ang bagat sa'kin. Hindi ko din naman sigurado kung ngiti iyon o ngisi. Madilim kasi, kaya hindi ko matukoy ang pinagkaiba.

"A-ano 'to?" tanong ko at inabot ang binigay niya. Orasan. isang gintong orasan. Para sa'n naman ito?

"Hindi ba halata na orasan 'yan o sadyang taong gubat lang talaga ang mga taga-elementalika?" aniya.

Ramdam ko ang pagkasarkastiko niya sa sinabi niya pero hinayaan ko na lang. Malamang, may ibig sabihin ang pagbigay niya ng orasan sa'kin. Alangan namang gusto niya lang alamin ang oras.

Masakit magsalita lalo't namamaga at tila namamanhid ang mukha ko. Pero pinilit ko upang makapagtanong. "Ang ibig kong sabihin, anong gagawin ko rito?"

"Basta, basta. Kakailanganin mo yan sabi niya. Para hindi ka mawala sa oras. Teka, nasaan ang libro ni Dran?"

Libro ni Dran? Ah! Oo, yung libro. Yumuko ako at kinapa ang libro. Nabitawan ko iyon kanina nang sakalin ako ni Jude, e. Nang mahanap ay kinuha ko ito at ipinakita sa kanya. "Anong gagawin mo sa librong ito?" tanong ko.

"Wala naman. Magmadali ka na. Wala nang oras, hanapin mo ang isa pang libro na nasa'yo. Bilis!" aniya sabay lakad paalis.

Teka, Anong libro? Anong oras? Ba't kailangan magmadali?

Gusto ko sanang itanong 'yun ngunit kumirot ang lalamunan ko. Wala tuloy akong nagawa kundi ang pagmasdan si Lee na lumayo at maglaho sa paningin ko. Teka, Bumalik ka!

Ahh! Bahala na. Tumayo ako at sinubukang alalahanin yung librong sinasabi niya. Kung meron ako nu'n, ibig sabihin totoo ang sinasabi niya. Pero saan ko naman makukuha yung libro?

Halos ilang minuto rin akong nakatayo nang may maalala ako. Tama! Yung librong nakuha ko sa sala noon. Nasa kwarto ko iyon pero di'ko na maalala kung saan ko nailagay.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa apartment namin. Kailangan kong magmadali. Kahit hindi ko naiintindihan ang nangyayari ay ginagawa ko pa rin. Masama ang kutob ko, at mukhang ang mga libro lang na iyon ang makakasagot sa katanungan ko.

Pagkarating ko sa apartment ay tinungo ko agad ang kwarto. Hinalungkat ko lahat nang gamit ko. Bawat sulok. Umubos ata ako nang kalahating oras sa paghahanap. Napatigil lang ako nang yumanig ang lupa at makarinig nang malakas na pagsabog.

A-ano yun?

Sa lakas nang pagsabog ay nagalaw ang kama ko. At sa 'di sinasadyang pagkakataon, lumabas ang hinahanap kong libro. Kinuha ko ito. Nilinis ko ang sahig, tinanggal ang mga kalat at inilabas ang orasan, ang libro ni Dran at itong librong hawak ko.

Ngayon, ano nang gagawin ko?

Mas lalong lumakas ang pagyanig nang lugar na dumagdag sa pangamba ko. Sigurado akong may masamang nangyayari sa battlegrounds.

Tinitigan kong mabuti ang dalawang libro at may napansing kakat'wa. Halos magkapareho ang pabalat nito. Mga linya at simbolo-- magic circle.

Pinagdikit ko ang dalawang libro. Sabi ko na nga ba! Isang magic circle ang mabubuo. Tila ang pabalat nang bawat libro ay kalahati nang bawat magic circle. Teka, paano ko papaganahin ang magic circle na 'to?

Lumingon ako sa paligid. Kailangan ko nang catalyst. Nahagilap nang mata ko ang gintong orasan. Maaari kaya?

Wala naman sigurong masama kung susubukan ko. Dinampot ko ang orasan at nilagay sa gitna nang magic circle.

Walang nangyari?

Teka.

Meron.

Napansin ko ang mabilis na pag-ikot nang mga kamay nang orasan. Sa sobrang bilis ay nakakagawa na ito nang liwanag.

Lumutang ang mga simbolo sa ere. Gumawa ito nang malaking disturbance sa kwarto ko. Umikot ang paligid ko pati ang mga gamit. Napansin ko rin ang pagtuklap nang mga pintura sa lugar. Parang bumibilis ang oras.

Napaluhod akong bigla. Napakabilis nang galaw nang mga gamit na nagpahilo sa'kin. Mapapapikit na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Isang lalaking kulay puti ang katawan, nakahubo, napakapayat at hungkag ang mga mata ang lumabas mula rito. Umatungal ito nang napakalakas.

Napaatras ako. Ano yan?!

Tinangka nang nilalang na abutin ako ngunit maging siya ay nadala sa mabilis na pag-ikot nang mga gamit sa paligid. Ewan ko kung anong nangyari. Biglang nandilim ang paningin ko.

"Ginoo, gising." may narinig akong boses. Parang bata ang boses at sigurado akong pamilyar ito sa'kin.

Nagmulat ako nang mata at tumabad sa'kin ang isang bata. Itiman ang mata nito maging buhok. Nakangiti ito sa'kin na tila galak na galak na makita ako.

"Napuntahan mo'ko. Ibig sabihin handa kang makita kung sino ako. Kung paano naglakbay ang munting liwanag na tulad ko sa madilim na kapalarang ito." aniya sabay lahad nang kamay.

Kahit naguguluhan ay inabot ko ang kamay niya at tumayo. Magsasalita pa sana ako nang muli siyang nagsalita.

"Tara na. Marami pa akong ipapakita sa'yo."

Tassein CzarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon