TC#28 : Bow of Eros

1K 42 15
                                    


TC#28 : Bow of Eros

Nie's POV

Wala sa hinagap ko na gagamitin ko ulit ang set of armor ko na to. Isa ito sa pinakamalakas kong set. Na sadyang napalalakas umubos ng energy. Kaya nga lagi ako nag-i-'exercise' eh.

Ang aking armor ay ang Armor of Achilles.

Ang karit na hawak ko ay ang Cronus's Sickle na kayang hiwain ang kahit na anong bagay.

Ang "Aegis" na aking panangalang ay ang pananggalang ni Zeus at Athena.

Ang "Helm of Hades" ay ang helmet ni Hades na kayang gawing invisible ang may suot nito.

Ang "Winged Sandals" ng mensahero ng mga dyos , si Hermes , na may kakayahang lumipad at makakilos ng mabilis.

Bukod pa sa mga nabanggit ko ay marami pa akong sandata na nakalutang sa likod ko.

"Sa tingin mo ay masisindak ako ng armor mong iyan Rook!" sigaw ni Lust sa akin.

Ikinumpas niya ang kamay niya at mula doon lumabas ang isang dragon na gawa sa purong hangin.

"Sugod aking alagad! Ventus !" sigaw ni Lust. Kasabay nun ay ang pagsugod sa akin ng dragon na si Ventus.

"Yow! Ang dragon mo ba ay may buhay? o wala? kawawa naman kasi kung mamatay siya" sabi ko sabay ngisi kay Lust.

Distracting talaga ang anyo niya , halos punit na ang kanyang suot eh. Rather, halos wala na siyang suot.

Walang naging sagot si Lust sa tanong ko kaya't agad kong winasiwas ang karit ng Titan na si Cronus kahit pa napakalayo pa ng dragon sa akin.

"Hangal! hindi mo kayang tagpasin ang hangin!"

Pero laking gulat niya nang maglaho ng parang bula ang dragon niya.

Hah! Maging hangin ay kayang hiwain ng karit ni Cronus!

Kailangan ko na pala sumunod kina King. Masiyado na akong tumatagal sa laban naming ito.

Nawala ang Aegis at ang karit sa kamay ko at napalitan ng pana at busog ang hawak ko.

Bow of Eros, kaya nitong paibigin o gawing kaaway ang sino mang tatamaan nito. Mehehe! Syempre papaibigin ko ang chikababes na to!

Hindi ako kasing galing ni JL umasinta ng pana pero kakayanin ko to!

Inunat ko ang tali at inasinta ng mabuti si Lust. Agad kong pinakawalan ang pana ngunit hinawi lang ito ni Lust gamit ang hangin.

Arrgh! Mintis! Sayang!

"Ano akala mo sa'kin Rook? Sobra-sobra na ang panghahamak mo sa'kin!" Mula sa kanyang kamay lumabas ang isang higanteng ipo-ipo.

"Lust! Ayoko na maglaro! Zeus! Thunderbolt at Thor's Mjolnir!" sigaw ko. Ramdam ko na kasi ang mabilis na pagkasaid ng kapangyarihan ko.

Lumabas ang isang mahabang sibat na may nakapalibot na kuryente sa kaliwang kamay ko at isang masong napakabigat.

Ilang taon din ang ginugol ko para mabuhat ang martilyo ni Thor!

Binagsak ko sa lupa ang martilyo at itinapon ko naman ang sibat sa kalangitan.

Gumapang ang libo-libong boltahe ng kuryente sa kalupaan at kalangitan.

Hindi pa ako tapos. Tinawag ko ang Trident ni Poseidon na may kakayahang pagalawin ang lupa at tubig. Itinaas ko ang Trident, at mula dito bumulusok ang napakaraming tubig. Lahat ng tatamaan ng tubig ay nadudurog, maging ang kinatutuntungan ni Lust ay nawasak.

Tassein CzarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon