Epilogue

1.4K 47 27
                                    


Epilogue

Arko's POV

Matapos ang nangyaring kaguluhan sa Xanadu Scolu, napagpasyahan nang pamahalaan nang Amalgam na tuluyan itong ipasara. Hinuli rin nila si Crimson Warlock dahil sa mga ginawa nito. 'Di naglaon ay pinaurasahan siya nang kamatayan. Nakakapagtakang walang nagawang anumang hakbang upang makatakas hanggang sa huli nitong hininga. Sa ugali nitong mapagmataas, alam kong hindi niya dapat yun hinayaan. Kibit balikat na lamang ako sa nangyari.

Limang taon na rin ang nakalipas. Marami na ang nangyari ngunit sariwa pa rin sa isipan ko ang bawat detalye nang mga naganap noon. Isang taon lang ako sa Amalgam ngunit napakarami kong natutunan. Madaming beses akong nalagay sa panganib, oo, pero hinding hindi ko yun ipagpapalit sa kahit anong kaalaman. Ang buhay ko ay nag-iba matapos ang taong iyon.

Ang pinakatumatak sa'kin ay ang alyansang Chess. Nakakatuwa lang, sila din naman kasi ang dahilan kung bakit may masasama akong alaala pero sila din ang isa sa pinakamasaya at kakaiba. Hindi ko sila malilimutan.

Nakakalungkot lang. Nawala na ang Chess. Nasira na ito. Nabuwag. Nagpapasalamat ako at nananatiling magkakaibigan ang turingan namin.

Balita ko nanganak na sina Ces nang panganay nila. Jolina ata ang pangalan sa pagkakatanda ko. Ang sentimental ni JL kasi pinagpilitan niyang ipaghalo ang pangalan nila ni Celestina.

Napabuntong hininga ako. Masaya ako para sa kanilang dalawa. Noong nakaraang taon rin inilipat kay JL ang korona bilang hari ng Morphrealm. Engrada ang naging handaan roon. Pero sa unang araw palang, napalayas na si Nie sa bansa. Muntik pa itong ma-blacklist doon dahil sa imoralidad daw. Si Nie naman kasi, kung ano-ano pinagsasabi.

Si Lily naman, sa palagay ko ay negosyante na nang mga matatamis na kendi at kung ano-ano pa. Balita ko ay mabenta ito. Gusto ko sanang makapasyal doon minsan.

Noong magising noon si Lily, wala siyang naaalala sa kahit na anong ginawa niya para kay Nie. Ang huli niyang natatandaan ay ang pag-aaway nila. Balak sana namin noong sabihin kay Lily ang lahat, pero pinigilan kami ni Nie. Ang buong akala namin ay magpapaliwanag siya, pero bigla niyang pinagsabihan si Lily na nasagasaan daw nang pison. Madami pa 'yun kay bigla nang nag-away yung dalawa. Hanggang sa tingin na tuloy ni Lily kay Nie ay mortal na kaaway. Naaalala ko n'un nang humingi ng tulong si Nie sa'kin kung pa'no paamuhin si Lily, pero wala talaga e. Galit na galit siguro si Lily kaya gan'un.

Ahh! Oo, si Nie naman. Ayun isa na siyang heneral nang hukbo nang Amalgam! Ang tataas na nang narating nila ni JL. Buti pa sila. Minsan, naiisip ko, kaya ko rin sanang maging kasing taas nila. Kaya lang hindi na pwede. Mananatili na ako rito sa pwesto ko.

Sinubukan kong tumayo, upang pagmasdan ang papalubog na araw mula sa bundok dito sa Elementalika. Bigo akong napatumba at nagpagulong-gulong pababa.

Napasuntok ako sa lupa. Ayoko nang ganito, isang inutil. Ni hindi ko man lang maramdaman ang mga binti ko. Wala na akong pag-asang makapaglakad.

Hindi ko sinisisi si Dran dahil sa ginawa niya. Alam kong dahil lang 'yun sa galit niya. Hindi ko na siya nakita matapos ang gabing 'yun. Tila naglaho siya kasama nang liwanag na sumabog noon.

Sa pagkawala niya, sinama niyang mawala ang mga Light. Dahil matapos ang gabing yun, karamihan sa mga Light ay nawalan nang kapangyarihan. Kaya ang pinakamalakas na angkan noon, naging isa sa pinakamahina. Ilang pagsalakay sa oasis ang nangyari hanggang sa tuluyan na silang napalayas sa oasis na 'yun. Mabuti na lamang at si JL na ang hari sa panahong 'yun. Kinupkop niya ang mga Light at binigyan nang espasyo sa Morphrealm. Nakakatuwa, isang mapagarugang pinuno si JL sa lahat.

"Arko, nandito ka na naman."

Napangiti ako sa boses na narinig ko 'di kalayuan. May bakas ito nang pag-aalala. At alam kong sa tono nito, galit siya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag kang pupunta rito na wala kang kasama. Kita mo, nahulog ka na naman." aniya.

"Jen, ayokong manatiling nakaupo lang. Sinusubukan ko ring tumayo." Sagot ko at humawak sa kanya.

"Hindi naman kita hahayaang mag-isa Arko. Sana, sinabihan mo 'ko."

Iniupo niya ako sa lilim ang puno. Madilim na at puno na nang bituin sa langit. Napangiti ako. Ang ganda nang kalangitan. Lumingon ako kay Jen na noon ay nakatingin rin sa mga bituin.

"Salamat Jen." Nakangiti kong saad.

"May bulalakaw! Pikit ka Arko dali!" Agad kong ginawa ang hiling niya. Hindi ko inaasahan ang ginawa niyang paghalik sa'kin.

"Mahal kita Arko."

Siguro, maraming hiling ang tao na gusto natin mangyari. Tulad ni Dran, ako at lahat nang nabubuhay. Pero may isa akong hiling na sana'y magkatotoo. Huwag sanang mawala ang babaeng 'to sa tabi ko. "Mahal din kita."

~FIN

Author's Note:

Viola! Ay tapos na ang Tassein Czar? Ang bilis naman. Haha.

Pero seryoso, ang saya ko sa suporta niyong lahat. Mapasilent reader man o mga nagcocomment. Thank you na umabot tayo hanggang sa pinakahuli. Sa mga punchlines,actions scenes at iba pa. Salamat sa pagtawa, ngiti at pakikisimpatya.

Sana, na justify kong mabuti ang bawat character nang istoryang ito. Mula sa pinakaantagonist hanggang sa protagonist. Maraming salamat. :-)

Kung nalilito kayo, pwede kayo magtanong sa'kin. Magcomment lang:-) Kung wala, ako magtatanong sainyo.

Sa tingin niyo, kalaban ba si Dran? o bida sa ating kwento?

---

Maraming salamat! Special Thanks to:

@Revienne
@parenks
@EllenKnightz

Thanks mga bro sa suporta. Yung oras na nawawalan na akk nang gana upang ipagpatuloy 'to, nandiyan pa rin kayo. Thank you!

Pati na rin kay Romil at Angelica! Mga unang reader ko sa personal. Uy ah! Salamat sa pag bibigay ng confidence sa'kin. Kung hindi niyo ako sinabihan na may talent ako rito, I would never pursue in writing.
At, sa lahat! Sana samahan niyo ako ulit sa mga susunod ko pang kwentong ilalathala! Godbless and TC!







Book 2?:)

Tassein CzarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon