TC#34 : Jealous

872 42 26
                                    


TC#34 : Jealous

Arko's POV

Biniro namin kanina ni Dran si JL at sinabing buntis si Ces. Nakakatawa ang reaksiyon ni JL dahil halos namutla siya ng marinig yun. Pero ang dali kong makunsensiya kaya sinabi konh biro lang yung sinabi namin sa kanya. Hanggang ngayon, natatawa pa rin ako pag-naaalala ko yung reaksiyon niya.

Pero heto ako, kasama sina Dran at Jen habang naglilibot sa Morphrealm. Napakadaming bahay rito at gusali pero napanatili ng Morphrealm ang ganda ng kalikasan nila.

Tumigil kami sa harap ng ilog at doon sila naupo sa madamong parte na may mga nakatanim na rosas, bulaklak na paborito ni Jen.

Nasa unahan ko sila habang nagtatawanan habang ako, nag-ngingitngit sa selos. Di pa malinaw sa'kin ang estado nila pero pansin ko, lagi siyang kasama ni Dran pag may mga gantong okasiyon.

Laking gulat ko nang makita kong inaabutan ni Dran si Jen nang kumpol ng mga rosas.

Ano ibig sabihin nito?

Sila na ba?

Kailan pa?

May kung anong mabigat ang naramdaman ko sa puso ko. Hindi ko maipaliwanag pero masakit. Parang kinukurot ang puso ko na makita ko silang magkatabi lalo na nang hawakan ni Dran ang kamay ni Jen.

Akala ko ba ay ayaw ni Jen hinahawakan ng kung sino-sino ang kanyang kamay.

Si Dran na ba talaga ang kasintahan niya ?

Maraming katanungan ang bumabagabag sa isip ko sa mga panahong nakikita ko si Dran at Jen na nakangiti sa isa't isa. Ano nga ba ang laban ko kay Dran ?

Matalino si Dran.

Gwapo.

Kayang-kaya niya protektahan si Jen kung sakaling may magtangka sa buhay niya.

Pero mas matangkad ako kay Dran!

Napailing ako. Tangkad lang ata ang lamang ko kay Dran. Bukod dun, wala na akong kayang ipanlaban pa sa mga katangiang taglay ni Dran.

Tama na nga, masiyado ko nang kinakawawa ang sarili ko sa pagkukumpara ko sa sarili ko kay Dran. Napabuntong-hininga na lang ako at mataman silang pinagmasdan.

Napatitig ako sa kanilang dalawa na parehong nakangiti sa isa't isa. Maya maya ay napapikit si Jen. Unti-unti namang inilapit ni Dran ang mukha niya sa mukha ni Jen.

Maghahalikan ba sila?!

Hindi ko kakayanin ang masasaksihan ko kaya binanggit ko ang pangalan nang babaeng iniibig ko.

"J-Jen?!" sabi ko at dali-daling lumapit sa kanilang dalawa.

Bigla namang nagulat si Jen at agad napatayo. Si Dran naman ay lumingon sakin na nananatiling nakaupo. Tila nabigla si Jen na nakita niya ako.

Ayaw niya bang makita ako dito? Siguro? Siguro nga. Pinigil ko kasi ang naudlot nilang paghahalikan. Pero ano ang magagawa ko? Hindi ko maaatim na makitang may kahalikan ang babaeng sinisinta ko.

"A-anong gi-ginagawa mo rito Arko?" tanong ni Jen sakin.

Masakit pala.

Kanina ko pa sila kasama peto ngayon palang nila napansin ang eksistensya ko. Imbes na galak ang kanyang ekspresiyon dahil nandito ako sa harap niya ay kaba ang pinapakita niya.

"Kayo ? Anong gingawa niyo ?" tanong ko na medyo napataas ang boses. Wala man sa lugar pero nagtitimpi lang ako ng inis dahil sa nasaksihan ko.

"Napuwing ka-kasi ako" utal utal na sagot ni Jen. Na hindi ko naman napagbigyan pansin dahil sa dami ng tanong na bumabagabag sa utak ko ngayon.

"Magkakilala kayo? Kailan pa? Mukhang malapit na kayo sa isa't isa ah? Magkasintahan na ba kayo?" sunod sunod kong tanong kay Jen na hindi ko man lang pinag-isipan.

Nagseselos ba ako? Hindi ko maintindihan ngunit gusto ko magwala. Gusto ko isigaw lahat ng nararamdaman ko pero para saan pa? Nahuli na ako nang dating.

Hindi ko na natiis ang nakikita ko kaya nagpaalam na muna ako sa kanila na maglilibot lang ako rito sa bansa ng Morphrealm. Tama, lilibangin ko na lang ang sarili ko.

Buong maghapon akong naglibot sa lugar at kahit papaano ay nawala yung mabigat sa pakiramdam ko bago ako nagpasyang balikan sina Dran. Nakita ko silang lahat sa tabing-ilog kung saan ko sila iniwan

Wala akong masabi nung makita ko silang dalawang nakahiga sa damuhan habang magkaharap at nagtatawanan.

Mukhang nakalimutan mo na ako... Jen.

Kasalanan ko naman. Kung sana ay sinabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko noon pa. Kung sana ay naipahayag ko na sa kanya ang tunay na nilalaman ng puso ko. Kung hindi sana ako naging torpe at duwag..

Ako sana ang nasa posisiyon ni Dran ngayon. Ako sana ang katabi niya ngayon. Ako sana ang nagpapatawa at nagpapangiti sa kanya. Ako sana... ang mahal niya.

Umagos ang luha ko dahil sa mga naiisip ko. Hindi ko maiwasang manghinayang sa mga inaksaya kong pagkakataon. Hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko dahil hindi ko man lang sinubukang magtapat.

Tama nga sila.

Minsan, sa buhay nang tao, palagi nating isinasawalang-bahala ang mga bagay o tao sa ating paligid sa pag-aakalang palaging May Pagkakataon. Hindi natin naiisip na malay natin yung sinayang natin oras na kasama pa natin sila ay ang Huling pagkakataon na pala na kasama natin sila.

Kailangan, pahalagahan natin ang taong mahal natin o ang mga bagay na mahalaga sa atin habang ito'y nandiyan pa dahil hindi natin kontrolado ang tadhana. Maraming pwedeng mangyari sa isang iglap lamang nang pagpikit nang ating mga mata.

Napatitig ako kina Dran at Jen na masayang nag-uusap.

Umupo sila sa damuhan at sabay pinagmasdan ang papalubog araw at kulay kahel na kalangitan. Ngayon ko lang nakitang makipag-usap si Dran sa mga babae. Sabagay, pag-ibig nga naman.

Dahan dahang inilapit ni Dran ang kanyang labi kay Jen.

Hindi na ako nakapagtimpi at sinugod ko si Dran. Bahala na !

Bago pa man maglapat ang kanilang mga labi ay tumilapon na si Dran at nahulog sa ilog.

"Aaaahh!" Tili ni Jen dahil sa gulat.

Lahat sila ay napatingin sa akin. Maging si Jen ay tumingin sakin nang matalim.

"Ano bang problema mo Arko! Napunta ka lang sa paaralang yun naging bayolente ka na !" sigaw niya sakin.

Siguro napuno na siya. Kanina ko pa kasi pinipigilan ang paghahalikan nila.

"Aray... Haha! Bakit ka ba nanununtok bigla, Arko?" tanong ni Dran na dahan dahang umaahon sa ilog.

"Anong problema ko?! Ikaw ang problema ko ! Napakamanhid mo kasi!" sigaw ko kay Jen na nabigla sa pagsigaw ko sa kanya.

"Ako pa ngayon ang may kasalanan? Manhid ako? Paano mo nasabi ? Wala kang alam Arko! Wala!" sigaw niya sakin.

"Mahal kita Jen! Matagal na kitang mahal! Hindi mo pa ba yun nahahalata?!" tanong ko.

"Pero Arko--" magsasalita pa sana si Jen ngunit pinigil ko.

"Pero Ano? May mahal ka nang iba, di'ba? Akala ko magiging masaya ako kung itatago ko ang nararamdaman ko para sayo. Hindi ko naisip na maaari ka pa lang mahulog sa iba habang wala ako. Pero sino ba naman ako Jen? Hamak na kaibigan mo lang naman ako" sabi ko sabay hinga ng malalim.

Nakita ko ang lungkot sa kanyang mata. Sa isang iglap, nawala yung lakas ng loob kong magtapat nang nararamdaman para sa kanya. Nanlambot ang tuhod ko.

Tinalikuran niya ako at iniahon si Dran sa ilog.

Tinalikuran niya ako...

Isang sampal nang katotohanan sakin, na nangyari na ang kinatatakutan ko. Ang umibig siya sa iba at iwan akong nag-iisa. Hindi ko naman siya masisisi, sa umpisa palang malinaw na sa kanya ang lahat..

Na walang Kami..

--
(A/N: Sensya na natagalan ang update may sakit si aketch xD kaya nahihilo magtype)

Tassein CzarWhere stories live. Discover now