TC#41 : Symbiosis

723 37 14
                                    


TC#41 : Symbiosis

Nie's POV

Isang kakaibang kalasag ang piedras platas dahil ito ay buhay, gumagalaw at may sariling pag-iisip. Kailangan nito ng makakapitan upang manatiling buhay kahit wala ito sa lupa, at sa mga oras na ito, sa akin siya kumukuha nang lakas. Hinihigop ng puno ang life force ko upang maging pataba sa ugat niya at bigyang lakas ang Adarna at ako. Its like a good parasite, I it my energy, it gives me its power.

I limit myself of using this for seven minutes. Isang minutong pagkunsumo niya sa'kin ay kapalit nang isang taon nang buhay ko. Kung gugugol ako nang maraming minuto, sayang ang kagwapuhan ko kung mamatay ako ng maaga kaysa sa life span ko. Sayang nang lahi ko. Ang gwapo ko pa naman.

Kanina pa nagsimula ang pag-sipsip ng kapangyarihan ng puno sa'kin. Patapos na ang unang phase, ang healing stage kung saan inaayos nang puno lahat nang nasirang tissue sa katawan at ginagawang bago itong muli. Ang sunod na phase ay ang beastidial stage kung saan magagamit ko ang kapangyarihan niya habang paulit-ulit niya akong ginagamot. Mas magandang tawaging god-mode ito dahil sa infinite healing na bigay nito.

"Ano? Rook? Akala ko ba, tatalunin mo ako sa loob nang pitong minuto? Isang minuto na ng lumipas" pang-uuyam nang pangit sa harap ko. Ngumisi ako, hindi dapat bumabali nang pangako ang mga gwapo.

Pumadyak ako sa battlegrounds na nagpayanig sa lupa. Nagsilabasan rito ang napakaraming ugat na agad tinangkang puluputan ang Relic na iyon. I manipupated one of the roots and its transformed itself into a druid, and attack my enemy.

"Ito lang ba ang kaya mo?" aniya habang umiiwas sa mga baging at sa druid. Hindi pa nga ako umaatake eh.

"Adarna, ignite" utos ko sa ibon na nakatuntong sa balikat ko. Ang pangalawa niyang anyo, phoenix. Kasabay nang pag-apoy nang ibon ay ang pagbaga nang kahoy na armor ko. Cool, ngayon ko lang 'to nalaman. Cool Armor for cool and handsome person like me.

Nagsimulang humuni nang mabalasik ang ibon. Sa tingin ko, ang kanta niya ay tulad nang elementong rinerepresenta niya.

Sinuntok ko ang lupa at laking gulat ko nang naglagablab ang mga ugat sa paligid ko. "Showtime!" sabi ko sabay takbo sa direksiyon ni Relic na abalang iwasan ang mga baging at atakihin ang druid. Ngayon tatlo na ang kakalabanin mo.

"Forte!" aniya at sinuntok ang druid na nawasak at napaluhod. Hindi na ito gumalaw. Sayang naman.

Sinuntok ko si Relic gamit ang nagbabaga kong kamao na nasalo niya gamit ang isang kamay.

"Ignite!"

"Forte!"

Magkasabay naming sigaw nang magic word. Naglaban ang apoy ko at ang lakas nang gauntlet niya. Unti-unting nagbabaga ang suot niya nang hilahin siya nang mga baging ko at ibalibag sa sahig.

Tapos na ang pangalawang minuto. Nawala ang apoy nang baluti ko at nang mga ugat. Isang kakatwang bagay ang nangyari sa baluti ko, naging transparent ito kasabay nang pagkulay asul nang balahibo nang adarna. Pangalawang palit-anyo.

Alam ko na ang kapangyarihan nang pangalawang anyo. Lumuhod ako at hinawakan ang lupa. Naramadaman kong naglabas nang napakaraming tubig ang baluti ko na pumasok sa mga ugat na nakabalot ngayon ka Relic. Unti-unting tumubo ang napakaraming buds sa mga ugat. Namukadkad ang mga ito at naging bulaklak kasabay nang paglabas nito nang mga pollen.

Nagbagong anyo ulit ang baluti ko at pakiramdan ko ay naging immobile ako. Kumapal ang balat nang kahoy sa katawan ko. Doon ko napansin, ang mga pollen na nilabas nabg bulaklak ay agad nagiging halaman.

Shit! Masama ito. Kapag napunta sa manunuod ang pollen maaring tumubo sa balat nila anf mga halaman. Nakita kong unti-unti ngakakaroon nang ugat at moss ang mukha ni Relic.

Sumigaw siya sa takot. "Anong nangyayari? Anong ginagawa mo sa'kin?!" sigaw niya na pilit umaalis sa gapos nang mga baging.

"Hindi ako ang may gawa! Hindi ko alam. Umalis ka na diyan. Mga nanunuod umalis kayo rito. Agad tutubo ang halaman na didikit sa balat niyo." paliwanag ko.

Agad nataranta ang mga tao at nagtakbuhan paalis. Shit, bakit hindi ako makagalaw? Ayaw akong paalisin nang piedras platas? Pinoprotektahan niya ako sa mga halaman. Pero kailangan kong pigilan 'to.

"Dran! Anong gagawin ko?" paghinge ko ng tulong. Wala akong maisip na paraan. Kusang gumagalaw ang puno sa sarili nito at ang unang goal nito ay protektahan ako bilang may-ari sa kanya. Shit.

Kahit hindi ako makagalaw ang may nakita akong mangilan-ngilang estudyanteng nagsa-puno na. Napansin ko ring kulay lupa ang balahibo nang ibon na hindi kinakapitan nang mga pollen. Nagsimula na akong mataranta. Hindi bagay sa gwapong tulad ko pero anong gagawin ko?! Paano papatigilin ang piedras platas?

"Patigilin mo ang pagbibigay nang enerhiya sa baluti, Nie!" sigaw ni Dran sa'kin. Hindi ko siya makita. Sisigaw pa sana ako nang, Paano ko gagawin?, nang maunahan ako nang sigaw ni Relic na ngayon ay ganap nang puno. Pinuluputan ito nang mga baging at dinala sa ilalim nang lupa.

"Tumigil ka na!" asik ko habang pinipilit gumalaw. Ugh! Paano ba patitigilin-- isang ideya ang sumagi sa isip ko. Kailangan ko lang huminahon upang makapag-isip. Kung kailangan kong tawagin ang punong ito sa mahinahon na paraan, marahil kaya ko siyang paalisin sa paki-usap. After all,isa itong buhay na pantas.

Huminga ako nang malalim at pumikit. Mahirap maging mahinahon sa gitna nang mga sigaw at mga panaghoy nang mga naging puno. Unti-unti wala na akong naririnig pa. Pakiramdam ko nasa isang lugar akong ako na lang ang tao.

"Nie, gising" ani nang isang batang boses sa'kin. Nagmulat ako nang mata at nakita ang isang batang may mga ugat at baging sa ulo.

"Sino ka?" mahinahon kong tanong. Ngumiti siya sa'kin.

"Ako ang Piedras Platas Nie, aking amo" aniya.

Nabigla ako ngunit ngumiti. "Kung gayon, patigilin mo ang sumpang ginagawad mo sa kanila" sabi ko.

Tumango siya at tumawa. "Paalam. Tawagin mo na lamang ako Nie" aniya at biglang nawala.

Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid. Naramdaman kong gumaan ang pakiramdam ko at nawala ang baluting bumabalot sa'kin. Pagmulat ko nang mata ko, nakita ko agad si Relic. Wala na ang mga halaman sa katawan niya. Katulad nang iba nagsapuno, normal na ulit sila.

"Sabi ko na nga ba at kaya ito nang isang gwapong katulad ko. Si Nie? Ang gwapo? Hindi makokontrol ang kapangyarihan? Oh come on!" sabi ko sa tuwa. Pero mas nagagalak akong buhay ang iba at si Relic. Hindi naman ako katulad ni Dran, na kapag galit sa isang tao, gagawin ang lahat para mawala ito.

Isa pa, ayokong matakot sa gwapong tulad ko ang mga chikababes ko!

---

(A/N: sorry for ze long wait.)

Tassein CzarWo Geschichten leben. Entdecke jetzt