TC#6 : The Bishop and the King

2.6K 78 8
                                    


TC#6 : The Bishop and the King

I

Naglalakad si JL Zoic papunta sa apartment ng Chess.

Naiinis siya. Lima sa kanyang body guards ay nawawala na naman at nasisiguro niyang si Dran ang may gawa nito.

Mahalaga para sa tulad niyang Zoic ang kaniyang mga kalahi lalo na at isa siyang high ranking official sa Morphrealm. Isa siyang Dauphin.

Hinarap niya ang kanyang guwardiya na nakasunod sa kanya. "Ayokong malagas na naman kayo , ang mabuti pa ay lumayo kayo sa'kin pag kasama ko 'siya'. Matalas ang pakiramdam niya. Kaya dapat umalis kayo sa tabi ko para hindi kayo mamatay. At para hindi kayo mamatay , lumayo kayo. Maliwanag ?"

Napakamot na lamang ng ulo ang mga bantay ni JL. Paano ba naman ay ilang beses na itong sinabi ng amo nila sa kanila. Paulit-ulit na lang. Sabay-sabay silang umalis sa tabi ni JL. Ayaw nilang mamatay dahil sa psycho na kaibigan nang kanilang Dauphin.

Kung sila lamang ang masusunod , ayaw na nilang pasamahin sa alyansa ang kanilang master. Wala naman silang magagawa dahil ang trabaho lamang nila ay magbantay , promotekta at sumunod.

Nang mawala na sa paningin ni JL ang dalawa ay nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Naging malalim ang iniisip niya na hindi niya sinasadyang makabangga siya. Isang babae na may dalang tasa ng tsokolate. Natapon ang tsokolate ng babae sa damit niya maging ang damit ni JL ay nadamay.

"Waaaah !! Bakit mo binasa ang damit ko ! Anong ginawa mo ! waaah ! ang hirap maglaba nito ! although pinapalabahan ko lang sa tagasunod ko ang mga damit ko ! Pero kahit na ! Nakokonsensya ako sa mga naglalaba ng damit ko ! waaah ! bakit mo binasa ! Alam mo ba na mahirap pa sa mahirap ang maghirap na labahan to ! Di mo yun kasi alam eh kasi di mo naman inaalam! Di ka man lang nakikisimpatya sa pagod ng mga makinang naglalaba nito !" sabi ni JL.

"Ang gulo gulo mo ! Hoy lalaking nakasalamin na bagsak ang buhok ! Sino ba ang bumangga sa akin huh ! bayaran mo ko ngayon din ! Ilibre mo ko ng kahit anong gusto ko ! mahal ang tsokolate na yun at ilang araw ako nag ipon para lang makabili nun tapos itatapon mo lang !! grr ! Bayaran mo yun !" giit ng babae.

Napatitig si JL saglit sa kanya. Humanga siya sa aking ganda nito.

Pula ang buhok ng babae na hanggang bewang ang haba. Mahahaba ang pilik mata niya, makinis at maputi ang kutis at may manipis ngunit mapulang labi siya. Matangkad din sang babae.

'Wow ang laki ng hinaharap niya . Sexy pa ! Tsk nahaluan na ako ni Nie ng pagkamanyak. Pero hindi ko gusto ang narinig ko sa kanya kahit maganda siya di ko yun mapapalampas !' sa isip ni JL.

"Ano problema sa salamin ko hah ! at kung di ka naman ba humarang sa daraanan ko, di sana kita mababangga kaya kasalanan mo yun. Kasalanan mo dahil una sa lahat nakaharang ka sa daan, pangalawa di ka umalis nung nakita mo ako na palapit sayo at pangatlo ang bagal mo maglakad ! Nagets mo ba yun hah ! Ibig sabihin kasalanan mo ang nangyari dahil haharang harang ka sa daan at di ka gumilid ng tumatakbo na ako palapit sayo at dahil dun nabasa yang damit mo at nabasa mo damit ko kaya kasalanan mo talaga yun!"

"Hoy mister ! ang dami mo sinabi ! Ang gulo mo kausap ! Ang tanong ko lang naman ay babayaran mo ba ako o gugulpihin kita !?"

"Hindi ako magulo kausap nuh ! dika lang nakakaintindi ! Wala ako panahon sayo ! Wala akong dalang pera ngayon , sa susunod na lang !"

"Grrr ! ginagalit mo talaga ako nuh ?! Partial Morph! Silverback Arms!" sigaw ng babae.

Biglang lumaki at nagkamuscle ang braso ng babae. Naging braso at kamay ito ng isang gorilla.

Tassein CzarWhere stories live. Discover now