PROLOGUE (R-18)

7.2K 23 0
                                    

Warning: SPG

N I Ñ A

Ang sabi ko noon, hindi ko na uulitin ang minsang pagkakamali. Tama na ang isa at hindi na uulit pa. Ilang beses na akong nagkamali sa maraming bagay pero ang pagkakamaling minsan kong pinagsisihan ay ang hinayaan ko ang sariling magpatangay sa tawag ng laman.


Dala ng kalasingan, nakagawa ako ng pagkakamaling naging dahilan para itakwil ako ng pamilya ko. At sa pagkakamali na 'yon ay may isang buhay ang nabuo.


Sa kagustuhan kong maibalik ang nawalang tiwala ng mga magulang ko, binalak kong ilaglag ang sanggol na nasa aking sinapupunan. Pero hindi ako nagtagumpay.



Nabigo ako sa binabalak ko. Nabigo ako sa desisyon na ginawa ko. Nagkamali ako at pinagsisisihan ko ang pagkakamali na 'yon.



Pero nang matauhan ako, napagtanto kong walang kinalaman ang sanggol na nabuo sa sinapupunan ko. Wala siyang kasalanan dahil ako. Ako at ang katangahan ko ang dapat na sisihin ko, hindi ang sanggol na nasa tiyan ko.


Tinanggap ko ang katotohanang buntis ako. Maging ang panghuhusga at panlalait ng ibang tao ay tinanggap ko dahil tama sila — tanga ako.


Mas inuna ko pa ang pakikipaglandi kaysa sa pag-aaral ko. Mas inuna ko pang magpabuntis kaysa sa pangarap ko.


Sa kabila ng panghuhusga na natatanggap ko galing sa ibang tao, napagdesisyunan kong panindigan na lang ang pagbubuntis ko. Hindi ako masamang tao kaya bakit ko papatayin ang anak ko.


At ngayong kasama ko na siya sa mundo, sobra sobra pa sa salitang masaya ang nararamdaman ko.


Hinihingal akong inilayo ang labi sa labi niya para maghabol ng hangin. Hindi ko alam kung paano ako nakaabot sa ganitong sitwasyon. Hindi ko na napansin kung paano ko nagawang maupo sa kandungan niya at suklian ang maiinit at malalalim niyang halik.


Basta ang alam ko, gusto ng katawan ko ang nangyayari.


Muli niyang siniil ng mainit na halik ang labi ko. Bawat halik niya ay mapaghanap. Para siyang nauuhaw habang sinisipsip ang labi ko.


Habang ginagantihan ang mga halik niya ay naramdaman ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko na gumapang paitaas hanggang sa marating ang destinasyon nito.


Napa-ungol ako sa loob ng bibig niya nang mariin niyang pinisil ang buong kaliwang dibdib ko.


Hindi ganoon kalaki ang dibdib ko at hindi rin ganoon kaliit. Pero pakiramdam ko ay sakto lamang ang laki niyon dahil sakop na sakop ng malaki at mainit niyang kamay ang dibdib ko.


Wala na akong suot pang-itaas kaya damang dama ko kung gaano kainit ang palad niyang pumipisil at humihimas sa dibdib ko.


Ang isa niyang kamay ay nakasuporta sa likod ng ulo ko. Mula roon ay mas itinutulak pa niya ang mukha ko sa kanya.


"Uhm......" Mahinang daing ko nang maramdaman ang mariin niyang pagpisil sa tuktok ng bundok ko. Nilaro laro iyon ng daliri niya.


Naiwang naka awang ang labi ko nang gumapang ang labi niya patungo sa panga ko, pababa sa leeg saka umangat sa tenga ko.


Ganoon pa lang ang ginagawa niya pero ramdam ko na ang pagkabasa ko sa gitnang parte ng mga hita ko.


Pakiramdam ko ay nagtaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang maramdaman ang basa niyang dila na tinukso ang loob ng tenga ko.


Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now