CHAPTER 12🍆

1.7K 19 3
                                    

Sorry for the vulgar words! And enjoy reading☺️



CHAPTER 12


N I Ñ A


"SURPRISE! Welcome back home, Selene!"

Pawang mga nakangiti at sabay sabay naming sigaw nang lumabas sila mula sa sliding door na namamagitan sa pool area at sala ng bahay.

Napatigil siya at nagugulat na napatingin sa amin habang nakangiti naman kaming lahat sa kanya.

Ngumiti sina Ledger at Nanay Tess saka umalis sa tabi ni Selene at lumapit sa amin.

Walang namutawing salita sa amin pagkatapos ng isinigaw namin at hinihintay lang ang sasabihin niya.

Nagsalubong ang tingin namin kaya tumango tango naman ako sa kanya. Naalala niya na lahat at ngayong gabi niya iyon sasabihin.

"Welcome back home, my wife," si Czairex ang unang bumasag sa katahimikan at nang hindi nagsalita si Selene.

Nag aalangan man ay naglakad pa rin si Czairex palapit sa asawa niya habang may hawak na isang bungkos ng bulaklak.

Kami naman ay nakangiti lang at pinanonood silang dalawa. Napalingon ako nang lumipat si Theros sa tabi ko at umakbay sa balikat ko.

"D-did you like our surprise for you?" Naibalik ko ang tingin kina Selene. May iilang natawa nang mautal si Czairex.

Nakakunot ang noo ni Selene na tinanggap ang bulaklak na iniaabot sa kanya ng asawa. Mahina akong natawa nang makitang wala man lang naging reaksyon si Selene sa tanong ni Czairex pero kitang kita ko naman ang tuwa sa mga mata niya.

"Selene, anak! How are you, hija?" Sumulpot si Tita Janice sa tabi ni Selene nang mapansing napapahiya na si Czairex dahil wala man lang nagiging tugon sa kanya si Selene.

"Welcome back home, hija," bati naman ni Tito Hernando.

Sunod sunod na nagsilapitan ang iba at kinumusta si Selene. Naiwan naman kami nina Theros, Ledger at Nanay Tess.

Nakita naman namin ang dahan dahang pag-atras ni Czairex paalis doon at bagsak ang balikat na tumalikod.

Napatingin siya sa amin kaya ngumiti ako sa kanya. Napawi nga lang 'yon nang biglang humarang si Theros sa harapan ko kaya hindi ko na nakita pa si Czairex.

Nakataas ang kilay na nag angat ako ng tingin sa kanya. "Anong ginagawa mo?"

"Sinong nagsabi sayo na ngumiti ka ng ganyan sa kuya ko?" Nakatiim ang bagang na usal niya.

Natameme ako nang marinig ko ang selos sa tono ng pananalita niya. Dahan dahan ko siyang nginisian kaya mas lalo namang sumama ang mukha niya.

"Selos ka?" Pang aasar ko.

"So what if I am?" Asik niya.

Nagkibit balikat ako. "Edi magselos ka lang,"

Magsasalita na sana si Theros nang marinig namin ang sinabi ni Selene.

"Baby,"

Napatingin kami kay Czairex nang matigilan siya, dahan dahang lumingon at nanlalaki ang mga matang tumitig kay Selene.

"W-what did you call me?" Kanda-utal utal pa na tanong niya.

Sandaling hindi umimik si Selene saka dahan dahang ngumiti ng matamis. "Baby,"

"You...."

Tumango tango si Selene, marahil nakuha kaagad ang nais sabihin ng asawa. "Yeah. My memories are back,"

Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now