CHAPTER 13

830 7 3
                                    

CHAPTER 13

N I Ñ A

"Saan tayo pupunta?"

Iyon ang naging tanong ko sa ilang oras naming biyahe at hindi na rin pamilyar sa 'kin ang nadadaanan namin.

Papasok dapat ako sa trabaho ngayong araw pero pagkatapos namin ni Theros na ihatid a g anak ko sa eskwelahan niya ay akala ko ihahatid niya na rin ako sa trabaho, hindi pala.

Basta na lang kasi siya dumiretso at lumabas ng Manila, at ngayon ay hindi na pamilyar sa 'kin ang daan na tinatahak namin.

Kanina ko pa rin siya tinatanong kung saan kami pupunta pero hindi naman niya sinasabi at ngumingiti lang.

"We're going to Pangasinan,"

Mabilis na pumaling ang ulo ko paharap sa kanya nang marinig ang sagot niya.

"Pangasinan?!" hindi ko napigilan ang mapasigaw sa gulat.

Bahagya siyang nagulat sa sigaw ko pero natawa rin sa huli. Nakangiti siyang sumulyap sa akin pero ibinalik din kaagad sa daan ang paningin.

"Yes, my love. I own a small property there, and we are going there today because I want to give you a tour around the place."

"Bakit ngayon? I mean, pwede naman sa susunod na araw, linggo o buwan, para maisama natin si Thania, si Leanna, o di kaya ang mga pamilya mo," suhestiyon ko.

"Soon. For now, I'd like to give you a tour first before them,"

Napatango tango naman ako. "Madalas ka ba magpunta roon?"

Umiling siya, kaagad na pina-abante ang sasakyan nang mag-greenlight. "I went there once, when I visited the place and hired someone to clean it every week. I haven't been back since then."

"Pero alam ng pamilya mo na may villa ka sa Pangasinan?"

Tumango siya. "Yes. Kuya is the one who bought that place and put it under my name. That was his gift to me when I turned 23."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Ang swerte mo kay Czairex kung gano'n,"

"Of course! He is the one and only brother I have, and I'm lucky to have him as my brother," may ngiti sa labi na saad niya.

"Pero.....kung villa ang regalo niya sa'yo noong 23 ka, ano naman ang regalo niya sa'yo noong nakaraang birthday mo?"

Tumikhim siya at umayos ng tayo. Ang ngiti niya ay nauwi sa ngiwi. "Uhm, I don't want to sounds like....nagyayabang, but love....uhm,"

"Hmm? Ayos lang, hindi naman pagyayabang ang pagsagot sa tanong ko e," matamis ko siyang nginitian.

"Uhm, a p-plane, private plane,"

Hindi naman ako kaagad nakasagot sa sinabi niya at napakurap kurap lang ng mata. Hindi makapaniwala sa narinig ko.

"P-private plane?" Maang ko pang tanong, naninigurado. Nahihiya naman siyang tumango saka tumikhim.

Kung ang villa na iniregalo ay sobra sobra na, kahit maliit pa, paano pa naman kaya ang....p-private plane?

Jusko!

Alam ko, alam na alam ng buong mundo na mayaman ang tatlong magkakapatid na Vergara dahil sa mga naglalakihan nilang mga negosyo, pero....pero ang gawing pang-regalo ang private plane? Ewan. Hindi ko alam.

"Love? Are you okay? You look really shocked," usal niya.

Napakurap kurap ako at umayos ng upo. "A-ayos lang. Nagulat lang talaga ako,"

Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now