CHAPTER 11

721 8 1
                                    

CHAPTER 11



N I Ñ A


"Maiwan na muna kita rito ha? Bibili lang ako ng tanghalian natin," ani ko kay Selene.

Mabilis naman siyang napalingon sa akin nang nakakunot ang noo. "May food service naman ang hospital ah? Bakit bibili ka pa?" Taka niyang tanong.

"Ayaw ko man bumili pero kailangan. Kabilin bilinan ng mahal mong asawa na huwag kang pakainin ng pagkain na nanggaling mismo rito sa hospital. Wala raw siyang tiwala sa mga luto rito."

"Bakit naman ayaw niya? Eh mukhang masarap naman at isa pa may nutritionist naman siguro sila para mag-check ng mga pagkain dito."

"Ewan ko. Kausapin mo 'yong asawa mo," Tinalikuran ko na siya at naglakad palapit sa pinto. "Aalis na muna ako. Ibibilin na lang muna kita sa nurse."

Pagkabukas ko ng pinto ay sakto ring kakatok sana si Leanna na siyang sumalubong sa akin. Medyo nagulat pa siya.

"Oh, Leanna. Anong ginagawa mo rito?" Taka kong tanong. Bumaba ang tingin ko sa plastic bag na dala niya. "Ano yang dala mo?"

"Ah, ito? Nagtext kasi si Kuya Czai kay Aling Marta, pakilutuhan daw kayo ng pagkain tapos ipahatid na lang daw sakin." Inabot niya sa akin ang plastic bag na kaagad ko namang kinuha. "Niluto ni Aling Marta lahat ng paborito niyong dalawa."

"Salamat. Kumain ka na ba? Si Thania?"

"Iniwan ko sila saglit ni Anjo sa bahay. Nandun din po sina Juls kaya sila ang nagbabantay ngayon. Pinakain ko na rin po bago ako umalis."

"Sige. Salamat dito."

"Sige, ate. Uwi na po ako." Sumilip siya kaya gumilid ako. "Uwi na po ako, ate Selene. Pagaling ka po!"

Ngumiti naman si Selene at tumango. "I will. Thanks, Ley!"

Pinanood ko si Leanna na umalis bago isinara ang pinto at bumalik sa loob. Ibinaba ko ang plastic bag sa center table at inilabas ang mga pagkain doon.

"It's a good thing na dumating si Leanna, kaya hindi mo na kailangang umalis." Ani Selene.

"Oo nga, tinatamad din kasi ako umalis. Mainit pa naman sa labas." Tumayo ako at nagpunta sa mini kitchen.

Oo, may mini kitchen itong kwarto ni Selene. Si Czairex mismo ang namili nito dahil ang gusto raw niya ay 'yong magiging komportable si Selene.

Gusto ko ngang alamin kung magkano ang ginastos ni Czairex dito pero mas mabuting huwag na lang. Baka malula lang ako kapag nalaman kong milyones.

"Oh, kain na." Usal ko pagkabigay ko kay Selene ng plato niya na may laman ng kanin at ang mga paborito niyang ulam.

"Thank you."




Third Person's POV


Napa angat ng tingin sa pinto si Ricky na secretary ni Theros nang marinig nito ang sunod sunod na pagtunog ng doorbell.

Saglit na iniwan ni Ricky ang ginagawa sa laptop, tumayo at nagtungo sa pinto, sumilip siya mula sa peephole.

Nang makita kung sino ang nasa labas ng hotel room nila ay kaagad siyang nagtatakbo papunta sa kwarto ng amo niya.

Tatlong beses siyang kumatok sa pintuan ng kwarto nito bago iyon buksan. "Sir?"

"Yeah?" Tugon ng amo niya, hindi man lang ito nag abala na mag angat ng tingin sa kanya dahil abala ito sa mga dokumentong nasa table nito.

Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now