CHAPTER 8⚠️

2.5K 12 1
                                    

WARNING: SLIGHT LANG🍑🍆



CHAPTER 8


N I Ñ A


"TAO PO!"

Mabilis akong napalingon nang makarinig ng boses mula sa pinto ng aming munting tahanan. Dalawang lalaki at isang babae ang nakita ko roon pero hindi ako sigurado kung tunay na lalaki ba ang isa sa kanila dahil na rin sa kung paano gumalaw ang kasama nila.

Hininaan ko ang gasul bago tuluyang harapin ang mga ito. "Ano 'yon?" Nakangiti kong tanong sa mga ito.

Nasisiguro kung hindi taga rito ang tatlong 'to dahil na rin sa kakaibang kulay ng kanilang kutis. Halatang anak mayayaman ang mga ito.

"Ikaw po ba si Ate Niña?" Magalang na tanong no'ng babae. Tumango ako. "Ako po si Jessica, itong dalawa naman po na kasama ko ay sina Lance at Julio, mga kaibigan po kami ni Leanna." Pagpapakilala nito.

"Huy, anong Julio ka dyan?" Bira naman no'ng isa, mukhang tama ako. Binabae nga. Kilos at sa kung paano pa umirap ang mga mata niya ay pang babae na. "Juls na lang po ang itawag mo sa akin, ate Niña," nakangiting baling nito sa akin na nakangiti ko namang tinanguan.

"Uhm. Pasensya na kayo kung magulo itong bahay. Hindi pa kasi ako nakakapagligpit," hinging pasensya ko sa mga ito nang makita ang mga nakakalat na mga laruan ng anak ko. Napailing iling na lang ako. Basta na lang iniwan.

"Ayos lang po, ate. Sanay na po kami, ganyan din po kasi kagulo 'yong bunsong kapatid nitong si Lance," ani Jessica.

"Ay ganun ba?" ani ko.

"Si Leanna po pala, nasaan?"

"Umalis siya, nagpunta sa convenience store. Pero baka pauwi na rin 'yon ngayon. Kanina pa 'yon umalis e." Sagot ko habang nililigpit ang mga nakakalat na laruan nj Thania.

"Ganun po ba? Hihintayin na lang po namin," usal ni Juls.

"Kung ganun, pasok muna kayo. Maupo kayo at ikukuha ko muna kayo ng maiinom habang hinihintay si Leanna,"

"Sige, salamat po,"

Tinanguan at nginitian ko lamang sila bago balikan ang niluluto ko at ikuha na rin sila ng maiinom. Dala ang isang pitsel na may malamig na tubig at tatlo na baso pabalik sa sala.

"Mukhang may lakad kayo ah? Bihis na bihis kayo e," puna ko nang mapansin ang mga suot nila.

Nagkatinginan silang tatlo bago nagsalita si Juls. "Ate Niña, ang totoo po ay ipapaalam po sana namin si Leanna kung sakali,"

Kumunot ang noo ko ngunit nanatili pa rin ang ngiti sa aking labi. "Ipapaalam. Bakit?"

"Pwede po ba namin isama si Leanna sa bar? Birthday po kasi ng isa naming kaklase at lahat po kami ay imbitado. Actually, noong nakaraang linggo pa po namin sinabi kay Leanna at ang sabi niya ay magpapaalam daw po muna sa inyo. Sasama lang daw po siya kapag po pumayag ka. Pero ayos lang din naman po kung hindi, maiintindihan po namin."

"Babae ba ang may birthday o lalaki?" Tanong ko.

"Babae po,"

"Pwede ko bang itanong kung bakit sa dinami rami ng lugar na pwedeng pagganapan ng birthday, bakit sa bar pa? Iyong kaklase niyo ba ay mahilig mag bar?" Istrikta kong tanong. Hindi naman ako istriktong tao pero pinsan ko ang pinag uusapan dito at hindi pwedeng basta basta na lang ako papayag. Kapag may nangyaring masama sa kanya ay cargo de konsensya ko pa.

Hindi kaagad sila nakasagot at nagpalitan pa ng tingin bago si Lance ang sumagot.

"Naiintindihan po namin kung nag aalala kayo kay Leanna at hindi po kayo kaagad magtitiwala sa amin kasi nga po ngayon niyo lang po kami nakilala at hindi rin po ninyo kilala ang magbe-birthday. Hindi po kami umaasa na papayag kayo kaagad, sinusubukan lang po namin kung pwede po," mahinahon na paliwanag nito.

Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now