CHAPTER 4

1.1K 9 0
                                    

CHAPTER 4

N I Ñ A

Lumipas ang mga araw na paulit ulit lang ang ikot ng buhay ko. Gigising sa umaga, ipinagluluto ng almusal at babaunin ang anak ko at si Leanna, ihahatid si Thania sa eskwelahan niya, papasok sa trabaho at uuwing pagod na pagod sa gabi.

Sobrang nakakapagod at nakakaubos ng enerhiya sa katawan pero hindi naman ako pwedeng basta basta na lang titigil sa mga bagay bagay dahil lang sa pagod ako.

May anak ako na binubuhay at may pinsan na inaalagaan. Araw araw, gabi gabi na nakakapagod ang paulit ulit na ginagawa ko pero kaya ko pa. Kakayanin ko para sa anak ko.

"Bayad po!"

Kaagad kong kinuha 'yong bayad nu'ng babaeng nagsalita at iniabot sa katabi ko at iniabot naman niyon sa katabi hanggang sa mapunta 'yon sa drayber.

Napatingin ako sa cellphone ko at palihim na napabuntong hininga nang makitang halos kinse minutos na akong late sa trabaho.

At mukhang aabutin pa ako ng isang oras dito dahil sobrang haba ng traffic at napakabagal pang umusad.

Panay naman ang busina ng ilang mga sasakyan at nagrereklamo na halos dahil male-late na raw ang mga ito sa trabaho. Pero hindi naman sila pinapansin ng ilang awtoridad na nasa malapit lang.

Ang dinig ko kanina ay may aksidente na nangyari kaninang madaling araw at ngayong umaga lang naagapan kaya ganito na lang katagal at kahaba ang pila ng trapiko.

Sino nga ba naman ang hindi maiinis? Eh halos abutin na kaming lahat dito ng kalahating minuto. Kaninang madaling araw pa pala ang aksidente, bakit ngayon lang pina-aksyunan?

Kahit ang mga estudyante ay nagrereklamo na dahil may mga presentations at reportings pa raw na gagawin. Ang ilan pa nga'y hindi na nakatiis at pinili na lang na maglakad kahit na malayo pa ang mga unibersidad.

"Lintik naman oh! May itatagal pa ba yan?! Aba, mahuhuli na kami sa mga trabaho namin! Mabuti sana kung kayo ang mawawalan ng trabaho at mababawasan ng pera!"
Reklamo ng karamihan.

"Kaninang madaling araw pa pala yang aksidente, bakit ngayon lang inaksyunan? Bumabagal yata ang kilos ng mga pulis!"

"Ano na?! Matagal pa ba?! May mga trabaho pa kami! Tangina naman oh!"

Imbes na pakinggan ang mga hindi magagandang salita na sinasabi ng mga taong nagrereklamo sa trapiko ay kinuha ko na lamang ang cellphone at idinial ang numero ng boss ko.

Hindi naman tumagal ang pagri ring niyon dahil kaagad na sumagot si Ma'am Helen matapos ang tatlong ring.

"Hello, Niña?"

"Ma'am,"

"Yes, Niña?"

"Eh, ma'am, gusto ko lang po sana sabihin na male-late ako ngayon. Naipit po kasi ako sa traffic. Balak ko nga po sanang lakarin na lang kaso ay malayo layo pa at baka abutin po ako ng isa't kalahating oras bago makarating sa shop."

"Ganun ba?"

"Yes, ma'am,"

"It's alright, Niña. There aren't many customers yet. Nadia and Ainsley are already here so it's okay."

"Talaga po, ma'am? Nanggaling pa po kasi ako ng school kasi hinatid ko 'yong anak ko."

"It's okay, Niña. I heard that there was a three-car accident this morning that caused some traffic. It's understandable."

Napangiti ako. "Salamat po, ma'am."

"You're welcome, Niña."

Pagkatapos niyon ay nagpaalam na ako saka ibinaba ang tawag.

Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now