CHAPTER 6⚠️

3.5K 17 0
                                    

CHAPTER 6



N I Ñ A


Maingay at magulong kaganapan ang bumungad sa amin ni Nadia nang papasukin kami ng dalawang bouncer na siyang nagbabantay sa entrance ng bar.

Luminga linga kami ni Nadia sa paligid at parehong napapangiwi kapag nakakakita ng dalawang tao na nagme-make out sa kung saan saan, kulang na lang ay maghubaran na gumawa ng milagro.

Napalingon ako sa dance floor na nasa gitna at nakita roon ang ilang mga tao nagsasayawan habang sumasabay sa ritmo ng tugtog. Karamihan ay may mga hawak na baso at bote ng alak. May namataan pa ako roon na naghahalikan at kulang na lang din ay lamunin ng nung lalaki ng buo 'yong babaeng kahalikan niya.

"Ayun si Ainsley, oh," nilingon ko si Nadia nang marinig ko ang boses niya at sinundan ang itinuturo niya.

Namataan ko ang magkasintahan na Ainsley at Reynaldo sa isang pabilog na couch. At hindi ko mapigilan ang sariling mapangiwi at mapalingon kay Nadia na nilingon din ako't nakangiwi ang mga labi. Nakita lang din kasi namin sila na tulad nung mga iba ay naghahalikan din na para bang wala silang pakialam sa paligid. Iyong kamay pa ni Reynaldo ay nasa dibdib na ni Ainsley at pumipisil pisil na roon.

Minsan pa kaming nagkatinginan ni Nadia bago naglakad palapit doon. Abalang abala nga yaa ang dalawa sa paghahalikan dahil hindi man lang nila naramdaman ang pagdating namin.

Sa ikatlong beses ay nagkatinginan na naman ulit kami ni Nadia, pareho naming hindi malaman kung paano sisingit sa mukbangan—este sa halikan nung dalawa.

"Hindi ko alam na ganito pala ka-public ang relasyon nilang dalawa," puno ng sarkasmong sabi ni Nadia.

Mahina lang akong natawa. Nilingon ko ang dalawa na walang tigil sa paghahalikan at least buong lakas at sapat na boses na tumikhim para iparamdam sa kanilang nandito na kami.

Kung ako ang nasa sitwasyon ni Ainsley, hindi ko yata maaatim na makipag halikan sa harapan ng maraming tao. Nakakailang kaya ang ganun.

Muli akong tumikhim ng malakas nang hindi matinag ang dalawa. Titikhim pa sana ako kung hindi lang humiwalay si Ainsley sa nobyo niya.

Ano nga ba kasing ginagawa namin dito?

"Nandito na pala kayo, upo kayo," malapad ang ngiti ni Ainsley na paunlak niya sa amin, ni hindi man lang yata nakaramdam ng hiya na naabutan namin silang naghahalikan at naghihimasan ng dibdib.

Oo nga pala, bihira lang pala makaramdam ng hiya si Ainsley. Bakit pa nga ba ako magtataka?

"Salamat. Happy birthday, Rey. Pasensya na wala kaming dalang regalo para sayo, kanina lang kasi sinabi ni Ainsley," sabi ko habang nauupo.

Ngumiti naman siya. "Ayos lang. Salamat."

"Tayong apat lang ba ang magse-celebrate?" Tanong ni Nadia.

"Actually, inimbitahan ko rin 'yong dalawa kong kaibigan, kaso baka mamaya pa ang mga 'yon. Baka kasi nasa trabaho pa," sagot ni Reynaldo saka hinalikan si Ainsley sa balikat at pisngi.

Simula noong pinakilala sa amin ni Ainsley ang nobyo niya at napapadalas na rin ang pagpunta ni Reynaldo sa coffee shop ay naging malapit na rin kami. Naging mapang husga kami sa kanya noong una pero noong nakalapit na rin namin siya ay masasabi kong mabait naman siya.

Magkasing edad lang kami ni Reynaldo pero mas matanda lang siya ng dalawang buwan. Nitong mga nakaraang araw ay naging suki na namin siya sa coffee shop, nakilala na rin niya ang boss naming si Ma'am Helen at tulad namin ni Nadia ay nahusgahan din ni ma'am Helen si Reynaldo pero maliban doon ay wala na siyang ibang sinabi.

Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now