CHAPTER 17

320 12 3
                                    

CHAPTER 17

THIRD PERSON'S POV

Napalingon si Theros nang marinig niyang bumukas ang pinto ng kwarto nila at pumasok ang girlfriend niya. Sinarado nito ang pinto at dumiretso palapit sa pwesto niya at yumakap ito sa bewang niya.

Binitawan ni Theros ang mga damit nila na inaayos niya sa maliit na closet at ginantihan ng yakap ang nobya.

Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito saka sinilip ang mukha nito na nakasubsob sa dibdib niya.

"What's wrong, hmm?" He gently asked.

Umiling si Niña at mas yumakap lang sa kanya. Hindi na lang ulit nagtanong si Theros at hinayaan na lang ang girlfriend na yumakap sa kanya.

Isa ito sa mga gusto niya kay Niña. Ang niyayakap siya at nagpapalambing.

Hinawakan ni Theros ang mga kamay ng girlfriend na nakayakap sa kanya at inalis para iyakap ito sa leeg niya.

Ang mga kamay naman niya ay humawak sa pwetan ng girlfriend at binuhat. Kaagad na pumulupot ang mga binti nito sa bewang niya at yumakap sa batok niya at sumubsob sa leeg niya.

Theros walked towards the bed at naupo roon. Inayos niya ang pagkaka upo ng nobya sa kandungan niya at saka niya ito niyakap sa bewang.

A comfortable silence enveloped them as they hugged each other.

Gusto niya itong tanungin kung bakit ito bumalik kung kanina ay sinabi nito na sasamahan nito ang anak na maligo sa ibaba.

Pero dahil mukhang gusto nito ng katahimikan kahit na saglit lang ay hahayaan na lang niya.

Mukhang umalis din ang iba nilang kasama at naligo sa baba. Dinig na dinig kasi ang boses ng mga ito kanina palabas ng suite nila at pumapangibabaw doon ang boses ni Nadia at Ledger.

"Love," malambing na tawag niya rito pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

Gumalaw ito para umayos ng upo sa kandungan niya. Napamura sa isip si Theros nang masagi nito ang umbok sa pagitan ng mga hita niya.

"Hmm?" She hummed and hugged him more.

Mahina siyang tumikhim. "You okay? You're silent today."

Hindi ito sumagot at sa halip ay umalis ito sa pagkakasubsob ng mukha sa leeg niya at tumingin sa kanya.

Sinalubong naman ni Theros ang paningin ng girlfriend. Nilibot niya ang tingin sa buong mukha nito at napangiti.

"Ganda mo," nakangising aniya na ikinapula ng pisngi nito.

Mahinang napahalakhak si Theros at nanggigigil na pinugpog ng halik ang buong mukha nito.

Hanggang ngayon ay wala pa ring mahagilap na rason o dahilan si Theros kung bakit niya mahal si Niña. Ilang beses na rin niyang natanong ang sarili kung paano at kailan?

Pero sadyang wala talaga siyang sagot na makuha. Ito nga siguro yung sinasabi ng mga kaklase niya noon at ni Marco na bigla bigla ka na lang magmamahal kahit wala namang dahilan o rason.

Ito yung pagmamahal na nararamdaman niya na walang dahilan. Basta ang alam niya ay nagising na lang siya, isang umaga na mahal na niya si Niña.

Hindi naman na ito ang unang beses na nagmahal siya. The first time was when he's in college. He fell in love with a girl that he even tried to pursue her, but too bad, that girl was in a relationship that time.

The second time was when he met Selene. He liked her because Selene is his type of girl, she's also nice and kind and beautiful. Nga lang, hanggang sa pagkagusto lang siya dahil asawa na ni Czairex si Selene.

Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now