CHAPTER 20 (R-18)

616 7 1
                                    

WARNING: SPG💦

CHAPTER 20

NIÑA


Bumuntong hininga ako habang nakatingin lang sa cellphone ni Theros na nakapatong sa bed side table at pinapanood lang ang walang tigil na pagtunog niyon dahil sa sunod sunod na tawag na galing sa numerong hindi nakarehistro.

Alam ko ang numerong iyon dahil yun ang tawag na sinagot ko kaninang tanghali. Isang beses lang pero nakabisado ko na ang numero ng babaeng nagngangalang Monica.

Pagkatapos ng tawag na yun kanina at ang pagpapakilala niya sakin ay hindi na yun maalis sa isip ko. Hanggang ngayong madilim na ang langit at sumapit na ang gabi ay hindi pa rin yun mawala. Bumabagabag pa rin yun sa isip ko.

'I'm Monica and I'm your boyfriend's fiancé'

Aminin ko man sa sarili ko o itanggi, bumabagabag sa isip ko ang sinabi niya.

Paano yun nangyari? Paano siya naging fiancé ni Theros?

Sa pagkakatanda ko ay walang ibang pinopormahan si Theros. Iyon din ang sinabi ni Selene at Ledger.

Kaya paano?

Naipilig ko ang ulo at napatingin sa cellphone nang tumahimik na yun at nakita ang 10 missed calls galing sa iisang numero.

Napatingin naman ako sa sariling cellphone na nakapatong din sa bedside table at katabi lang ng cellphone ni Theros nang magliwanag yun at lumitaw ang isang text galing sa iisa ring numero.

Napabuntong hininga ako nang mabasa ang laman ng text. Tulad ng sa cellphone ni Theros ay panay din ang tawag ng numero na sigurado akong isa sa pamilya ko ang nagmamay ari ng numero. May 3 missed calls at 5 unread messages.

Gusto nila makipag kita. Gusto nila makipag usap. Iyon ang laman ng mga mensaheng iyon. At hindi ko alam kung handa ba ako sa gusto nilang mangyari.

Paulit ulit kong sinasabi na sa ilang taon naming hindi pagkikita at walang komunikasyon sa isa't isa ay hindi ko na malaman kung paano sila pakikitunguhan na parang ayos lang ang lahat.

May hinanakit ako sa pamilya ko, sa mga magulang ko. Gusto kong manumbat at sabihin sa kanila lahat ng dinanas ko na walang suporta na galing sa kanila.

At magagawa ko lang yun kung papayag akong makipag kita sa kanila.

Pero paano kung wala akong lakas ng loob? Paano ko sila haharapin kung pinangungunahan ako ng pagtatampo?

Napabuga ako ng malalim na hininga at napatungo ng ulo. Paulit ulit akong kumurap nang maramdaman ang pamamasa ng aking mga mata.

Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto ng kwarto. Hindi na ako nag abalang lumingon dahil sa pabango niyang nanuot agad sa ilong ko ay kilala ko na kung sino.

Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa kabilang side ng kama dahil nasa kabilang side rin ako ng kama at naramdaman ang presensya sa likod ko. Pumirmi ang mahahaba niyang mga binti sa magkabilang gilid ko at pumulupot ang mga braso sa bewang ko at ipinatong ang baba sa balikat ko.

Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now