CHAPTER 2

1.8K 18 0
                                    

Chapter 2



N I Ñ A

"Huwag kang magpapasaway ha? Palagi kang makikinig sa teacher mo. Kapag may pinagawa, gawin ha? Maliwanag ba, Nathania?"

"Opo, mama." Cute na sagot niyan na may kasama pang pagtango tango ng ulo.

"Very good." Nginitian ko siya at hinaplos sa buhok. "Sige na, 'nak. Pasok na. Huwag kang aalis ng classroom mo hangga't wala pa ang Tito Berto mo o di kaya kahit na sino sa karinderya ang sumundo sayo. Nagkakaintindihan ba tayo, anak?"

"Opo."

"Good girl. Sige na. Ba-bye na."

Dumukwang ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Ba-bye, mama."

Kinawayan ko siya. Pinanood ko muna siyang pumasok sa classroom nila at umupo sa upuan niya. Nang masiguro kong ayos na siya ay umalis na ako.

Ganito parati ang routine ko. Hinahatid ko si Thania tuwing umaga at sina Berto naman ang susundo sa kanya ng hapon.

Nahihiya ako sa kanila, sa totoo lang. Pero wala naman akong choice dahil may trabaho naman ako.

Kailangan kong kumita ng pera para sa aming mag ina. Hindi kami mabubuhay kung tutunganga lang ako. Simula ng maghiwalay kami ng tatay ng anak ko ay wala na akong natanggap na sustento mula sa kanya.

Sinubukan kong tawagan noon pero hindi sumasagot. Nakahanap lang ng babaeng mas mapera sa akin ay inabanduna na niya kami ng anak niya.

Sinubukang isinumbong ni Aling Marta at Selene ang tatay ni Thania dahil nga sa hindi nito pagbibigay ng sustento sa anak ko pero pinatigil ko na sila.

Ang sabi ko ay huwag na silang mag abala sa taong ayaw paabala. Kung gugustuhin niya ay magbibigay siya ng pangsustento sa anak namin pero kung ayaw niya, hindi naman ako namimilit.

Kaya ko namang buhayin ang anak ko. Iniwan na niya kami at sumama sa iba, ibig sabihin lang niyon ay ayaw niya na talaga sa amin.

Sinubukan ko namang makipag ayos kahit para na lang sa kapakanan ni Thania pero ayaw na talaga ng Ricardo na 'yon kaya nga sumama na sa mas may pera e.

"Magandang umaga, Niña!" Iyon kaagad ang bungad ng kasama ko sa trabaho na si Ainsley. Parati na lang na maligalig ang babaeng 'to.

"Magandang umaga rin."

"Kumusta ang linggo mo?"

"Ayos naman. Sayo ba?"

"Kyaaaaahhhh!" Nagulat ako ng bigla siyang tumili. Kay aga aga. Buti na lang dalawa lang kami. "May nakita akong gwapo roon sa bar na pinuntahan namin ng mga kaibigan ko! OMG! Ang gwapo talaga!"

Natawa ako. "Gwapo lang yata ang ipinunta mo roon e? Tama ba?"

Ngumiti siya at parang tanga na tumango tango ang ulo. "Balak ko nga sanang yayaing sumayaw kaso umalis kaagad nu'ng palapit pa lang ako. Pero ang gwapo niya — kyaaaahhhh! Hinding hindi ko makakalimutan kung gaano siya kagwapo! 'Yong mga kamay niya, parang naiimagine ko na hahahaha may kuryenteng idinudulot sa sistema ko! Hahahaha! Mainit, nakakapaso! Nakamamatay! Sa susunod na makita ko siya, yayayain ko na siya sa kama!"

Natigilan ako saka napangiwi sa sinabi niya. Grabe ang babaeng 'to. May jowa na ang malanding 'to pero kung magsalita, may balak pa yatang magloko.

Napapailing na lang ako habang nangingiti. Wala pa rin siyang tigil sa kakatili. Hinayaan ko na lamang siya. Nasiraan na yata ng bait.

Natigil lang si Ainsley sa kakatili nang dumating ang may ari ng coffee shop.

Alas siete madalas dumarating ang mga customers para tumambay kaya pagsapit ng alas siete ay nagsikilos na kami para asikasuhin ang mga customers.

Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now