CHAPTER 18

365 11 0
                                    

CHAPTER 18




THIRD PERSON'S POV





Napapangiting tumitig si Theros sa magandang mukha ng nobya niyang mahimbing ang tulog habang nakaunan sa braso niya. Malalim ang paghinga nito at himbing na himbing sa pagtulog.




Hinaplos ng malaya niyang kamay ang mga mata nito na hanggang ngayon ay medyo namamaga pa rin dahil sa walang tigil nitong pag iyak kanina. Maging ang ilong nito ay namumula at ang labi ang bahagyang naka awang.




Malayang hinaplos ni Theros ang mukha ng girlfriend niya at puno ng lambing at pagmamahal na tinitigan ang natutulog na dalaga.





She's not his typical ideal girl, but he came to like her, and now he loves her.





Gusto niya lang si Niña noon kaya nga sinubukan niyang ligawan ito. Pero hindi niya inaasahan na habang lumilipas ang mga araw na nagkakasama at nagkaka usap sila ay mas lalo pa pala siyang mahuhulog ng sobra.





Kahit siguro subukan pa niyang umahon ay hindi na talaga makaka ahon pa, lalo na ngayon na magkaka anak na sila.





Bumaba ang kamay ni Theros at dumapo yun sa flat na tiyan ng nobya. He caressed her belly mula sa labas na suot nitong damit.





At sa muling pagkakataon ay hindi ulit napigilan ni Theros ang mapaluha dahil ba saya at dahil na rin sa ka-alamang may bata na nabuo sa tiyan ng girlfriend niya.





Hinayaan lang ni Theros ang sarili na taimtim na lumuha habang hinahaplos ang tiyan ng nobya. Pumikit siya at marahan na pinatak-patakan ng halik sa noo ang natutulog na dalaga.





"T-thank you, l-love...." he sniffed quietly. "Thank y-you for g-giving me this k-kind of happiness. I-I promise t-to take c-care the b-both of y-you and s-shelter y-you with f-full of l-love. I love y-you, Niña, always and forever."













Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas si Theros nang nakapamulsa. Mabilis na nagsi-lingunan ang mga tao sa kanya pero ni isa ay wala siyang binigyang pansin at diretso ang tingin na lumabas ng hotel at tumungo sa restaurant.





Namataan niya kaagad ang mga kasama na naroon na sa table. Nakita niya rin na napailing iling ang bunsong kapatid na si Ledger sa kanya dahil sa nakukuha niyang atensyon sa loob ng restaurant habang naglalakad palapit sa mga kasama.





"Lakas ng charisma," dinig niyang ani Marco, nakangisi katulad ng bunso niyang kapatid.





Sino ang hindi mapapalingon kung gwapong-gwapo at mukha siyang model dahil sa suot niyang pang summer talaga. Floral shirt at short, nakabukas ang dalawang butones ng shirt niya at naka sunglasses pa.




(A/N: kayo na bahala mag imagine kung anong itsura niya, hindi ako magaling sa paglalarawan ng tao e huhu)





"Papa!" Magiliw hiyaw ni Thalia nang makita siya.




Naupo siya sa tabi ng anak na kaagad namang yumakap at kumandong sa kanya at hindi pinansin sina Ledger at Marco na nakangisi sa kanya.





"Si Ate Niña?" Tanong ni Selene nang mapansin na hindi niya kasama ang dalaga.





"She's asleep," tipid niyang sagot dito. Tinanggal niya ang sunglass na suot at tinignan ang anak na ngiting ngiti na nakatingin sa kanya. "Hmm? Why are you smiling at me like that, baby?"





Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now