CHAPTER 5

1.1K 7 0
                                    

CHAPTER 5



N I Ñ A


"WHAT?!"

Napatigil ang lahat ng tao sa loob ng coffee shop nang pumangibabaw ang malakas na sigaw ni Nadia. Mula sa pagliligpit ko ng mga tasa at pinggan na nagamit ng mga customers ay napalingon ako sa kanya. Kahit si ma'am Helen na mukhang may pinagkakaabalahan sa loob ng opisina niya ay napalabas marahil narinig din ang malakas na sigaw ni Nadia at bakas ang pagkataranta sa mukha ni ma'am Helen.

"P-paano? A-anong nangyari?" Utal utal na tanong ni Nadia. Magkasalubong ang kilay at nakatingin sa kawalan habang pinapakinggan ang sinasabi ng kung sino mang kausap niya sa cellphone.

"Nadia, what happened? Why are you shouting?" Kuryosong tanong ni ma'am Helen na nilapitan pa si Nadia sa pwesto niya.

Para namang walang narinig si Nadia dahil hindi sinagot ang tanong ni ma'am Helen.

"B-bakit—p-paanong naaksidente?" Nanginig ang boses ni Nadia. Mula sa kinaroroonan ko ay nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. Napatuwid ako ng tayo, kinuha ang tray na siyang pinaglalagyan ng mga niligpit ko at lumapit sa counter.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko.

Nilingon ako ni Nadia. Kaunti na lang ay tutulo na ang luha sa mga mata niya. At hindi nga ako nagkamali, tuluyan ng tumulo 'yon. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba nang marinig ang pangalan na binanggit niya.

"S-si Selene......"

Natigilan ako. "B-bakit si Selene? Anong nangyari kay Selene?"

"Naaksidente si Selene—" hindi na napigilan ni Nadia ang hikbi na kumawala sa bibig niya. Ako naman ay lalong natigilan at segundo pa ang binilang bago tuluyang maproseso sa utak ko ang sinabi ni Nadia.

Narinig ko naman ang pagsinghap ni ma'am Helen samantalang si Ainsley ay may nagugulat na ekspresyon sa mukha.

"Nasaan na si Selene ngayon? Kumusta siya?"

"She's on the hospital now,"

Pinunasan ni Nadia ang sariling luha at tinignan si ma'am Helen. Mukhang nakuha naman ni ma'am Helen ang tingin na 'yon ni Nadia kaya tumango siya.

"Go. Selene needs you."

"Salamat, ma'am." Ako na ang nagpasalamat dahil kaagad na tumalikod si Nadia at pumasok sa staff room.

Sumunod na rin ako kay Nadia sa staff room at nagbihis. Isang mabilisang pagbibihis ang ginawa ko at sabay na rin kami ni Nadia na lumabas ng staff room. Nilingon pa namin sina ma'am Helen ay Ainsley at nagpaalam bago umalis ng coffee shop.

Ako na ang pumara ng taxi. Kinailangan ko pang alalayan si Nadia na sumakay dahil tulala na. Ako na rin ang nagsabi sa driver sa kung saan kami pupunta. Tahimik lang kaming dalawa ni Nadia at parehong may malalim na iniisip.

Paano naaksidente si Selene? Kausap pa namin siya noong isang araw. Ano ba ang nangyari?

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa hospital na malapit lang sa sub division na tinitirhan ko. Doon mismo nag-o-OJT si Leanna.

Pagkaabot ko ng bayad ay inalalayan ko ulit si Nadia na lumabas ng taxi. Para na siyang naparalisa dahil halos hindi na niya magawang kumilos para maglakad dahil nakatulala na siya. Kailangan lang kaladkarin para kumilos.

Habang hawak si Nadia sa braso ay lumapit ako sa nurses station.

"Good morning, miss," bati ko rito.

Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now