CHAPTER 14

621 13 4
                                    

edennndd this is for you since ikaw ang palagi kong nakikitang nagcocomment! Hope you like this!😊



CHAPTER 14

N I Ñ A


Abala ako sa pagluluto ng agahan at babaunin ng anak ko nang makarinig ako ng katok sa pintuan ng bahay. Hininaan ko ang apoy para hindi masunog ang niluluto kong pritong manok at naglakad palapit sa pintuan at pinagbuksan ang kung sino man.

"Theros....." Gulat na banggit ko sa pangalan niya nang siya ang mapagbuksan ko ng pinto. "Ang aga mo yata? Halika, pasok."

Naglakad siya papasok at hindi na ako nagulat nang dumukwang siya para halikan ako sa pisngi bago lampasan.

"Wala ka bang trabaho ngayon at nandito ka?" Tanong ko. Dumiretso ako sa kusina pagkatapos ko isarado ang pinto at ipinagpatuloy ang pagluluto.

Naramdaman ko ang pagsunod niya sa likuran ko at yumakap sa bewang ko mula sa likuran saka pinatakan ng halik sa buhok ko.

"Won't you greet me a good morning first?" Tanong niya saka ipinatong ang baba sa tuktok ng ulo ko.

Alam ko namang maliit ako pero sa ginagawa ni Theros ay nagmumukha talaga akong maliit at siya'y matangkad naman.

Natawa ako. "Edi good morning,"

"Napipilitan pa," bulong niya, mas napatawa ako. Nilingon ko siya, tumingkayad at hinalikan siya sa panga.

"Magandang umaga. So bakit ka nga nandito nang ganito kaaga? Wala ka bang gagawin ngayon?"

"Nah, I'm free today,"

"Oh, eh di dapat nagpapahinga ka ngayon," pinatay ko ang gasol at inilipat ang mga pritong manok sa isang malaking tupperware.

"I want to spend my day with you," sabi niya, hinawakan ang panga ko at iniharap sa kanya at mariing hinalikan ang labi ko. "Do you have work today?"

"Papasok dapat ako pero hindi kasi maganda ang pakiramdam ko kaya nagpaalam muna ako sa shop na hindi ako papasok ngayon,"

"What?" Nanlaki ang mata ko at nagulat nang bigla niya akong pinaharap sa kanya at sinuri ang katawan ko, ang berdeng mga mata ay nabahiran ng pag aalala. "What happened? Saan ang masakit? Tell me, love. Do you want me to bring you to the hospital? Tell me." Sunod sunod na tanong niya.

Sandali akong napatitig sa kanya at nang makabawi ay napahagalpak na lang ako sa tawa. Nagsalubong naman ang kilay niya habang nakatitig sa akin, tila nagtataka kung bakit ako tumatawa.

"What the......why are you laughing?" Nagtataka niyang tanong.

Umiling ako at kinagat ang labi para tumigil sa pagtawa. "Wala, wala,"

"Are you.....making fun of me, woman?" Ang pagtataka sa mukha niya ay napalitan ng masamang tingin. Umiling ako at tinalikuran siya.

"Hindi, ah! Bakit kita pagtatawanan?" Mariin kong kinagat ang labi nang gusto na namang kumawala ng tawa ko.

Wala namang nakakatawa pero gusto kong tumawa. Para tuloy akong baliw na nakawala sa mental facility dahil sa pagtawa ko nang wala namang dahilan.

"Then why are you biting your lips?" Pumwesto siya sa gilid ko at sinilip ang mukha ko. Mas kinagat ko pa ang labi. "Love...." Nagbabanta na ang boses niya.

Hindi ko siya pinansin at tinalikuran upang ihanda na ang babaunin ng anak ko.

Hindi ko naramdaman ang pagsunod niya. Palihim ko siyang sinilip sa gilid ng mata ko at nakita ko siyang parang model na nakasandal ang likuran sa lababo namin at nakatitig sa akin.

Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now