CHAPTER 9🍑

2.5K 12 4
                                    

CHAPTER 9



N I Ñ A


Nagising ako nang maramdaman na para bang may mabigat na nakadagan sa katawan ko. Nagmulat ako ng mga mata at nilingon ang bintana ng kwarto ko na nakabukas na. Kinuha ko ang cellphone na nasa gilid ng higaan at tinignan ang oras.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang alas nuwebe na ng umaga. Dali dali akong bumangon pero kaagad din na napabalik sa pagkakahiga.

Napalingon ako sa tabi ko at natigilan nang bumungad sa akin ang natutulog na mukha ni Theros. Bahagyang naka awang ang mga labi niya at bakas sa mukha niya ang mahimbing na pagtulog.

Ang isa niyang braso ay mahigpit na nakayakap sa bewang ko habang ang isa naman niyang paa ay nakapatong sa mga binti ko.

Napahinga ako ng malalim at idinial ang numero ni Nadia. Ilang ring ang lumipas bago niya nasagot.

"Hello?"

"Nadia."

"Oh. Ate Niña, napatawag ka?" Tanong niya.

"Gusto ko sanang itanong kung hinanap ba ako ni Ma'am Helen?"

"Hmm, hindi naman. Bakit ka naman niya hahanapin?"

"Kasi.....hindi ako pumasok tapos hindi pa ako nagpaalam,"

"Ah, 'yon ba? Hahaha! Actually, nagpunta si Theros kanina rito. Sinabi niyang hindi ka makakapasok,"

"Huh?" Napatingin ako kay Theros na himbing na himbing pa rin sa pagtulog. "Anong sabi niya? May sinabi ba siyang dahilan?"

"Wala siyang sinabing dahilan pero ang sabi niya pagod ka raw kaya baka tanghaliin ka sa gising. Iyon lang naman,"

"Ganun ba?"

"Oo, 'te. May tatanong ka pa?"

"Ahm. Marami bang customer? Kailangan niyo ba ng makakasama? Pwede naman akong pumasok ngayon,"

"Hindi na. Kaunti lang naman, atsaka tumutulong din si ma'am Helen. Nandito rin 'yong jowa ni Ainsley, tumutulong, kaya ayos lang kami."

"Ah, sige. Ibababa ko na 'tong tawag. Pakisabi kay ma'am, papasok ako bukas,"

"Sure. Bye, 'te,"

"Sige."

Pagkatapos kong ibinaba ang tawag ay nilingon ko si Theros na malalim at mahimbing ang tulog sa tabi ko. Dahan dahan akong nahiga patagilid, paharap sa kanya, at tinitigan ang gwapo at makinis niyang mukha.

Umangat ang kaliwa kong kamay at marahang hinaplos ang malambot niyang buhok. Mas malambot pa yata ang buhok niya kesa sa buhok ko.

Dahan dahan kong inihaplos ang kamay ko mula sa buhok niya, pababa sa noo, kilay, ilong, at pababa sa walang kasintamis na mga labi niya.

Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng tyansa na mahalikan ang mga labi niya. Noon naman, hindi ko pinangarap na magkaroon ulit ng lalaking papasok sa buhay ko.

Nakuntento na ako sa buhay ko. Iyong kasama ko lang ang anak kong si Thania, maliban doon ay hindi na ako nangarap pa ng mas higit pa.

Simula noong iniwan kami ni Ricardo, hindi na ulit ako naghanap pa ng lalaking magpapaligaya sa buhay ko.

Kung tutuusin, hindi na namin kailangan ni Thania ng lalaki sa buhay namin.

Pero ano 'tong ngayon? Bakit nandito si Theros sa tabi ko? Bakit hinayaan kong pumasok si Theros sa buhay naming mag ina?

Dahil ba sa gusto ko at nangungulila ako sa pagmamahal ng isang lalaki? O dahil gusto ko lang maramdaman ulit ni Thania na meron siyang ama — kahit pa hindi totoo?

Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now