CHAPTER 7

1.7K 9 0
                                    

CHAPTER 7



N I Ñ A


Nagising ako nang may maramdaman na parang may mabigat na bagay na nakadagan sa katawan ko. Umungol ako at nag inat ng mga kamay bago nagmulat ng mata. Maliwanag na kisame ang kaagad na bumungad sa akin. Nilingon ko ang bintana at nakitang papasikat pa lang pala ang araw.

"Good morning,"

Natigilan ako nang marinig ang paos ngunit malalim na boses ng lalaki. Sinubukan kong igalaw ang katawan pero hindi ko nagawa at doon lamang napagtanto na nakahilata ang hubad na katawan ni Theros sa ibabaw ko. Nanlaki pa ang mga mata ko nang maramdaman ang pagsuksok niya ng mukha sa leeg ko.

Nangilabot ako at nagtaasan ang balahibo sa katawan ko nang maramdaman ang pagbuga ng mainit na hininga niya sa balat sa leeg ko.

"A-anong ginagawa mo?" Nagtataka kong tanong dahil para siyang bata kung humiga sa ibabaw ko.

"I just want to feel the warmth of your body," bulong niya dahilan para maramdaman ko ulit ang mainit na hininga niya sa leeg ko.

Hindi ako sanay sa ganito lalo na't hindi ko kailanman naranasan ang ganito kahit pa noong naging magkarelasyon kami ni Ricardo.

"K-kanina ka pa gising?" Tanong ko na lamang at sinubukang balewalain ang namumuong init sa katawan ko.

Naramdaman ko ang pagtango niya kasunod ay ang pagdampi niya ng dalawang magkasunod na halik sa leeg ko.

"Did I wake you?" Malambing ang tono ng pagkakatanong niya.

Mahina akong umiling. Hinawakan ko ang mga balikat niya para sana itulak siya pabangon pero hindi ko inaasahan ang kuryente na dumaloy sa katawan ko.

"Bangon ka na," tikhim ko.

Sa halip na sundin ako ay mas humigpit lang ang yakap niya sa bewang ko at mas isiniksik pa sa leeg ko ang mukha niya.

"Theros......"

"Can we stay like this for a while, love? Please..."

Natahimik ako nang marinig ulit 'yong endearment niyang LOVE. Gutom lang yata ang lalaking 'to kaya kung ano ano ang sinasabi.

"Wala ka bang trabaho ngayon?" Mahina kong tanong at hindi na napigilan ang mga kamay na umangat sa buhok niya at hinaplos 'yon.

Nagtataka at naguguluhan ako sa ikinikilos niya ngayon. May alam naman na ako sa pakikipag relasyon kaya alam ko na ang mga ganitong gestures pero ayokong mag assume dahil baka ma-misinterpret ko lang ang mga pinapakita niya at mabigo lang ako sa huli.

Hindi ganito ang pagkakakilala ko kay Theros. Sa lamig ng pakikitungo niya at pagiging madistansya sa mga tao ay hindi ko inakalang may ganitong side pala siya. Animong bata na gustong magpalambing.

"I still have some work to do, but I need to take a rest. I've been working for more than a week, and I think I need a break,"

Hindi ko pinansin ang pag aalab ng apoy sa sistema ko dahil sa init ng hininga niya na tumatama sa balat ko sa leeg. Laking pasasalamat ko na lang na nakabalot ang hubad kong katawan ng nagkakapalang kumot.

Sa ngayon, gusto ko munang sulitin itong panlalambing na ginagawa ni Theros baka kasi sa susunod o saw makalawa, hindi na madugtungan.

Kung tutuusin, hindi ko dapat hinahayaan si Theros na gawin ang mga ganitong bagay sa akin dahil unang una sa lahat ay wala naman kaming relasyon o espesyal na nararamdaman para sa isa't isa.

Pero minsan talaga hindi ko mapigilan ang sarili ko. Tulad na lang nung nangyari kagabi. Hindi naman ako lasing kagabi pero nalasing ako sa mga malalalim na halik at mga haplos niya sa katawan ko.

Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now