Hi Soulmate

28.3K 524 22
                                    


Enzos point of view

Kahit anong suklay ko sa buhok ko , wala pa ring nagbabago. Sinubukan kong ngumiti pero lalong nakasama.

Alam ko hindi maputi at pantay ang mga ngipin ko. Di gaya ng iba dyan, maputi, chinito, may makinis na balat at higit sa lahat gwapo.

Napabuntong hininga na lang ako sa harap ng salamin at bigla kong tinanong ang sarili ko " may tatanggap kaya at magmamahal sakin?"

Biglang may kumatok sa pinto.


"Anak, Enzo bumaba ka na at mag almusal" si nanay.

Napatingin ako sa relo, alas sais na pala ng umaga.


"opo nay, susunod na po ako"


Nang bumaba ako ay nakita kong nag aantay sila nanay at tatay tsaka ang makulit kong kapatid na si Alfred.


"oh hindi yata maganda ang gising ng anak ko?" tanong ni tatay.

Tumingin muna ako kay nanay at tatay tsaka kumuha ng sinangag "anak bakit? Masama ba pa pakiramdam mo?" nakita ko na nag aalala si nanay base sa kanyang reaksyon.


"Nay? Tay? May magkakagusto kaya sakin?"


"anak naman, akala ko sasabihin mo buntis ka" bigla na lang tumawa si tatay, habang si nanay ay ngumiti lang.


"tay naman eh!"


"ano ka ba naman anak, syempre gwapo ka este maganda ka at mabait ka naman may magkakagusto din sa'yo" ngumisi na lang si tatay at pinipigilan ang sarilii na tumawa.


Sinundot ako ni Alfred sa tagiliran "Uyyy..... si kuya nako conscious...." Sabi nito.


"Tama na yan, kumain ka na anak" ang sabi ni nanay.

Malaki ang pasasalamat ko dahil may pamilya ako na tanggap kung ano ko. Nung araw na inamin ko sa kanila kung ano ako eh malugod nila itong tinanggap. Lalo na si tatay, sabi niya pg may nanligaw daw sakin eh ipakilala ko sa kanila.


Naks! Dalaga lang ang feeling?

Pagkatapos mag almusal...


"Alfred, tulungan mo ang kuya mong maglinis huh" ang sabi ni nanay ko sa aking kapatid at tumango naman ito.


Pupunta na si nanay sa karinderya namin na nasa harap lang ng aming bahay.


Pagkatapos kung maglinis ng bahay ay umakyat ako pabalik sa kwarto para maghandang pumasok sa trabaho. Sa isang pastry shop ako nagtatrabaho at naglalakad lang ako papunta at pa uwi dahil hindi naman ito kalayuan.


Nang palabas ako ng bahay ay marami na namang tao sa karinderya namin. Masarap daw talaga kasi magluto ang nanay ko.

May napansin akong bagong mukha. Ngayon ko lang siya nakita dito sa lugar namin.


Naka sleeveless sya na body fit at naka blue na board shorts. Gosh! ang gwapo niya.

Hi Soulmate (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang