Wala Ngang Forever!

6.5K 229 22
                                    


Enzos POV

Nagising na lang ako at sobrang sakit ng ulo ko parang pinupok pok ng martilyo.

Pamilyar ang lugar, teka kwarto to ni Paul ah. Ngunit mag isa lang ako sa kwarto boxer shorts lang ang suot ko.

May naririnig ako sa labas na parang may nagtatalo. Sinuot ko ang aking damit at pantalon at dali daling lumabas ng kwarto.

Naabutan ko si Paul sa sala may tatlo siyang kasama. Isang lalake at babae na sa mga 60' s ang edad, andyan din ang babaeng lokaret na si Amanda.

"Oh... so I guess di natin kailangang pumunta sa bahay nila para kausapin siya" ang sabi nung Amanda habang tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"ah ikaw pala ang kinalolokohan ng anak ko. What's your name?" sabi nung babae.

"Enzo po" grabe sila kung tumitig, parang nang aalipusta.

"I just want to let you know na ikakasal na si Paul at Amanda sa susunod na buwan. Wag ka nang lalapit sa anak ko at wag ka nang magpapakita sa kanya, maliwanag? Makakaalis ka na." pagpapatuloy nung babae.

Nagsimula nang humakbang ang mga paa ko palabas ng pinto ngunit pinigilan ako ni Paul at hinawakan niya ang braso ko.

"Enzo mag usap muna tayo" ang mangiyak ngiyak na sabi ni Paul.

"Tama na Paul. Itigil na natin to, masyado na akong nasasaktan. Tapos na tayo, best wishes sa kasal mo"

"Pero.."

"Tama na Paul, tama na" naramdaman kong binitawan niya ang braso ko at tuluyan na akong lumabas.

Habang papasok na ako ng bahay ay parang hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Parang gumuho ang mundo ko. Wala na talaga, wala na talagang pag asa. Wala ngang forever.

Pagkatapos nung araw nay un ay wala na akong na receive ni isang text mula kay Paul. Siguro nga tinanngap niya na rin na tapos na ang lahat sa amin. Palagi ko ring nakikita ang mga magulang ni Paul na pumupunta sa bahay niya kasama ang bruhang Amanda.

Siguro nga tatanda na lang ako ng mag isa. Akala ko magiging masaya na ang lahat, akala ko kumpleto na ko. Pero mali ako, mali na umasa ako na pwedeng maging kami habang buhay. Sa sobrang pagka upset ko ay nag resign ako sa trabaho. Tumulong na lang ako kay nanay sa karinderya namin.

Isang hapon habang nakaupo ako at nanonood ng tv ay may bisitang dumating na hindi inaasahan.

"pwede bang tumuloy?"

Si Clyde pala. Teka anong meron may dala siyang bulaklak.

"para sa'yo" sabay abot sakin ng bulaklak at tinanggap ko naman ito.

"salamat"

"kumusta ka na?" tanong ni Clyde.

"medyo ok naman ako"

"nabalitaan ko na ikakasal na daw si Paul?" tumango lamang ako. hinawakan ni Clyde ang aking kamay na siya namang ikinagulat ko.

"Enzo simula noon sigurado na ako sa nararamdaman ko na gusto kita. Enzo was mung isara ang puso mo na umibig muli. Hayaan mong tulungan kitang malimutan mo siya"

Nagulat talaga ako sa mga sinabing iyon ni Clyde. Pero deep inside me, may feelings pa rin ako kay Paul at hindi ganun kadali na mawala at makalimutan yun. Oo nga tama si Clyde, pero hindi sa ngayon.

"Clyde, tama ka. pero hindi muna ngayon, aaminin ko mahal ko pa rin si Paul sa kabila ng mga nangyari. Sana na iintindihan moko" ang sabi ko kay Clyde.

"tandaan mo andito lang ako palagi" sabi ni Clyde.

Lumipas nga ang mga araw at kinasal na nga si Paul at Amanda. Pero wala na akong magagawa, na ubos na rin yata ang luha ko sa kakaiyak. Lumipat na din si Amanda dun sa bahay ni Paul. Nasasaktan pa rin ako lalo na pag nakikita ko silang magkasama. Grabe ang ngiti ng bruha, si Paul naman poker face lang at walang imik. Sa twing makikita ko silang magkasama, pakiramdam ko ay pinapamukha talaga sakin ng babeng yun na isa akong talunan.

Pumasok sa isip ko na mag hanap ng trabaho at tyempong may jobfair sa isang malaking mall kaya na isipan kong pumunta dun.

Natanggap ako sa isang call center at sa cebu ito located. Pagkatapos ng tatlong araw ay umalis na ako papuntang cebu. Siguro ginusto talaga ito ng diyos para makalimutan ko ang mga mapapait na alaala sa aming lugar. Nakakalungkot man na mahiwalay ako sa aking pamilya at mga kaibigan ngunit kailangan kong gawin ito para sa sarili ko.

Itutuloy...

�!�����

Hi Soulmate (COMPLETED)Where stories live. Discover now