Make A Wish!

9.6K 304 6
                                    

Pauls POV

Mag iisang oras pa lang ako na nakatulog nang bigla akong magising. Sa hindi maipaliwanag na dahilan eh si Enzo agad ang pumasok sa isip ko. Hai may something sa kanya na hindi ko masabi. Hai ano ba to, it's very weird. Bumangon ako at lumapit sa bintana. Nakita ko siya, si Enzo na nasa terrace ng bahay nila. Nakatingin sa kalangitan.

Binuksan ko ang bintana ng kwarto ko. Napaka presko nang hangin. Napatingin din ako sa langit at biglang may nag appear na falling star.

"Make a wish!" sabi ko at napatingin sa'kin si Enzo.

"Oh gising ka pa pala" ang sabi niya sa'kin.

"nakatulog na sana ako, pero bigla akong nagising at hindi nako makatulog ulit" tumango lamang ito.

"would you mind to take a walk with me?" ito ang mga salitang biglang lumabas a bibig ko. What?? Tama ba? Alas diyes na ng gabi baka hindi siya pumayag.

"Sige bah"

"Thanks" nagulat ako dun ah.

Bumaba ako at nag antay sa labas ng bahay nila.

Bumukas ang gate at lumabas si Enzo. " tara na" sabi pa nito.

"ipasyal mo naman ako sa plaza" sabi ko sa kanya.

"hindi ka pa nakakalibot dito?" si Enzo

"eh hindi pa, mga tatlong araw pa lang kasi ako dito" sabi ko

"ah, sige bukas ng umaga pwede tayong maglibot libot pa dito. Day off ko naman" ang sabi ni Enzo. Hindi ko alam parang medyo na excite ako. Hai ano bah ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Hindi ko maintindihan.

Nagkwentuhan kami habang naglalakad papunta sa plaza. Habang nagsasalita siya ay may something sa mga ngiti nito na hindi ko talaga maipaliwanag.

Umupo kami sa isang bench sa plaza at patuloy na nagkwentuhan.

"wow sa states ka pala lumaki" sabi nito sakin.

"we'll not really, nag migrate lang kami dun when I was 12. Dito ako pinanganak sa pilipinas."

Tumango lamang ito at masyadong matipid kong sumagot pag tinatanong ko.

"wait, magkwento ka naman tungkol sa sarili mo. Dami mo nang alam sa'kin eh" ang sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sakin at ngumiti. "well una gusto kong ipaalam sa'yo na gay ako" nagulat ako sa sinabi niya.

Yumuko lamang siya at tila inantay ang magiging reaksyon ko. pero parang hindi naman ako sobrang nagulat, siguro ito yung something na nararamdaman ko. pero what? May gaydar ako?

"That's fine with me, anyways wala namang masama dun" sabi ko sa kanya. Bigla itong tumingin sa isang dako.

"talaga lang huh?" si Enzo

"Oo naman walang kaso yun, mukhang mabait ka naman eh" sabi ko.

"yung ibang guys, natatakot makipagkaibigan sa gays" si Enzo.

"Well not me. The word gay means masaya so walang problema dun" hindi ko na alam ang mga salita na lumalabas sa bibig ko. parang na awawkward kasi siya kaya pilit kong kinu comfort at tinapik ko ang balikat niya. Nang ginawa ko yun eh parang may boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan ko. Woah ano bang nangyayari.

"sabi mo eh" pero blangko lang ang ekspresyon niya.

"sir balut!" at may nagbebenta ng balut na nasa harap namin. Wow na miss ko to, wala nito sa states.

"sige manong dalawa nga po"

Inabot ko kay Enzo ang balut "teka bili lang ako ng maiinom natin" sabi ko sa kanya.

"Naku, wag na ikaw na nga bumili nitong balut eh, ako na ang bibili ng soft drinks" ang sabi nito na nahihiya pa.

"Ako na, ako ang nagyaya sayo para ipasyal ako kaya ako taya" ang sabi ko sa kanya.

Wala na nga siyang nagawa kundi ang maupo na lang. pagbalik ko ay nakita ko na naman na nakatingin ito sa kalangitan. Ang cute niya tignan. Huh? Tama ba? Na cucute tan ako sa kanya? Nalilito nako.

"anong wish mo kanina?" ang tanong ko sa kanya sabay abot ng softdrinks.

"Salamat huh. Wish? Hindi ako nakapag wish eh"

"bakit nag wish ka?" tanong niya.

"Oo nag wish ako. Na sana makita ko na ang soulmate ko"

"soulmate talaga?" at sa unang pagkakataon narinig ko siyang tumawa.

"bat ka natawa?"

"nagulat lang ako, wala kasi sa itsura mo na nainiwala ka sa mga soulmate nay an. Sorry kung napagtawanan kita."

"bakit ikaw, hindi ka ba naniniwala sa soulmate?" ang tanong ko sa kanya. Bigla namang nalungkot ang kanyang itsura.

"soulmate? Ewan. Sa mga katulad ko parang hindi yata yan nag eexist. Tanggap ko na kung tatanda akong mag isa" ang seryosong sabi nito. Parang gusto ko siyang yakapin pero hindi ko alam kung pano sisimulan. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano tong nararamdaman ko pero bahala na talaga kung saan ako mapapadpad nito.

"hey, wag kang mag isip ng ganyan. Possibilities are endless" bigla siyang tumingin sakin at ngumiti.

"salamat huh" tsaka siya tumingin sa phone niya "ay mag aalas dose na pala tara uwi na tayo"

Tumayo kami at nag simulang maglakad pa uwi. Biglang nag brownout "nanay ko po!" ang sigaw ni Enzo.

Sa gulat niya ay bigla siyang napakapit sa braso ko. Ilang segundo lang ay bumalik na uli ang ilaw sa mga poste. "okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Naka hawak pa rin ito sa braso ko habang nakatingin sakin. Tumango lang siya.

"ay sorry" kumalas na siya sa pagkakahawak sakin at tila nahiya.

"it's okay. Tara na" hinatid ko siya sa harap ng bahay nila " salamat ha" ang sabi niya. Naku masyadong matipid talaga ito sa pagsasalita.

"ako dapat mag pasalamat sayo dahil sinamahan moko. Thank you" ngumiti lang siya at pumasok sa gate nila. Bago ko pa buksan ang gate ay nilingon ko pa siya at nadidinig ko na ni lolock nito ang gate nila. Naantok na din ako ulit kaya nakatulog na ako.

Enzos POV


Hindi pa rin ako makapaniwala na sa itsura ni Paul ay naniniwala pala siya sa mga bagay kagaya ng soulmate. Pero nagulat talaga ako kanina sa sinabi niya na possibilities are endless. Katulad din ng sinabi sakin ni Benjie. Naupo muna ako sa sofa at napabuntong hininga.

Hai buhay. Nalilito ako kung ano ba talaga. Pero aaminin ko magaan ang loob ko sa kay Paul. Sa maikling panahon na nagkausap kami eh masasabi kong hindi lahat ng gwapo at mahangin. Down to earth siya at mukhang sensitive siya para sa mararamdaman ng ibang tao. Ma swerte ang taong mamahalin niya.

"anak gising kapa pala" si nanay.

"opo, kakagaling ko lang sa plaza"

"huh? Gabi na anak ba't ka pumunta sa plaza ng mag isa buti hindi ka napag tripan dun?" ang nag aalalang sabi ni nanay.

"may kasama po ako kanina"

"sino si Benje?"

"hindi po si Paul po, ang lalaki po diyan sa kabilang bahay" sabi ko

"ah oo naalala ko na, mabuti naman pala at nakikipagkaibigan siya sa'yo" sabi ni nanay "sige anak matulog kana huh" bumalik na si nanay sa kwarto nila.

Umakyat na din ako sa kwarto dahil na aantok na din ako at agad naman akong nakatulog.

Hi Soulmate (COMPLETED)Where stories live. Discover now