Strike 2

7.2K 235 18
                                    

Eto na po ang bagong chapter! hehehe Gusto ko magpasalamat sa lahat ng nagbabasa at nag vote sa story ko, hindi ko man kayo ma mention isa isa pero alam niyo na kung sino kayo. Maraming salamat din sa mga silent readers ng story na to. O.A man pero sasabihin ko na na overwhelm ako. Maraming salamat po talaga.  Enjoy po sa pagbabasa :)

Ang Chapter na to ay dedicated kina: IamfamousrichkingMckenzieVanHarryGoyaspyeriMsYoU12345DivineBlueBlood at  

Siya nga pala ilang chapter na lang ay matatapos na ang story na to. Pero I'm already drafting para sa next story ko. Na eexcite ako kasi fantasy naman ang magiging tema nito.

Background music po pala is "Bumalik Ka Na Sakin" By  Silent Sanctuary..


Enzos POV

SIya nga! Nasundan nga niya ako. Pero pano? Hai ewan, wala na akong kawala siguro panahon na para harapin ko siya. Wag kayong mainis sakin huh? Nagpapaka hard to get pa ko.

Nagulat talaga ako kanina, akala ko kasi ma hohold up nako. Ang lokong yun nagawa pang pag tripan ako. Pero infairness, nadala ako dun ah. Bakit hindi ko nga ba narecognize ang boses niya? Kala ko din aswang yun kasi ayaw niya daw ng cellphone o pera, tinuro niya ang dib dib ko.

Tatakbo na sana ako nang makita ko na siya pala ang nasa harapan ko. Pero hinawakan niya ako sa dib dib at tinulak sa pader. Sheeet! Grabe ang kaba ko, tapos hinalikan niya ko at ako naman nasarapan din at tumugon. Sigurado buking na'ko at hindi na titigil yun, pano ba naman kasi sobrang hot at napaka gwapo nang hahalik sa'yo aayaw ka pa ba?

Biglang tumunog ang cellphone ko.

"hello nay aamin ka na ba?"

"anong pinagsasabi mo anak? Anong aaminin?"

"Nay, nandito si Paul, na corner niya ako kanina. Hindi ako magagalit nay kung binigay mo ang address ko sa kanya"

Napabuntong hininga si nanay "anak, hindi ko alam kung pano nalaman ni Paul ang address mo. Kabilin bilinan mo sakin na wag kong ipapaalam sa kanya ang bagong cellphone number mo at address mo dyan sa cebu diba? Oo pumunta siya sa bahay at grabe ang pagpupumilit niya, pero hindi ako bumigay sa pagmamakaawa niya anak" ang mahabang paliwanag ni nanay.

"hindi ko na alam ang gagawin ko nay"

"anak, siguro panahon na para kausapin mo siya. Wag ka ngang bitter. Tsaka nakita ko na umalis na yung asawa niya at hindi ko na nakita. May dahilan anak kung bakit kayo nagkatagpong muli, kaya kausapin mo siya at pakinggan ang kanyang paliwanag"

Umalis si Amanda? Naghiwalay sila? Hai gumulo na lalo ang isip ko.

Pauls POV

Para akong sira na balik ng balik sa flower shop. Wala ka na ba talagang maisip na ibang paraan Paul? Na corner mo nga siya nung isang gabi, pero naisahan ka naman at nakatakbo pa rin.

Hai Enzo mahal ko... bakit napakailap mo? Masakit man isipin pero tatanggapin ko naman kung sasabihin mong hindi mo na'ko mahal o kung may mahal ka nang iba. Ah! Ano ba.. think positive Paul, isipin mo kung pano siya tumugon nung hinalikan mo siya at kung papano kumabog ang dib dib niya na parang tambol.

Mahal mo pa ko Enzo.

"oh sir Paul, kumusta na?" ang tanong ni Alfred ang lalake na nagtatarabaho sa flower shop. Kilala na nila pangalan ko sa kakabalik ko dun. Napakamot na lang ako ng ulo. Siguro nagmumukha na akong tanga sa paningin nila.

Hi Soulmate (COMPLETED)Where stories live. Discover now