Lagot, Nalintikan Na!

8.2K 247 12
                                    


Mga alas kwatro na nang madaling araw ng magising ako. Wala na si Paul sa tabi ko, hindi naman nakasindi ang ilaw sa banyo kaya sigurado wala siya dun. Napansin kong bahagyang naka bukas ang pintuan ng kwarto ni Paul at nakita kong nakasindi ang ilaw sa labas kaya lumabas ako at bumaba. Nakita ko si Paul nasa kusina nagluluto at naka boxer shorts lang ito.

"Babe.." sabi ko.

"oh, gising na pala ang baby ko" lumapit siya sakin at hinalikan niya ako sa lips.

"anu ba yan, hindi pa ko nagsisipilyo eh" ang inis kong sabi.

" Ma upo ka nga sandali na lang tapos na kong magluto. Ang aga aga ang sungit ng misis ko ah" ang sabi ni Paul at bumalik sa pagluluto niya. Grabe naman ang hot ng kusinero ko hehehe ang sabi ko sa isip ko.

Lumingon bigla si Paul at nahuli akong titig na titig sa kanya.

"What's with that look? I know I'm hot and yummy, just get over it" sabi nito sabay ngisi. Abah yabang ah, batuhin ko kaya ng pinggan to.

"yabang mo ah. Mag focus ka nga dyan sa niluluto mo, mamaya masunog mo pa yan"

Maya't maya pa ay tapos na siyang magluto at naghain na sa lamesa.

"baby kain na tayo, pasensya ka na ito pa lang ang alam ko lutuin sa ngayon" sabi nito habang nilalagyan ng kanin ang plato ko.

"Naku ikaw naman, salamat nga pala. Bakit ka pa nagluto, maraming tirang pagkain kagabi" sabi ko

"iba naman yung kagabi, tsaka gusto kong pagsilbihan ang misis ko" sabi nito sabay ngisi.

"kanina ka pa misis ng misis huh, hindi mo pa nga ako pinapakasalan"

"ah basta, asawa na kita at akin ka lang, mananagot ang magtatangkang pumorma sa'yo" ang ma angas niyang sabi.

Matapos naming kumain ay umuwi muna ako para maghanda upang pumasok sa trabaho. Naku ang sakit talaga, pilit kong winawasto ang paglalakad ko pero napapangiwi ako. Nang papasok ako ng bahay ay nadatnan ko sila nanay na nag aalmusal.

"anak, mag almusal ka na oh" sabi ni nanay.

"salamat po nay, kumain na po kami ni Paul"

"ah ganun bah, sige ipapabaon ko na lang to sayo" ang sabi ulit ni nanay sabay kuha ng aking baunan.

"anak, hinay hinay lang baka mabuntis ka niyan agad huh" sabi ni tatay, nahalata siguro na hindi ako makalakad ng wasto. Pero derederetso na akong umakyat ng kwarto at naligo.

Hinatid ako ni Paul sa trabaho at si Benjie ay nakasunod lang sa likod namin at panay sabi na inggit na inggit daw siya. Si Paul naman ay pumunta sa restaurant na pinatayo niya at kasosyo niya sina Andrew at Jake.

Pauls POV

Masayang masaya ako na nakilala ko si Enzo and guess what kami na ngayon. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa tuwing kasama ko siya.

Pinagsikapan ko ring makapagpatayo ng isang restaurant sa tulong ng nina Jake at Andrew. Para kahit papano ay hindi ako tumambay at para maipakita ko rin sa mga magulang ni Enzo na kaya ko siyang buhayin. Plano ko kasing ayain siya na tumira na kami sa isang bahay, sana pumayag siya.

Si Enzo na talaga ang nakikita kong kasama ko habang buhay. Mamahalin ko siya ng higit pa sa inaakala niya at hindi ko siya hahayaang masaktan.

Habang abala ako sa Gawain sa opisina ay may hindi inaasahang dumating na bisita.

Tok! Tok! Tok!

"come in" sabi ko

Akala ko si Andrew o Jake ang papasok pero laking gulat ko na isang babae ang tumambad sakin. Siya nga, andito siya ngayon si Amanda, ang babaeng pilit pinagkakasundo sa akin ng aking magulang.

"o, ba't gulat na gulat ka don't you miss me?" sabi niya.

"A... Amanda? What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

"What kind of question is that? Of course I'm your future wife" ang sabi nito sabay ngiti.

"What? Sinabi ko na sa'yo diba? Walang tayo. Ba't mo ba pinagsisiksikan ang sarili mo. You need to leave, marami akong ginagawa" inis kong sabi sa kanya.

"Wow, how rude naman. Bakit? May girlfriend ka na ba dito at takot kang baka makita niya tayong nag uusap?"

"leave now" ang firm kong sabi.

"ok, pero magkikita tayo ulit Paul" sabi niya at lumabas na nga siya sa opisina ko.

Maya't maya pa ay patakbong pumasok si Andrew sa opisina ko.

"Woah dude, siya ba yung sinasabi mung chicks na pinapagkasundo sa'yo?" tanong ni Andrew.

Tumango lamang ako.

"she's hot dude"

"she's a brat at ayaw ko sa kanya"

"but anong ginagawa niya dito?" tanong ni Andrew.

"Alam kong mangugulo lang sya dito. Siya lang naman ang persistent na maging kami. Sinabi ko sa kanya na ayaw ko sa kanya the first time na pinakilala kami ng aming mga magulang sa isa't isa. Pero nababahala ako na malaman niya ang tungkol samin ni Enzo. Pag nagkataon gagawa siya ng bagay na ikakasakit ng loob nito."

Nang lumabas ako ng restaurant ay nakita ko si Amanda na nag aabang sa labas at may dala itong kotse.

"There you are kanina pa kita hinihintay. San ka ba? Tara hatid na kita"

"No thanks, mag ko comute ako" ang malamig kong sabi sa kanya. Pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Paul please sige na, hatid na kita" pag pupumilit nito.

Alam ko ang trip ng babaeng to, kung hindi ako papayag na magpahatid sa kanya eh susundan rin ako nito at mag krus ang landas nila ni Enzo na siyang kinakatakutan ko.

"ok sige"

Nang dumaan kami sa pastry shop na pinagtatrabahuan ni Enzo ay nakita ko siya na naglalakad at kasama niya si Clyde at Benjie. Ako sana ang kasama ni Enzo pauwi, panira ng araw kasi tong si Amanda.

"oh buong araw ka yatang bad mood uh. May mga kasama ka ba dun sa bahay mo?" tanong ni Amanda tsaka hinimas niya ang balikat ko.

"Will you please stop this?" sabay tanggal sa kamay niya. "Andito na tayo sa harap ng bahay ko"

Bumaba ako at bumaba din siya sa sasakyan at sumunod sakin. "salamat sa paghatid, makakaalis ka na" ang inis kong sabi sa kanya.

"why are you so rude to me, gusto ko lang na maging mabuti ang mga bagay bagay satin" at bigla na lang niya akong hinalikan.

"Enzo!" lumingon ako para makita kung sinong sumigaw, nakita ko si Clyde at si Benjie na mukhang shock din. Nakita ko si Enzo na patakbong pumasok sa kanilang bahay. Padabog pa nitong sinara ang pinto ng bahay nila.

Naku na lintikan na, siguradong nakita niya na hinalikan ako ni Amanda. Pano ko sisimulan ang pagpapaliwanag sa kanya.

Sa inis ko ay naitulak ko si Amanda ng kaunti dahilan para umurong ito. Agad akong pumasok sa bahay at ini lock ko ang pinto. Tuloy lang sa pagkatok si Amanda pero hindi ko talaga siya pinagbuksan hanggang sa narinig ko na lang na pinaandar niya ang kanyang kotse at umalis ito.

Itutuloy

Hi Soulmate (COMPLETED)Where stories live. Discover now