Crush na Kita!

8.2K 294 20
                                    


Dahil wala akong pasok sa trabaho ay tanghali na ako nagising, pagtingin ko sa relo ko ay alas nuwebe y medya na nang umaga.

Tok! Tok! Tok!

"Anak, bangon na tanghali na" as usual ang maganda kong nanay. Pero hindi na ako sumagot, natatamad pa rin akong bumangon. Maya't maya pa ay bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"babangon ka ba dyan? oh bubuhusan kita ng tubig?" ang sabi ni nanay. Nakatayo siya sa tabi ng kama ko at naka pamewang pa. Bakit kaya ang sungit nitong nanay ko. Hai ewan ko.

"nay naman eh.... Day off ko ngayon, hayaan mo na akong matulog muna" pag mamaktol ko.

"oo nga day off mo pero may bisita ka dun sa baba, kanina pa siya nag aantay kasi sabi mo daw sa kanya ipapasyal mo siya dito sa lugar natin" bigla akong napaisip, hai naku loading na naman ang utak ko. minsan kasi makakalimutin ako.

Bigla kong naisip si Paul. Tama sabi ko sa kanya maglilibot libot kami kasi day off ko.

"si Paul po?"

"oo kaya bangon na at mag ayos ka nakakahiya kanina pa siya nag aantay sa'yo" sabi ni nanay sakin at inirapan pa ako.

"sige po, pakisabi na lang po sa kanya sandali lang bababa na ako"

Agad akong pumunta sa banyo at naligo. Naku ewan ko na eexcite ako na makita siya at parang ang saya saya ko nang malaman ko na nag aantay siya sakin sa baba. "Friends lang kayo" ang sabi sakin ng isip ko. Hai oo nga naman friends lang kami, tsaka yun naman talaga ang mga magkaibigan bumibisita sa bahay ng kaibigan nila. Hai ayoko kong bigyan ng ibang meaning to.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong bumaba. Habang pababa ako ng hagdan ay nakita ko si Paul nasa sala kasama yung tatay ko na nagkakape habang nag uusap at nagtatawanan pa. Abah close agad? Weeeh.

"Oh anak, buti naman at bumaba ka na. kanina pa nag aantay si Paul dito" ang sabi ng tatay ko.

Napatingin ako kay Paul. Sheeeettt!!! Ang gwapo niya talaga pag naka ngiti hay.... parang nanlambot ang tuhod ko.

"good morning" ang bati niya sakin.

"good morning din, pasensya ka na huh sabi ni nanay kanina mo pa ko inaantay dito" hai naku, parang may mga paru paru sa loob ng tiyan ko.

"it's okay at tsaka nakaka aliw naman kausap tong tatay mo. Ang dami ko nang alam tungkol sa'yo" sabi ni Paul.

Bigla na namang humagikgik yung tatay ko. Yung tawa na alam mong may ginawang kalokohan.

"tay?" sabi ko sabay bigay kay tatay ng matalim na tingin. Naku itong Paul parang natatawa na din pero pinipigilan lang.

"wala anak, hehe. Mag almusal ka na muna" ang sabi ng tatay ko na nabubulol sa pagsasalita dahil sa pagpigil sa tawa niya.

"Paul sabayan mo'ko" ang aya ko kay Paul.

"Ah sige thank you, kumain ako kasabay si nanay at tatay mo kanina" kumain muna ako at nagpatuloy silang nag usap ni tatay. Ewan ko hindi ako maka relate sa pinag uusapan nila. Mga kotse at mga basketball. Hai indeed straight talaga tong si Paul. Pwede na rin siguro na maging crush na lang kita.


Parang may pagtingin si Enzo at Paul sa isa't isa. Ano kaya ang mga susunod na mangyayari?

Hi Soulmate (COMPLETED)Where stories live. Discover now