Knight on A Shining Armore

8.3K 264 8
                                    

Ilang araw pa lang kaming magkakilala ni Enzo eh parang ang gaan gaan na ng loob ko sa kanya. Parang ang saya saya ko pag kasama ko siya. Ewan ko, pero nung unang araw na tumama ang tingin ko sa kanya ay alam ko na na may kakaiba talaga. Parang minu minuto eh sumasagi siya sa isipan ko.

I'm confused. Kaya siguro hindi talaga nag work ang relationship ko sa mga babae kasi hindi talaga yun para sa akin.

Siguro may nararamdaman na ako para kay Enzo. Ganun din kaya siya sa akin?

Oo nga sinasabi ng mga kaibigan ko na kaya kong makuha ang loob ng babae o beki na popormahan ko. pero pagdating kay Enzo eh hindi ko alam kong tatalab yun. Blangko lagi ang ekspresyon ng mukha at napaka tipid niya magsalita. Mahirap siyang basahin.

Aaminin ko medyo nakaramdam ako ng selos nung nakipag usap si Enzo sa Clyde na yun.

Ah bahala na, sigurado na ako sa nararamdaman ko at dapat hindi ako maunahan ng iba. tatanungin ko siya kung pwede ko ba siyang ligawan. Waaaah, hindi ko alam kung pano sisimulan. Hindi ko pa naman naranasan manligaw ng kapwa ko lalake. Come what may!

Kinabukasan........

Tinanghali ako ng gising sa hindi malamang dahilan. Alas onse na sa relo ko, bumangon ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Hindi ko alam kung pano magluto kaya noodles, pancit canton di kaya ay nagbubukas lang ako ng de lata.

Pagkatapos kumain ay nanood muna ako ng tv. Nang ma bore ako sa palabas ay unti unti na naman akong inantok at nakatulog.

Nagising ako mga alas kwatro y medya na. naligo ako at pagkatapos ay naisipan kong mag lakad lakad sa labas. Nang malapit na ako sa basketball court ay may nakita akong mga lalake na tumatagay sa tindahan malapit rito. May hinaharangan sila at pilit na inaabutan ng baso. Si Enzo kasama niya si Benjie at ayaw silang padaanin ng mga lalake.

"Sige na inumin mo na to nang makadaan na kayo" sabi ng lalake na pilit na inaabot kay Enzo ang baso.

Hayop to ah. Unti unti akong lumapit lalo akong naiinis kasi mas klaro kong naririnig ang pangungutya ng mga lalake sa kay Enzo.

"Pare baka gusto niyang mag lollipop" sabi pa nung isang lalake.

"ah ganun ba gusto mo, sige pagbibigyan kita" nakita ko pang hinimas himas nung lalake ang harap niya habang nakaharap kay Enzo.

"pre, pwede bang padaanin mo sila" pilit kong kinakalma ang sarili ko.

"sino ka ba?" sabi nung lalake.

"pre, nakikiusap ako sa'yo ng maayos. Padaanin mo sila"

"pwede bah, wag mo kong ma pre pre. Hindi kita kumpare, bago ka dito noh? Kaya siguro hindi mo kilala kung sino ako. Sinasabi ko sa'yo ngayon pa lang na umalis ka na kung ayaw mong masaktan" ang sabi ng lalake sakin. Pero hindi ako nasindak sa sinabi niya at nagtitigan lang kami.

"Paul sige na umalis ka na. Rommel akin na yan iinumin ko na" ang sabi ni Enzo.

"Ano ka ba bes? Hindi ka umiinom dahil ayaw mo yung lasa ng alak diba? Pwede ba Rommel padaanin mo na kami!" ang sabi ni Benjie na halatang inis na inis na din.

"Isa ka pa ha! Iinumin na nga ni Enzo yung tinagay ko para sa kanya" sabi ulit ng lalake at tumingin ulit sakin.

"Oh ano pre? Iinumin na daw ni Enzo ang tagay ko para sa kanya, umuwi ka na!" ang sabi nang lalake sabay tulak sakin. Kanina pako nagtitimpi pero hindi ko na talaga napigilan at sinuntok ko siya sa mukha.

"Tarantado ka ah!"

Agad ding gumanti ng suntok ang lalake at natamaan ako sa kaliwang pisngi.

"Paul!" ang narinig kung sigaw ni Enzo.

Nakita kong inawat nung ibang mga nakatambay ang lalake at naramdaman ko na hinahawakan ako ni Enzo sa braso ng sobrang higpit. Gusto ko pa sanang sugurin ulit ang lalake pero nadidinig ko ang boses ni Enzo.

"Paul tama na, halika na"

Nag ngingitngit pa rin ako sa galit habang naglalakad kami ni Enzo at Benjie.

"tarantado yun ah!" sabi ko habang pinapahiran ko ang dugo sa sugat sa pisngi ko.

"halika ka muna dito gamutin natin yang sugat mo" sabi ni Enzo. "bes see you tomorrow ingatz" sabi niya kay Benjie.

"Sige bes, bye" sabi ni Benjie.

Pumasok na kami sa bahay nila

"upo ka muna dyan, kukunin ko lang ang first aid kit"

"Nay asan nyu po nilagay ang first aid kit?"

"nasa ibabaw ng aparador namin anak, bakit anong nangyari sayo?" at nakita ko ang nanay niya na nasa kusina.

"si Paul po kasi may sugat"

Nakita kong lumabas mula sa kusina ang nanay ni Enzo.

"anong nagyari?"

"pauwi ho kami ni Benjie, na tyempuhan na nag iinuman na naman sina Rommel dun sa tindahan malapit sa basketball court. Pilit niya akong pinapainum eh hindi naman ako umiinom. Nagkataon naman na nakita kami nitong si Paul kaya ayon nagkainitan at nagsuntukan" ang mahaba niyang paliwanag.

"Ai naku dapat ipa blotter natin yan. Hindi pwedeng ganyan na lang lagi ang gagawin sa inyo" ang galit na sabi ng nanay ni Enzo. "Hai naku pag nalaman ng tatay mo yan mamaya manggagalaiti na naman yun sa galit" dagdag pa nito.

Bumalik na ito sa kusina at naiwan kami ni Enzo sa sala at ginagamot niya ang sugat ko.

"pasensya ka na huh, nadamay ka pa. Sabi ko naman kasi sa'yo umalis ka na eh"

"bakit umiinom kaba?" tanong ko sa kanya.

"hindi" ang sagot niya.

"Awwww!" shit ang hapdi.

"tiisin mo muna. Pero salamat huh, kung hindi ka dumating dun, tuluyan na talaga kaming na bully ng mga sunog baga nay un" ang sabi ni Enzo habang naka pout ang bibig. Hai ang cute niya, parang gusto ko siyang halikan.

Ai bigla ko lang naalala na added pogi points pala ang ginawa ko. wahaha.

Ok lang kahit nasugatan ako, heto ginagamot niya ako ngayon. Para kaming mag syota hahaha. Tatanungin ko na ba siya kong pwede ko siyang ligawan?


Tatanungin na kaya ni Paul si Enzo? Abangan.....

Hi Soulmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon