Lahat ay may First Time

9K 271 14
                                    

Rated: SPG hehehe


At yun na nga tulad ng isang mag BF/GF ay hinahatid ako ni Paul sa aking pinagtatrabahuan. Palagi din kaming nag de date at namamasyal sa tabing dagat. Pero naging maingat kami kahit sa pag hoholding hands.

Minsan ay dun kami sa bahay niya nag fofood trip at nanonood ng movies tuwing day off ko at kung minsan naman ay sa bahay namin.

Maraming kaming naging pagkakataon na gawin ang alam nyu na. Pero hanggang halikan lang kaming dalawa. Natatakot kasi ako, wala pa kasi akong karanasan sa mga ganung bagay. Minsan alam kong gustong gusto nang gawin yun ni Paul pero kailan man ay hindi nya ako pinilit.

Pinakilala ako ni Paul sa kanyang mga kaibigan niyang sina Jake at Andrew. Sa una ay parang nagulat pa ang mga ito ngunit nirespeto nila kami at tinanggap ang aming relasyon. Sabi pa nila susuportahan nila si Paul hanggat wala siyang nasasaktan at masaya ito. Naging close din ako sa kanila.

Kakalabas ko lang sa pintuan ng pastry shop, kitang kita ko si Paul na tumatakbo.

"Sorry sweetie, I'm late"

"Naku, ang O.A mo" ang sabi ko.

"hmmmpf, syempre naman. Dapat paglabas mo eh andito nako naghihintay sa labas" sabi nito at nagpapa cute.

"hai... tara na nga.."

"akin na yang bag mo babe"

"ako na babe"

"akin na..." pagpupumilit nito at wala naman akong nagawa kundi ibigay ito sa kanya.

"Babe, birthday ko sa darating na Sunday ah wag mung kalilimutan" sabi ni Paul habang nakaakbay sakin.

"oo naman babe, hindi ko yun nakalimutan. May na isip na akong iregalo sa'yo" sabi ko sa kanya.

"ok lang naman kahit walang regalo, yung sakin lang naman eh baka makalimutan mo at baka may iba kang lakad sa Sunday" ang paliwanag niya.

"sa iyo lang nakalaan ang araw na yun, wala kang kahati sa araw ng birthday mo okay?" at nagpatuloy na kaming naglakad pa uwi.

Ang totoo niyan mga two weeks ago pa ako nakabili nang regalo ko para sa kanya. T-shirt yun na kulay blue at may malaking logo ni superman sa gitna. Nang makita ko yun nang nag punta kami sa mall ni nanay para mang grocery ay binili ko talaga agad kasi alam kong babagay sa kanya yun.

Dumating na nga ang araw ng birthday ni Paul. Excited akong pumunta sa bahay nila dala ang regalo ko sa kanya na ako pa mismo ang nag balot. Si nanay ang nagluto ng handa nya. Pagdating ko ay nandun sina Jake, Andrew, Rudy, Andrea, Dina at syempre si Benjie.

"Wow, andito na siya may dala pang regalo oh..." ang sabi ni Dina at kinikilig pa.

"Syempre kayo nga merong regalo, siya pa na boyfriend wala?" Pagbara sa kanya ni Rudy.

"Oh sige na tama na nga yan, mag umpisa na tayo" ang sabi ni Andrew.

Pagkatapos naming kantahan si Paul ng Happy Birthday ay nagdasal kami at kumain.

Pagkatapos kumain ay inumpisahan nang buksan ni Paul ang mga regalo na bigay sa kanya.

Huli niya talagang binuksan ang regalo ko sa kanya.

"Wow ang ganda naman nito babe, salamat" agad niyang hinubad ang kanyang damit at sinuot agad ang regalo kong damit sa kanya. Hindi nga ako nagkamali, bagay na bagay sa kanya at para talaga siyang si Superman.

"Oh tagay na tayo!" ang sabi ni Jake sabay lapag ng isang kaha ng redhorse.

Hindi ako umiinom kaya softdrinks lang yung sakin.

Hi Soulmate (COMPLETED)Where stories live. Discover now