May Something nga Ba?

9.6K 315 3
                                    

May napapansin si Paul kay Enzo na hindi niya maintindihan kung ano. Parang may something. Ano kaya ang something na yun? Abangan ang mga susunod na tagpo.

Comment po will greatly help me to improve my works. Thanks po! Sana magustuhan nyu Happy Reading.

Mga pass 8 na din ako nang makauwi at kumain na rin ako para diretso tulog na. Nakita ko si Enzo at ang kaibigan niya kaya tinawag ko siya "Enzo!" lumingon naman ito at tila nagulat. Patakbo akong lumapit sa kanila.

"Wazzup dude uwi ka na?" tanong ko sa kanya. "Oo bro" ang sagot nito sakin "ay Paul, si Benjie pala bestfriend ko, Benjie si Paul" ipinakilala ako ni Enzo sa kasama niya at nakipagkamay naman ako. Napansin kong panay bangga ni Benjie kay Enzo at parang tinutukso ito habang naglalakad kami. "tumigil ka nga" ang sabi ni Enzo kay Benjie at tumingin siya sakin at nginitian ako.

Nang nakita ko siyang ngumiti sakin eh I felt something different. Hindi ko ma explain, hai ewan "lahat naman ng tao pwedeng ngumiti sayo" ang sabi ng isang parte ng utak ko. Pinagkibit blikat ko na lang ito.

"dun pala kayo nag tatrabaho sa pastry shop?" tanong ko.

"Ah oo, pag may time punta ka naman dun. Wala kaming promo pero pag nagpunta ka dun libre ka ni Enzo ng isang slice ng sansrival. Di ba Enzo?" at tiningnan niya si Enzo na parang nang aasar.

"Ah oo naman Paul punta ka dun minsan dude" ang sabi ni Enzo.

"at kung gusto mo Paul pwede ka ding dumalaw sa bahay namin, gumagawa kasi ang nanay ko ng chicharon" ang sabi ni Benjie. Naku napaka kulit talaga ng isang to.

Napatingin lang ako kay Enzo "Paul pasensya ka na dito sa BFF ko. Maharot lang talaga yan at most of the time walang hiya" ang sabi ni Enzo at inirapan niya si Benjie. Tumawa na lang ako at napailing hai naku mag bestfriend talaga sila, sobrang totoo sa isa't isa.

Nasa harap na kami ng bahay ni Enzo "bes dito muna ako sa inyo wala akong kasama sa bahay eh, may pinuntahan pa sila mama" ang sabi ni Benjie kay Enzo at tumango lamang ito.

"goodnight na sa inyo, bye" ang paalam ko sa kanila. "goodnight din fafa Paul" ang sabi ni Benjie habang nag flying kiss pa. Natawa na lang ako. Pag pasok ko sa loob ng bahay eh hinubad ko an lang ang sapatos ko. Hindi na ako nakapagbihis at diretso nang natulog.

Enzos POV

"Magandang gabi po tita" bati ni Benjie sa nanay ko. "Magandang gabi din sa'yo Benjie" ang sabi ni nanay habang naghahanda ng pagkain sa lamesa "Alfred anak, please paki kuha pa ng isang pinggan para kay kuya Benjie mo" ang utos ni nanay sa kapatid ko.

"No tita, ate Benjie po ako ni Alfred" at tumawa si nanay "owkiez..." sabi pa nito.

Nang matapos kaming kumain ay nagpasya kaming pumunta sa terrace ng kwarto ko. magkaharap lang ang bahay namin ni Paul at napatingin ako dito. "oi bes natutulala ka na naman diyan at bakit ka nakatitig diyan sa bahay ni Paul?"

"tss" yun lang ang nasabi ko.

"bes gwapo si Paul, I'm gay and you're gay kaya alam natin na siya ang tipo ng mga katulad natin" well tama nga naman siya. "Oo nga bes gwapo siya at mukha namang mabait. He's straight kaya tigilan mo ang pagpapantasya sa kanya" pagbara ko kay Benjie.

"napaka nega mo talaga, possibilities are endless bes"

"Hai naku ewan ko sa'yo. Oh ayan na sila mama mo oh" ang sabi ko kay Benjie. "Hi tita Tess" ang bati ko sa mama ni Benjie at kumaway naman ito.

"Sige bes mauna nako" paalam ni Benjie

"sige bes ingat kayo"

Naupo na lang ako dun sa terrace, napaka presko ng hangin. Ang aliwalas ng langit at kitang kita mo ang mga bituin. Mas magiging romantic sana to kong may kayakap ako dito. Napabuntong hininga na lang ako at tumingin uli sa langit.


Hi Soulmate (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora