Pinagtatagpo ng tadhana

8.2K 279 3
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala na gagawin ni Paul na makipagsuntukan sa sunog baga na si Rommel. Flattering yun para sakin, imagine crush mo to the rescue sa mga nambubully sa'yo. Kung alam mo lang Paul kung gano ako kinilig sa ginawa mo.

Actually nung ginagamot ko nga siya kanina eh grabe ang kabog ng dib dib ko. medyo nanginig pa yung kamay ko dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. Napaka gwapo niya talaga at ang bango pa.

Pero ano kaya sana yung tatanungin niya? Parang ang seryoso kasi nang mukha niya, kaya ang biglang umeksena tong si Alfred. Interesado talaga sana ako na malaman kung anong itatanong niya pero nalimutan daw niya. Pero hindi naman siguro ganun yun ka importante.

Maya't maya pa ay dinalaw na ako ng antok at nakatulog na.

Dumating na naman ang araw ng linggo. At dahil day off ko eh nag isip ako kung anong gagawin ko ngayon.

Tinext ko si Benjie para samahan akong gumala sa Mall. Agad naman itong pumayag.

"Bes kanina pa ko nag aantay dito, ang dami mo talagang ritwal na ginagawa" amg inis kong sabi kay Benjie nang dumating siya sa bahay.

"Bes... parang hindi ka naman nasanay sa akin eh, kailangan ko talang magpaganda rarampa kaya tayo sa mall" ang mataray na sabi ni Benjie na umiikot ikot pa na parang modelo. Cross dresser kasi tong bestfriend ko eh.

Umalis na kami papuntang mall. Nang dumating kami dun ay nag ikot ikot kami at pumasok sa mga boutique. Papunta na kaming department store nang makita namin yung mga dati naming kapitbahay na mga close friend namin ni Benjie. Si Dina, Andrea at Rudy. Mga bata pakami nung lumipat sila nang bahay.

"Oi mga friends !" ang pasigaw na sabi ni Benjie.

"Benjie! Enzo!" ang sabi ni Andrea at mabilis na tumakbo papunta samin.

"kumusta na kayo friendship?" ang sabi ni Dina sabay beso beso. Nakipag manly hug naman si Rudy sakin at kay Benjie.

"ok lang kami, long time no see.." ang sabi ko

"oo nga, Benjie ikaw na ba talaga yan? Parang babae ka na talaga" ang sabi ni Rudy.

"uyyyy..." ang pag tukso ni Dina sa kanilang dalawa. Naalala ko dati tinutukso namin sina Benjie at Rudy dahil madalas silang mag away. Bata pa lang kami, alam na namin na pusong babae itong si Benjie.

marami nang nagbago, dalaga na talaga sina Dina at Andrea. Si Rudy naman ay naging maganda na ang katawan at mas naging gwapo, malayo noon sa pat patin niyang pangangatawan.

"wag ka nga Dina" medyo namula si Benjie sa pagtukso sa kanya ni Dina. Naku hindi yata gumagana ang pagiging malandi nitong bestfriend ko.

"San kayo?" ang tanong ni Andrea.

"mag iikot ikot lang kami" sabi ko

"bonding naman tayo ngayon, teka kumain na ba kayo?" tanong ni Rudy.

"hindi pa eh medyo gutom na nga ako" ang sabi ko.

"tamang tama hindi pa rin kami kumakain, tara kain tayo" ang sabi ni Rudy.

Kumain kami sa isang fastfood chain at marami kaming napagkwentuhan tungkol sa buhay namin. Hindi rin namin naiwasan na mapag usapan ang mga nakakatawang pinag gagawa namin nung mga bata pa kami.

Habang kumakain kami ay bigla na lang tumigil si Benjie sa pagkain at hinahampas hampas niya ang lamesa na parang baliw at naiihi.

"Bes, sinasapian ka ba?" ang pabiro kong tanong sa kanya.

"Gosh bes, tingnan mo!" tuloy pa rin siya sa pag hampas sa lamesa. Siguro gwapong lalake na naman ang nakita nito.

"Hai naku Benjie, lalake na naman yan noh?" ang pagtataray ko sa kanya.

"Bes tingnan mo kung sinong nasa counter" ang sabi ni Benjie at para tumigil na ito ay tiningnan ko kung sino ang dahilan kung bakit siya sinasapian.

Nakita ko si Paul umoorder sa counter. Oh shit pagkabigay sa kanya ng kanyang order ay pa linga linga ito at nahagip kami ng kanyang paningin.

Kinawayan siya ni Benjie at unti unti itong lumapit papunta sa table namin. Medyo nahihiya pa ito, siguro kasi nakita niya na may mga kasama kami ni Benjie.

"Hai papa Paul, sama ka na dito samin" ang masiglang bati sa kanya ni Benjie. Naku tong isang to pag andyan si Paul ay parang nagdidiliryo. Kung hindi ko lang to bestfriend baka nagselos na talaga ako. Tama ba? Muntik nakong makaramdam ng selos?

Umupo si Paul sa tabi ko. amoy na amoy ko na naman ang kanyang pa bango at napaka gwapo niya sa itim na long sleeves at pantalon.

"Nice seeing you here" ngumiti ito sa akin. sinuklian ko naman ito ng ngiti.

"Mga friends, siya pala si Paul ang bagong kaibigan namin ni Enzo" at pinakilala na nga ni Benjie si Paul sa mga kaibigan namin. Si Paul naman ay nakipag kamay sa kanilang lahat.

Pinagpatuloy na namin ang pagkain. Maya maya pa ay tumayo muli si Paul.

"Wait I'll order some sundaes" ang sabi nito at pumunta sa counter. Ang lagkit ng tingin sa kanya ng mga babae sa kabilang table.

Hindi ko rin maiwasan na titigan siya, ang nakabukol niyang muscles, ang kanyang chest. Sheet!! His butt is so perfect. Hai ano ba tong mga pumapasok sa isip ko, parang pinagnanasaan ko na siya.

Habang hinahanda nung babae sa counter ang order niya ay tumingin ito sa aming pwesto, nahuli niya akong nakatingin sa kanya tapos bigla itong nagpakawala ng pamatay niyang ngiti. Naramdaman ko na lang na parang nakuryente ako at napatulala.

"Gwapong gwapo ka sa kanya noh? Pinagnanasaan mo na siya no?" ang bulong sa akin ni Benjie. Halos nakalimutan ko na may mga kasama pala ko. Humahagikgik na sa kakatawa sina Benjie, toink! Nakakahiya, siguro kanina pa nila nakita na nakatingin ako kay Paul.

"uyyyy..... Enzo, may nangyayari bang hindi namin alam?" ang sabi ni Andrea.

"Wala noh!" ang defensive kong sagot sa kanya.

"Eh, bakit ka namumula? At bakit ang defensive mo?" ang sabi ni Rudy ngunit nanahimik lang ako.

"Naku bes, halatang guilty ka sa isang bagay kilalang kilala kita" sabi ni Benjie.

"Wala nga,wag nga kayo" ang sabi ko. "Uyyyyy......" tinukso na naman nila ako. Hindi namin namalayan na bumalik si Paul dala ang tray na may sundae. Bigla naman silang tumigil sa pagtukso sakin kaya naman nagtaka si Paul.

"Oh ba't biglang tumahimik?" ang pagtatakang sabi ni Paul.

"Wala papa Paul, napag usapan lang naming ang magiging love life nitong si Enzo" sabi ni Benjie.

"Love life? Wow.. mukhang maganda yan ah. Tell me may nanliligaw na ba sa'yo" ang tanong ni Paul at hinawakan nito ang aking balikat. Parang nabibingi na ako sa lakas ng pag tibok nang puso ko.

"Wala, wala pang nagkakamali. Oi ang sundae baka matunaw!" ang sabi ko para malihis ang atensyon nila. Tumango lamang si Paul at kumain na rin ng sundae. Na notice ko lang, palagi yata kaming pinagtatagpo ng tadhana. Yun bang sa mga oras na hindi mo inaasahan ay sumusulpot ito bigla. Hai naku Enzo wag ka ngang assumera, nagkataon lang ang lahat ng ito.

Hi Soulmate (COMPLETED)Where stories live. Discover now