The Finale

10.6K 318 66
                                    


Hai... ayaw ko ding magwakas ang kwentong ito pero... hmmmm alam nyu na... hehehe salamat talaga sa mga patuloy na nagbabasa nito at nag vovote. 

May bago na rin akong story na ginagawa... 

Enjoy po!


Enzos POV

Tuluyan na ngang gumaling ang aking paa. Nakikita ko si Paul na excited na excited habang ini empake ang aming mga gamit.

"abah, excited na excited ka ah" sabi ko.

"sobrang sobrang excited. Uuwi na kasi tayo at magkasama na tayong titira sa bahay" sabi ni Paul at kinindatan pa ko.

"sabi nino?"

"sabi ko. Pumayag na si nanay at tatay mo na magsama na tayo"

"abah, hindi ko alam yan ah"

"bakit? Ayaw mo ba?" lumapit ito at umupo sa tabi ko.

"gusto. Pero dapat kasal tayo" ang biro ko sa kanya at napakamot ito ng ulo.

May kinuha siya sa loob ng kanyang bulsa at binuksan ito. Wow dalawang sing sing! Kinuha niya ang kamay ko at sinuot ang sing sing sa daliri ko.

"oh ikaw naman, isuot mo sakin ang sing sing" sabi niya. "I DO, and I will now kiss my bride!" at binigyan niya ako ng isang matamis na halik.

"oh ayan, kasal na tayo ha"

"abah, instant huh"

"oo naman, natuto nako. Baka kasi magkatupak ka na naman at takbuhan mo na naman ako"

"ah ganun ha? Ganun? Ganun?" ang sabi ko sabay kurot sa tagiliran niya. Ooopss! Oo nga pala hahaha baka ma horny na naman siya. Tinignan niya lang ako.

"oo na sorry na, tapusin mo na yang pag eempake alam ko na naman ang iniisip mo"

Tumawa lang siya at nagpatuloy na sa pag empake.

Kinabukasan....

Eroplano ang sinakyan namin pauwi ni Paul kaya madali lang ang byahe at hindi masyadong nakakapagod. At gaya nga ng sinabi ni Paul ay dumiretso na kami dun sa bahay niya dahil dun na daw ako titira kasama niya.

"wow, hanep andito na pala mga gamit ko ah" nakita ko kasing andun ang mga tsinelas at sapatos ko.

"oo naman, eto pa oh" ang sabi Paul sabay bukas ng aparador at andun na din ang mga damit ko.

"pinakiusapan ko kasi si nanay na ilipat ang mga gamit mo" abah tama ba ang narinig ko? hahaha.

Bigla ko ring na isip ang mama at papa ni Paul.

"Alam na ba ng mama at papa mo to?"

"hindi" ang malamig nyang sabi "wala na akong narinig mula sa kanila. Balang araw matatanggap din nila tayo" binigyan ako ni Paul ng isang ngiti at hinalikan ako sa noo.

Bumaba si Paul para ayusin ang mga gamit namin. Naisipan kong maligo dahil sobrang lagkit ng pakiramdam ko.

Pagbaba ko ay may naaamoy ako. Naabutan ko si Paul na nagluluto. Naka shorts lang ito at may apron pero wala siyang t shirt. Kitang kita mo ang seksi nyang likod at wala talaga siyang ka taba taba. Bigla itong lumingon.

"oh, baby andyan ka na pala, sandali na lang at matatapos na tong niluluto ko" sabi niya.

"ako dapat ang gumagawa niyan eh" sabi ko

Hi Soulmate (COMPLETED)Where stories live. Discover now