Digital Ang Karma

6.2K 228 19
                                    

Amandas POV

Dalawang buwan na kaming kasal ni Paul at nakatira kami sa iisang bubong. Pero parang wala din naman siya, parang wala din akong asawa.

Ako si Amanda Reyes pero kilala na ngayon bilang si Amanda Velasquez. Ang mga magulang namin ni Paul ay magkasosyo sa negosyo at halos sabay na kaming.

Mga bata pa lang kami ay crush ko na siya. Palagi akong inaaway nito, mula pa pagkabata ay palaging sinasabi ng mga magulang namin na dapat daw ay magkasundo kami dahil balang araw magpapakasal kaming dalawa. Akala ko ay biro biro lang yun, hanggang sa magdalaga at magbinata na kaming dalawa.

Minsan sini set up kami ng aming magulang sa isang date. Malaki ang pagkakautang ng mga magulang ni Paul sa mga magulang ko kaya na pwe pwersa si Paul na gawin ang mga bagay na hindi niya gustong gawin.

Isang gabi nagulat na lang ako kasi akala ko isang wedding anniversary ang pupuntahan ko. Yun pala engagement na namin yun ni Paul. Maging si Paul gulat na gulat nang I announce ng Papa niya yun. Sobrang napahiya ako pati na ang mga magulang namin nang mag walk out si Paul nang gabing yun.

Nalaman na lang namin mula sa isa niyang kabarkada na umuwi daw ito sa pilipinas.

Gustong gusto ko si Paul, nasabi ko pa noon na siya ang lalake na gusto kong makasama habang buhay. Ang magiging ama ng mga magiging anak ko.

Kaya naman hindi ako nagdalawang isip na sundan siya sa pilipinas.

Marami din naman itong naging girlfriend pero hindi ako natinag at ako mismo ang gumagawa ng paraan para hindi siya magkaroon ng relasyon sa iba.

Nagulat na lang ako isang araw na may kahalikan siyang lalake. Pero nagawa ko pa rin silang pag hiwalayin.

Ngayong kasal na kami ay dapat maging masaya nako.

Maya't maya pa ay naramdaman ko na bumukas ang pinto. Alas onse na ng gabi at kakauwi lang niya. Lasing na naman, halata sa kanyang paglalakad. Nilapitan ko siya pero bigla itong sumuka at nasukahan niya ako.

Pero kailangan kong tiisin to dahil mahal ko siya.

Tinabig niya ako at naupo siya sa sofa. Dali dali akong kumuha ng plangganang may tubig at kumuha din ako ng bimpo. Pupunasan ko na siya pero bigla niyang kinuha ang bimpo at binato niya ito sa sahig. Sinipa niya din ang plangganang may tubig dahilan para matapon ang tubig.

Wala naman akong nagawa kundi punasan ang mga natapo na tubig sa sahig. Nagbihis si Paul at bumalik dun sa sofa. Sa sofa kasi siya natutulog, oo tama mag asawa kami pero hindi kami magkatabi matulog. Napansin ko din na paborito niyang suotin ang t shirt na kulay blue na may malaking logo na superman.

Pinaligpit niya sakin ang mga picture nung araw ng kasal namin. Yung iba sinunog niya pa. Iisa lang ang nakita kong picture frame sa sala ng bahay, yun ay ang picture nila ni Enzo na nakaupo sa sofa habang nakaakbay siya dito.

Umaasa pa rin ako na magbabago ang pakikitungo niya sakin. Alam ko pagsubok lang ang lahat ng ito. Balang araw matututunan din niya akong tanggapin at mahalin. Tulog na tulog na si Paul sa sobrang kalasingan, umakyat na lang ako sa kwarto at natulog na din.

Lumipas ang ilang buwan pero hindi pa rin nagababago ang pakikitungo niya sakin. Palagi niya akong pinagsusungitan. May mga araw din na hindi ito umuuwi at naiiwan akong mag isa sa bahay, minsan tinatanong ko ang sarili ko dahil nagmahal lang naman ako pero bakit ganito ang nangyayari sakin.

"Nasan ang blue na t shirt ko?" tanong ni Paul.

"Andun sa sampayan nilabhan ko, tignan mo na lang kung tuyo na" mabilis itong pumunta sa likod ng bahay.

"tang ina naman oh!" ang sigaw ni Paul. Nakita ko siyang papalapit sa akin, hawak niya ang t shirt na paborito niya.

Nagulat na lang ako nang isinampal niya sakin ang t shirt na hawak niya.

"aray ko! ano bang problema mo Paul?!" ang pasigaw kong sabi sa kanya.

"tinatanong mo kong anong problema? Ha? Ito oh, ito ang problema!" at binato niya sakin ang t shirt. Pinulot ko ito at tinignan.

"ayan nakita mo ang problema? Ha?!" nakita kong natapunan ng zonrox ang t shirt.

"Pasensya na, ibibili na lang kita ng bago" tila mas nagalit ito sa sinabi ko.

"sa susunod wag mo nang pakikialaman ang mga gamit ko, kaya kong maglaba ng mga damit ko"

"ano bang problema? Pag usapan natin to, mag asawa tayo diba?"

" Mag asawa lang tayo sa isang kasulatan. Pero alam mo ito? Ang tinitibok nito hindi ikaw at kalian man hindi ka magkakaroon ng lugar dito. Tandaan mo yan" ang sabi ni Paul sabay turo sa kanyang dib dib. Tuluyan na siyang lumabas ng bahay.

Luhaan na naman ako, alam ko kahit ilang beses kaming magpakasal eh wala talaga akong laban. Akala ko panalo na ko dahil nakasal kami, kala ko magiging lubos na masaya na ko.

Na upo ako sa sofa at nakita ko ang kulay blue na unan na hinihigaan ni Paul, ngayon ko lang napansin na may malaking pangalan na nakaburda sa unan. Enzo ang nakalagay.

Parang nagising na talaga ako sa katotohanan na ako talaga ang talunan. Si Enzo talaga ang mahal niya at hindi ko kayang palitan ito sa puso niya.

Kailangan kong ayusin ang lahat. Kailangan kong makausap si Enzo.

Itutuloy..

ֻ�P"�

Hi Soulmate (COMPLETED)Where stories live. Discover now