Mister Coward

7.4K 273 6
                                    

"Awwww!" shit ang hapdi.

"tiisin mo muna. Pero salamat huh, kung hindi ka dumating dun, tuluyan na talaga kaming na bully ng mga sunog baga na yun" ang sabi ni Enzo habang naka pout ang bibig. Hai ang cute niya, parang gusto ko siyang halikan.

Ai bigla ko lang naalala na added pogi points pala ang ginawa ko. wahaha.

Ok lang kahit nasugatan ako, heto ginagamot niya ako ngayon. Para kaming mag syota hahaha. Tatanungin ko na ba siya kong pwede ko siyang ligawan?

Hai naku ano na bang gagawin ko? kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. Til now I can't say if type nya din ako. Yes, he told me he's gay, pero hindi ako dapat mag conclude na porket ganun siya eh gusto na nya ako. Masyado naman siguro akong conceited kung pag iisipan ko siya ng ganyan.

Blangko pa rin ang ekspresyon ng mukha nya, nabibigla ako sa tuwing pinapahiran niya ng cotton na may alcohol ang sugat ko sa pisngi. Tinititigan ko siya at tutok na tutok siya sa pag linis sa sugat ko. He look so neat at mabango siya. Naalala ko rin tuloy ang malambot niyang mga palad nang inaawat niya ako kanina. Naamoy ko rin ang mabango niyang hininga niya. Hai.....

"Enzo?"

"Hmmmm..?"

"may- may tatanungin sana ako kung ok lang?" shit kinakabahan ako. first time ko lang makaramdam nito. Though meron akong niligawan na mga babae noon eh wala akong naramdaman na ganito. Parang may mga paru paru sa loob ng tiyan ko.

Nilagyan na niya ng band aid ang sugat ko.

"oo naman ano ba yun?"

"Ah... Eh... ano kasi.." Ano ba Paul umayos ka nga, sabi ko sa sarili ko.

"WOW! Ang sweet nyu naman!" pasigaw na sabi ng kapatid ni Enzo na si Alfred na siyang ikinagulat naming dalawa pati nang nanay niya.

"Alfred!" ang singhal ni Enzo sa kapatid niya.

"Ano ba yang sigawan na naririnig ko ha?" ang sabi ng nanay ni Enzo.

"Ang sweet po kasi ni kuya Paul at kuya Enzo eh, halos magkalapit ang mukha nilang dalawa" ang sabi ni Alfred na kinikilig kilig pa.

"Wag ka nga, ginagamot ko kasi siya" sabi ni Enzo at inirapan yung kapatid niya.

"Ah sus" ang patuloy na pag alaska ni Alfred sa kapatid niya.

Pero si Enzo poker face pa rin at tinitigan lang ang kapatid niya.

"Hoy Ikaw bata ka, napakamalisyoso mo. Kumain na tayo, nag text kasi ang tatay nyu na na stuck daw siya sa traffic kaya mauna na daw tayo kumain. Dito ka na rin kumain Paul " ang sabi ng mama ni Enzo.

Tumango lang ako at na unang tumayo si Enzo. Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Tara" ang sabi niya sabay ngiti. Totoo ba to? Ngumiti siya?

Tatanungin ko na sana siya kung pwede ko ba siyang ligawan. Pero bigla namang umeksena yung kapatid niya parang sarap kutusan. Kala ko chance ko na yun kanina, kahit papano kasi meron akong konting lakas ng loob kanina.

Pagtapos naming maghapunan ay nakinood muna ako ng tv sa kanila. Maya maya pa ay nagpaalam na akong umuwi.

"Enzo, uwi na muna ako. Tita salamat po sa dinner uwi na po ako" ang paalam ko sa kanila.

"Sige hijo" ang sabi ni tita Elsa.

Hinatid ako ni Enzo hanggang sa gate ng bahay nila nang bigla siyang magtanong.

"Ah oo nga pala pasensya kana sa kapatid ko kanina. Ano ba yung tanong mo?" tanong niya sakin.

Naku eto na naman dinadaga na naman ako. Shit parang nawala ang konting lakas nang loob ko kanina. Hindi ko alam kung tatanungin ko naba siya this time, Napakamot na lang ako ng ulo ko.

"Ah... Eh... nalimutan ko eh" Patay, Paul ayusin mo nga sarili mo.

"Ah, sige tanungin mo na lang ako pag naalala mo na. Good night.." ang sabi ni Enzo.

"Goodnight din" at sinara na niya ang gate nila.

Ngayon lang talaga ako naduwag. What the F? para tanungin lang si Enzo kung magpapaligaw siya sakin eh parang may tambol sa loob ng dib dib ko. Hai... ewan....

Hi Soulmate (COMPLETED)Where stories live. Discover now