Ang Malagkit Na Eye to Eye

11.2K 373 18
                                    

Hi Po! Una gusto ko munang magpasalamat sa pagbasa ng story na gawa ko. Pagsisikapan ko talagang pagandahin pa ang mga susunod na chapter at ang mga future na istorya na isusulat ko. Comment naman po pag meron kayong suggestion or any reaction. Malaking tulong po yan sakin, salamat and enjoy reading!


Alas otso na nang gabi at nagsimula na kaming magligpit at magsara na. ako lang mag isa ngayon ang naglakad pauwi dahil nag undertime kasi si Benjie.

Nadadaanan ko palagi ang basketball court ng barangay namin at alam ko na may mga naglalaro dito ngayon dahil rinig ko sa malayo na may nag dri dribol ng bola. Habang naglalakad ako ay parang may kung ano na humawak sa ulo ko para lumingon at tingnan kung sino ang mga naglalaro at nakita ko na naman siya ang lalaking nagkakape kanina. Naka upo siya pawis pawis at umiinom ng tubig. Ang gwapo niya at maganda ang katawan. Shet! Tama talaga si Benjie ang yummy niya lalo na't naka jersey shorts lang ito. Hindi ko namalayan na huminto pala ako sa paglalakad at napatitig lang sa sa kanya.

Bigla din siyang napatingin sakin at parang nakuryente ako. Nagkatinginan lang kaming dalawa, gusto kung maglakad pero parang napako ang mga paa ko. Hai ano ba to parang may sinturon ni hudas ang loob ng puso ko. Parang maraming paputok na sumasabog! Ilang minuto lang luray luray na ang dib dib ko nito. Charot!

Naputol lang ang malagkit naming eye to eye ng nakita kong umupo sa tabi niya ang kanyang dalawang kasama na nakangisi at nakatingin sakin. Tinapik siya sa balikat ng isa niyang kasama at nagulat ito. Kusa namang nagsimulang maglakad ang aking mga paa pauwi.

Hingal na hingal ako nang dumating ako sa bahay. "kuya bat pawis na pawis ka?" ang tanong ng kapatid kong si Alfred.

"anak mag punas ka ng pawis mo, hindi maganda tingnan na ang mga dalaga na katulad mo ay namumulaklak ng pawis" ang sabi ni tatay.

Ang tatay ko talaga, masyado mapagbiro. Dalaga talaga ang tingin niya sa akin.

"Enzo, palitan mo na yang damit mo baka ka magka ubo ka niyan" ang sabi ng maganda kong nanay. Pumunta na ako sa kwarto sa nagpalit na ng damit. Pagtapos kong magbihis ay lumabas din agad ako dahil nadidinig ko na na naghahain si nanay. Bumili kasi siya ng paborito ko ang lechon manok.

Ewan ko ba, pag lechon manok eh parang patay gutom ako. "kuya tirhan mo naman kami ng kanin dyan tsaka yung manok oh wala nang balat" ang sabi ni Alfred.

"Anak dahan dahan lang sa kanin, may mga baby fats kana ho. Pano ka makakapag two piece niyan?" hiniritan na naman ako ng tatay ko. Naku nakaka ilan ka na sa araw na to tay ha, kukutusan kita joke lang! sabi ko sa isip ko.

"Tumigil ka nga Bert, may mga two piece two piece kang nalalaman ha. Alam natin na bading ang anak natin pero ayoko kong magladlad yan" ang sabi ni nanay.

"grabe kayo nay ha over kayo" sabi ko.

"ay naku anak, gawin mo ang gusto mo pero ayokong magsuot ka ng palda huh wag ka ring magbisyo at tsaka nga pala pag nagka boyfriend ka wag mung itatago samin" ang seryoso na sabi ng nanay ko.

"naku nay grabe, pwede bang may manligaw muna sa kanya?" and sabi ni Alfred.

"kahit na tapos manligaw dun na din punta nun" si nanay.

"Ehem!bah kung pag usapan nyu ko parang wala ko dito ah" sabi ko sa kanila.

"ngek! Wala nang manok!" sabi ni Alfred.

"yan kasi talak kayo ng talak diyan" humalak hak si tatay ng tawa. Gusto ko ring matawa ng malakas ngunit sobrang sakit na nang tiyan ko. Napa dighay na lang ako ng malakas " BURRRRPPPPP....!!!!!"

"eeeewwwwww.... So gross!" sabi ni Alfred. "ikaw talagang bata ka basta lechon manok eh halimaw talaga ang appetite mo" sabi ni nanay. "At dahil inubos mo ang manok at sweldo mo din ngayon kaya pwede ba akong mag request sayo anak? Eh treat mo naman kami, kahit bumili ka na lang ulit ng isa pang lechon manok samahan mo na rin ng panulak" hirit ni nanay.

Kaya ayun kahit natatamad akong maglakad dahil sa kabusugan eh wala akong nagawa, yung nanay ko na ang naglalambing. Bigla kong naalala ang eksena kanina sa basketball court nang malapit na ako dun. Ngayon ko lang na realize na ang gwapo niya talaga. Teka ano to? Na love at first sight ba ako? Ngek! Hindi ko alam. Hindi pa'ko na iinlove.. wooohh bahala na si batman. Importante makabili ako ng lechon manok..




Hi Soulmate (COMPLETED)Where stories live. Discover now