Chapter 90

42 3 0
                                    

Chapter 90

Scandal

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala doon. Kahit kanina pang sunod sunod na tumutunog ang cellphone ko ay hindi ko magawang hawakan ulit 'yon.

I was shocked. Nanginginig ang kalamnan ko at hindi maiwaksi sa utak ang nabasa ko.

Paano? Sino ang sender nito... at bakit alam niya...?

Hindik akong napailing. Ang kabog ng dibdib ko ay tinatalo ang bawat ring ng cellphone ko.

How did this person know about... me and Leandro? Ang tanging nakakaalam lang ng relasyon namin ay si Maddieson, Heady at Damon. Pati si Mama alam kong may hinuha na din sa amin ni Leandro.

Lahat sila ay pinagkakatiwalaan kong hindi kami ilalaglag. They won't betrayed me.

Kahit walang mapadsidlan ang pagkasuklam ni Maddieson sa relasyon namin ni Leandro, alam kong hinding-hindi niya isasapubliko ang namamagitan samin ni Leandro. Matagal ko ng kaibigan si Maddieson at imposibleng ilaglag niya kami.

Ganun din kay Heady at Damon. Hindi man sila sang ayon samin, hinding-hindi nila ako ipapahamak.

Kaya sino? Sino ang taong 'to... at sino na ang nakakaalam?

Tiningnan ko ang cellphone ko ng maalala si Leandro. Sabi ko sa kaniya pumunta siya dito ng maaga!

Doon ko lang napansin na siya pala ang kanina pang tumatawag. Shit!

"Leandro!"

"Elizabeth, I'm going back to Manila. Aayusin ko 'to. I'm sorry. Hindi ko alam kung sino ang nakaalam at sino ang nagpakalat..." Ramdam ko ang panghihina niya sa kabilang linya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa huli niyang sinabi.

"K-kalat?"

He cursed. Rinig ko ang paghampas niya malamang sa manibela.

"Leandro, a-anong nagpakalat?"

"Just turn your phone off. Wag na wag mong bubuksan ang mga account mo. Kahit huwag mo na akong i-text basta uuwi ako agad dito... pupuntahan kita. Aayusin ko lang 'to." Sunod sunod niyang bilin. "Damn! This was supposed to be done!"

"Leandro, ano ba? Sabihin mo na sakin! Anong kalat? Did... someone... exposed us? S-saan? P-paano?" Nag init na ang mata ko at nanginginig na ang kamay ko.

"Just follow me, alright? I don't want you to feel hurt so please, Eli... just listen to me."

"A-anong gagawin mo?"

"I will find who fucking did this."

Mariing akong pumikit at nanghihinang sinandal ang aking noo sa tuhod. Mariin ang kapit ko sa cellphone. Ayokong ibaba... hindi ko alam pero iba ang kutob ko... at ayoko siyang umalis. Pero alam kong hindi siya papapigil lalo na't desididong-desidido siya.

"Leandro... b-baka makaabot ito kay P-papa!"

Ayoko ng mas lalong lumaki ang puwang sa pagitan nila ni Papa dahil tiyak na mas lalo lang kaming mas mahihirapan pag nalaman niya 'to.

Magagalit siya sakin... at lalong baka hindi lang galit ang abutin ni Leandro kay Papa pag nakarating pa ito dito.

"I won't let that happen, Elizabeth. Don't think too much, matatapos ko din ito agad. Uuwi ako agad dyan bukas, okay? May tatlong araw ako para makasama ka... bago ako bumalik sa trabaho, diba?" Paos at mahina niyang sabi.

Nanlalabo ang mata kong tumango kahit hindi niya ako nakikita. "Promise me, babalik ka agad."

"Yes, I promise. I love you, please, remember that, baby."

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now