Chapter 44

105 5 1
                                    

Chapter 44

Lola

Sa durasyon ng byahe ay nakasimangot ako. Paano'y ramdam na ramdam ko ang pamamaga ng labi ko. Tangina naman kasi itong si Leandro! Promise. Hindi-hindi ko na talaga babanggitin ang salitang bakla sa harapan niya.

Mamamaga lang ang labi ko.

Napasimangot akong lalo.

Samantalang ang katabi ko! Damn! Kung hindi siya nagmamaneho baka nasuntok ko na ang nguso niya. Matagumpay lang naman ang ngisi ng gago. Akala mo'y tumama sa lotto ang loko!

Ay oo nga pala! Syempre parang tumama siya sa lotto dahil nahalikan lang naman niya ang isang tulad kong maganda. Sino nga namang hindi magiging masaya?

Napadaing ako ng kapain ko ang bahagi ng aking labi na mayroong hiwa. Hiwang kagagawan lang naman ng ngipin ng gago kong katabi.

Hahalik na nga lang hindi pa dinahandahan! Tsk!

"Put your hand in mine... You know that I want to be with you all the time... You know that I won't stop until I make you mine...You know that I won't stop until I make you mine... Until I make you mine..."

Tumapik-tapik pa ang mga daliri niya sa manibela habang naghe-headbang. Nasabi ko na bang mayroon siyang ngisi sa labi? Kung hind pa, di wow. Tangina niya! Ilang araw kong titiisin ang mga sugat na 'to sa labi ko. Hindi pa nga galing ang sugat na ginawa niya kahapon... I mean kanina habang nasa kotse niya kami.

Tapos ito at dinagdagan na naman ng gago! Huwag lang talaga niyang tatangkain na muling humalik sakin talagang sisipain ko ang bagay na nasa pagitan ng hita niya.

"Saya mo, noh?" Yamot ko.

Sa halip na sumagot ay mas nilakasan niya pa ang kanta. Mukhang nang iinis pero ewan ko ba, mas nagustuhan ko pang pakinggan ang baritono niyang boses kesa isipin ang pang aasar niya.

Haist. Ang hirap naman kung ganito. Paano kung galit ako sa kaniya tapos daanin niya ako sa maganda niya boses, bibigay ba ako? Malamang, oo. Kahinaan ko talaga ang boses niya mula pa noon.

Maya- maya ay nakisabay ang pagkanta niya sa paghinto ng mga sasakyan na hinihintay ang pag-berde ng traffic lights. Sumandal siya at nangalumbaba sa bintana. Bigla ay para siyang tamad na tamad.

"I don't want to bring this topic back but... damnit!" Sumalubong sa akin ang kaniyang mata na sinasalamin ang pagkayamot at pagkadisgutso. "Hindi ko talaga alam kung bakit naisip mong... damn! I can't even said that fucking word."

"I told you," umatras ako. Baka papakin na naman niya ang labi ko! "Akala ko kursunada mo ang mga lalaki kasi iba kang makatingin—"

"Hindi ko sila kursunada." Malamig ang tingin niya sa akin. "Sadyang ganon ko sila tingnan dahil iba silang tumingin sayo. Naiinis ako, that's what my expression implied for and not the one you assume. Hindi ko talaga alam kung bakit iyan ang naging tingin mo sa akin."

Napanguso ako. Hanggang ngayon tanda ko pa din kung paano ko naisip na bakla siya. Akala ko kasi talaga may gusto siya doon sa lalaking nag aayos ng sasakyan sa gitna ng ulan.

Tapos ilang beses ko din siyang nakitang tumingin sa mga lalaki kapag kasama ko siya.

Iyon pala'y dahil sakin. "Sorry. Malay ko ba na mula noon ay patay na patay ka na sakin."

Umabot sa aking pandinig ang matunog niyang pag ngisi. "Here comes the conceited girl I knew. Bago bago!"

"And here comes the bastard guy I knew. Bago bago din! Gagong ito."

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now