Chapter 47

106 6 1
                                    

Chapter 47

Lies and secrets

Paanong ang isang tao na nang iwan sa iyo ng walang pasabi'y kaya kang harapin at kausapin? Iyong walang paramdam ng ilang buwan tapos ngayon ay may lakas ng loob ng tawagan ka kung kailan ayos ka na? Na kung kailan muling napagtagpi-tagpi na ng ibang tao ang puso mo'y may pagkakataon na naman siyang durugin?

One of a kind! Where did you find your fountain of confidence?

"Darcy..." Mapait akong napangisi at muling dinampot ang aking cellphone. Wala na ang tawag, na pinagpapasalamat ko ng sobra dahil hindi ko alam kung paano kakausapin ang taong nang iwan sa akin noon kung kailan kailangan ko ng taong higit na mapagkakatiwalaan.

Wala ako sa sarili nang makasakay sa sasakyan ni Leandro. Hindi ko na din napagtuunan ng pansin ang paliwanag niya kung bakit matagal niya akong nasundo.

Ang gusto ko na lang gawin ay umuwi at mahiga. Sa nangyari'y pakiramdam ko'y naubos ang lakas ko.

Lalo na ng tumawag ang taong iyon.

"Buti na lang at may malapit na vulcanizing— hey, are you okay?"

"Huh?"

"You're spacing out. May nangyari ba?" Napadako ang tingin niya sa aking hawak. Kumunot ang noo niya. "Anong nangyari sa cellphone mo? Masyado ka bang na-bored?" He chuckled.

"A-ah, ano..." Kung sa ibang araw siguro'y nakipag asaran na ako sa kaniya. Ngunit sa sitwasyon ngayon... I shook my head.

"What?"

Kagat labi kong ipinaling ang paningin sa labas ng bintana dahil alam ko, sa oras na tumingin siya sa mga mata ko'y malalaman niyang may tinatago ako sa kaniya. Para saan pa ang walong taon kung hindi niya ako kilala? At aaminin ko, nahihirapan din ako sa katotohanang iyon. Ibig sabihin lang nito'y wala akong maitatago sa kaniya.

Ibang usapan ang tungkol sa disorder ko dahil may balak naman talaga akong sabihin sa kaniya ang bagay na ito... ngunit hindi lang ngayon.

Pero itong tungkol kay... Darcy. Ang hirap itago. Pakiramdam ko, anumang oras ay malalaman niya na tumawag ang taong ito sa akin. Ano pa nga bang aasahan pag nangyari iyon? Of course he'll get mad. Ang bagay na pinaka iniiwasan ko sa relasyon namin.

Oo, impokrita ako para iwasan ang away sa pagitan namin ni Leandro dahil normal lang naman talagang mangyari iyon sa isang relasyon. Pero, kasi. Ayokong matulad ang meron kami ni Leandro sa naging unang karanasan ko sa ganitong bagay. Mabilis natapos.

Lihim akong bumuntong hininga. Inayos ang ngiti bago siya binalingan. Tuloy pa din ito sa pagmamaneho.

"Nabagsak lang."

Mabilisan ang naging pagsulyap niya sa akin. "Ayos pa ba 'yan? Baka mamaya, hindi kita matawagan. Hindi ako makakatulog."

"Bakit naman?"

"Hindi kasi kita makakausap." Akala ko'y isa na naman iyon sa mga banat niya ngunit seryoso siya. Walang halong pagpapakilig at sinasabi niya lang talaga ito sa akin.

Ngunit iba ang naging dating sa akin ng simpleng salita niyang iyon. Ramdam ko ang pag iinit ng aking pisngi.

"A-ayos pa naman ito. Matatawagan mo pa ako." Supil ko ang ngiti na kahit anong pigil kong pagtatago ay lumalabas at nagpapabida pa din sa mga mata ni Leandro.

His cognac eyes glimmered with pride. Alam niya ang naging dulot ng salita niya sakin!

"Good." Tumikhim siya at itinakip ang brasong nakapatong sa bintana. "Ikaw? Makakatulog ka ba pag hindi mo ako nakausap mamaya?"

Imperfectly PerfectTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang