Chapter 5

244 8 1
                                    

Chapter 5

Hita

"I already has a concept in mind."

Ano pa nga bang magagawa ko? Nakakaawa din naman kung tatanggihan ko saka aarte pa ba ako, si Darcy na ito. Matalino! Mas mabuti dahil magsasanib pwersa ang malulusog naming utak. Mataas ang gradong makukuha ko nito pag nagkataon.

"Okay..." nilapit ko ang upuan ko sa kaniya. Rinig ko pa ang hagikhikan nila Maddie at Heady na hindi ko alam kung anong dahilan. Bahala sila. Iniwan nila ako. Ang laki ko kayang kawalan  Duh! "So? Anong concept ba yang sinasabi mo? Care to elaborate?"

"Since communication is the imparting or exchanging of information or news, what if we draw the most used communication now a days, the technology."

Nice concept pero... "hindi ba masyadong common ang concept na yan? Saka hindi lang naman for exchanging infos ang communication. Communication is a ways for us to understand each other."

"At ang impormasyon at pagbabahagi ng mga balita ay saklaw na ng pagintindi sa isat isa--" umingos ako.

"At anong sabi mo? Technology? Geez, hindi lang yan ang paraan!"

"Sandra, nagbigay lang ako ng pwede nating iguhit. Hindi mo naman maiguguhit lahat ng komunikasyon sa isang typewriting lang--"

"I can." Taas noo kong kinuha ang typewriting at lapis bago nagsimulang gumuhit. Bahala siya sa buhay niya. Mas gusto ko pang mag isa kesa may ka grupo.

"What's that? A memes?"

Saglit kong tiningnan ang kaniyang mukha. Nababasa ko mula doon ang pagka mangha at pagka inis.

"Sabi mo technolgy, right? Then it's technology. Memes are spreading using technology. Ang Memes ay isa din sa communication dahil gamit ito ng mga taong hindi kayang mai-vocal ang kanilang saloobin sa personal."

"Okay you got a point." Sa wakas may napagkasunduan din kami. Patuloy ako sa pagdodrawing ng dumaan si Ma'am Riola.

"May talento ang iyong mga palad, binibing Bailey. Paghusayan at ipagpatuloy mo lang 'yan."

Nginitian ko ang matandang guro. "Maraming salamat po." Ngayon lang ako natuwa sa sinabi ng sinauna naming guro.

Nang makaalis si Ma'am ay naramdaman ko na lang ang dalawang palad na nakahawak sa gilid ng aking ulo. "Anong ginagawa mo?" Inis kong tanong kay Darcy. Sino pa ba? Siya lang naman ang malapit sa akin ngayon.

"Parang nagbabago ang size ng ulo mo? Lumalaki yata." Padabog kong inalis ang kamay niya.

"Baka gusto mong pabusahin ko yang nguso mo..." humalakhak lang gago. Hindi man lang nasindak palibhasa makapal ang balat sa mukha.

"Wag naman. Paano na lang ako makakahalik sa labi mo?"

Shit! Bakit nauwi kami sa ganitong usapan? Nasa komunikasyon lang kami kanina.

Inirapan ko siya. "Alam mo kung ako sayo tatahimik na lang ako. Baka gusto mong kamao ko ang humalik sa labi mo." Inambahan ko siya ng suntok na dali niyang ikinatayo. Napatingin tuloy si Ma'am Riola sa amin.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now