Chapter 16

143 5 1
                                    

Chapter 16

Halik

Nawala si Darcy sa aking paningin. Hindi ko alam kung ano na namang pakulo niya. But I'm happy, though. Talagang nageffort  siyang bigyan ako ng mga ganito. This is my first time receiving this kind of stuffs from my suitor. Sa iba kasing nanligaw sakin, wala man lang nagbigay. Text message lang na puro kacornyhan ang laman. Baka nga galing pa sa google ang mga yun or mga chain mail kaya wala din akong sinagot sa kanila. Parang hindi sincere o seryoso.

Si Darcy, gagawin lahat para makuha ang matamis kong 'oo'. Lumipat ng school, pinagtiisan ang ugali ko, at tinanggap kung ano ako. Hindi niya iniisip ang mga flaws ko. Iniwaksi ang mga kamalian ko at higit sa lahat, hindi niya ako nilayuan dahil sa disorder ko. Willing pa siyang tulungan ako sa pagpapagamot ko.

He's not the type of guy I really wanted in my life. He's not my ideal guy.

Pero sa nakalipas na buwan, natutunan kong magustuhan ang ugali niya. He even surpassed my type of guy. Marami na siyang sinakripisyo para sa akin na alam kong hindi kayang gawin ng ibang lalaki.

Selfless. That's what he is. Inuuna niya ang ibang tao bago ang sarili niya. And that's what makes me like him even more.

"Hindi mo pa din ba talaga ako bibigyan ng chocolate mo?"

"Akala ko ba bibili ka ng sayo?" Naiinis na tanong ko kay Leandro. Isang oras na kaming nanonood ng badminton, hanggang ngayon ay hindi pa din siya tumitigil sa kahihingi ng tsokolateng bigay ni Darcy. Hindi ko pa nga nabubuksan. Saka sa bahay ko ito kakainin. Mag isa lang ako at walang hihingi.

Napangisi ako sa naisip. Parang gusto ko na tuloy umuwi at kainin ang imported na chocolate. Kung pwede nga lang na idisplay ko na lang.

"Ang damot. Binibigyan naman kita pag nagpapadala si Mama!"

"Nanumbat pa. Sinabi ko bang bigyan mo ako?"

"Wala kang utang na loob!"

Hindi na namin napagtuunan ang laro. Kaya ng matapos ang badminton ay madaming nagrereklamo. Kesyo mas madami daw points yung isa kaysa sa nanalo.

Malay ba namin. Nag bato-bato pick na nga lang kami ni Leandro kung sinong mananalo dahil hindi na namin nasundan ang mga puntos ng naglalaro. Kami kasi ang nagsusulat ng puntos.

"Hayaan mo na." Sabi na lang ni Leandro ng makitang masama ang tingin sa amin ng mga fans ng natalong player.

Sinamaan ko din sila ng tingin.

Ano sa tingin nila magpapatalo ako? Puputi muna ang uwak bago sila manalo. Bitches!

"Nasaan na pala si Aquaman? Bakit hindi siya ang nagbigay sayo niyan?" Turo niya sa bulaklak at chocolate na kaniyang hinihingi.

Inangat ko lang ang aking balikat. Hindi ko din alam kung saan na nagpunta si Darcy. Matapos ko kasi siyang makita, bigla na lang nawala. Hindi ko naman siya pwedeng hanapin dahil taga score kami ni Leandro.

Inayos ko ang pagkakahawak sa box ng chocolate. Masyadong mabigat dahil malaki ang sukat ng kahon. Ayoko namang ipahawak kay Leandro at baka maitakbo pa.

"Dapat personal niyang binibigay sayo yan. Kung totoong gusto ka niya, hindi siya mahihiyang ibigay sayo yan ng harapan." Seryosong pakli ni Leandro.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now