Chapter 51

106 6 3
                                    

Chapter 51

Unseperated

Inis kong pinahid ang aking luha.

Tangina lang! Bakit ba ako umiiyak? Bakit ko ba iniiyakan ang gagong iyon! Walang kwenta ang taong iyon! Hindi siya dapat pinagaaksayan ng tubig sa katawan!

Ang kapal ng mukha niya! Walang kasense-sense ang mga dahilan niya! Need to unwind? Not meant for him?! Talaga! Dahil bobo siya! Hindi talaga bagay sa akin ang taong bobo! Hindi siya para sa akin dahil wala siyang utak! He doesn't have balls to face our issues! Hindi dapat siya tinatawag na lalaki! Putangina niya!

Walang wala siya kay Leandro! Napakalayo!

"Dapat tinapon niya na lang?! Fuck him! Itatapon ko talaga!" Marahas kong binuksan ang trash bin sa gilid ng kalsada marahas na hinagis sa loob ang bagay na dapat daw ay tinapon na lang ng hayop!

Oh ito na! Tinatapon ko na! Wala namang halaga ito eh. Mga alaala lang naman namin ito kaya wala talagang halaga!

Puta siya!

"Bakit ba ayaw mong tumigil!" Panay ang punas ko sa aking luha. Matagal na kaming tapos, dapat hindi na ako nasasaktan ng ganito!

Bakit ba bumalik ka pa, Darcy?! Ginugulo mo na naman ako! Kahit kailan wala ka ng ginawang tama kundi pasakitan ako!

Pilitin ko mang magpakahinahon at pigilin ang luha'y tuloy iyon sa pagdaloy. Naghalo-halo na ang mga problema ko! Mula sa disorder ko, si Darcy, si Leandro at ang pag alis ko! Tangina! Hindi naman telserye ang buhay ko pero bakit tambak ang mga problema?! Matapos malusutan ang isa, may dadating pang iba!

Fuck! Hindi ko naman kaya ng mag isa to, oh!

Mabuti sana kung may katuwang ako sa pag lusot, pero... wala eh. Kung sa mamanahi, ako iyong malabo ang mata na kinakailangan pa ng katulong upang mailusot ang sinulid sa butas ng karayom.

Hindi ko kakayanin ng ako lang!

Humihikbi kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko ng mag-vibrate iyon.

Tumikhim ako. "Elizabeth speaking, who's this?"

"Si Dos 'to."

Leandro's cousin? "Oh? Bakit?"

"Si Leandro kasi..."

-----

Napatingala ako sa isang high end resto bar ng makababa ako sa taxi. Hindi ko alam na makakapasok ako sa ganito although hindi ito katulad ng mga cheap bar na may mga dancer dahil singer ang sasalubong pag pumasok sa loob.

Huminto ako, hinahanap ng mga mata ang taong sadya.

Hindi naman ako nahirapang hanapin ang taong pakay dahil kumakaway sa akin ang kaniyang kasama saka hindi pa masyadong matao dahil masyadong pang maaga para dumugin ang resto.

"Anong nangyari?"

Kamot ulong tiningnan ni Dos ang pinsan na nakayukyok sa lamesa.

"Hindi ko nga alam dito kay Leandro. Nagyaya na lang basta dito! Damn, may pasok pa ako ngayon!"

Tumango ako. "Sige, ako na ang bahala."

"Sigurado ka? Ihatid na lang natin sa—"

"No need." Iling ko. Hindi ko gustong makita siya ng pamilya niya sa ganitong estado. "Pumasok ka na."

Dos agreed hesitantly pero umalis na din naman agad. And I am all alone here with Leandro. Hindi na ako magtatanong kung bakit siya nagpakalasing. Obviously, because of me. Dahil sa naging pag uusap namin kahapon!

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now