Chapter 105

104 3 0
                                    

Chapter 105

News

Maliit na ngiti ang ginawad ko kay Leandro bago dahan-dahang binitawan ang kaniyang palad. Malalim siyang bumuntong hininga at tininingala ang bahay namin.

"At least, you're father did not throw me a punch," bahagya siyang tumawa na ikina-nguso ko.

As expected, Papa isn't please. Si Mama naman ay tahimik lang at maliit na ngiti lang ang binibigay sa amin, obviously hindi din niya gusto pero no choice dahil gusto ko at nagdesisyon na kami. Wala silang magagawa doon dahil nasa tamang pag iisip na ako para magdesisyon sa kung anong gusto ko.

Hindi man buong-buo ang loob nilang payagan akong magpakasal, hindi naman sila tutol. Papa said it's up to me. Ang tanging magagawa na lang daw nila ay gabayan kami.

Hindi pa namin napag uusapan ni Leandro ang plano, pero ang target date namin ay bago matapos ang taon. Gusto naming magplano after naming sabihin sa pamilya naman niya na magpapakasal na nga kami.

And we want both sides of the family to participate and be open to our wedding preparation. Siguro magiging kampante na talaga ako ng buong-buo pag nangyari iyon.

Kinakabahan kasi ako. Bukas kasi namin napili ni Leandro na ipaalam na sa pamilya niya dahil gusto nga namin na ngayong taon na ikasalan. Ibig sabihin, kailangan ng madaliin.

Binuga ko ang kabang nararamdaman. "Heads up your family, okay? Ayokong magulat sila na nandon ako bukas."

Ngumisi siya. Namumungay ang mata niyang hinawi ang takas na buhok sa tainga ko. "Kahit hindi ko na sabihin, sigurado akong hindi sila magugulat bukas."

"Ah, basta! Sabihin mo pa din! Para handa akong buhusan ng tubig ni Tita bukas."

Nagusot ang ilong niya bago napahalakhak. "Stop watching to much kdrama, that was too far in real life. Saka, hindi nga galit si Inay. Ang kulit mo." Tinabig ko ang kamay niya ng pisilin niya ang ilong ko.

"Iniisip ko lang iyong posibilidad na mangyayari." nakahalukipkip ko siyang sinimangutan. "Sige na, bukas na ulit. Alam kong hindi pa tapos sila Mama at Papa. Magtatanong pa iyong mga iyon bago ako makatulog." Tumingkayad ako at hinalikan siya sa pisngi. "See you..."

"Seriously?" Nakangisi pero kunot ang noo niya sa ginawa ko. Napapangisi lang ako at handa ng tumakbo papasok ng hulihin niya ang bewang ko.

Hindi nakatakas ang singhap sa labi ko dahil agad iyong napigilan ng labi ni Leandro.

"It should always be like this everytime we part ways, hmn?" He huskily said in between his kisses.

Hindi na ako umimik. Hinayaan ko na lang ang sariling damahin ang lambot at init ng labi niya habang hindi mapakali ang kamay ko sa kaniyang buhok.

Nang kapusin ay ako na ang kusang umatras. Nag iinit ang pisngi.

He licked his lips. Kagat ang labi ko ng pumasok ako sa loob ng bahay. Dama ang maiinit niyang titig habang hinahatid ako ng kaniyang tingin papasok.

Nang gabing iyon ay mahimbing akong nakatulog. Hindi na ako natanong nila Mama at Papa dahil mukhang nagpapahinga na... o siguro, sapat na sa kanila ang naging pag uusap namin.

Maaga akong gumising kinabukasan, pero hindi tulad kahapon, kalmado ang tibok ng puso ko. Although madaming pumapasok sa isip ko, pero hindi naman ako kinakabahan.

Itim na fitted mini tube dress ang napili kong isuot para sa araw na 'yon. Pinatungan ko lang ng brown crochet sweater para hindi magmukhang revealing. Pasok naman na siguro 'to sa conservative taste ni Leandro.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now