Chapter 56

103 6 2
                                    

Chapter 56

Deal with the two

"Talaga bang hindi mo ako titigilan?"

Pero mas lalo lang siyang ngumiti, lahad ang isang bungkos ng bulaklak at teddy bear na kasing laki ng bata. Nakuha niya pa talagang magbigay ng ganito?!

"Lezi, accept it. Ayaw mo nun? May idadagdag ka na sa ulit sa mga regalo ko sayo? Si Buko, nasayo pa ba? Namimiss ko na ang isang iyon." He chuckled. Bahagya pang kulay ube ang kaliwang mata niya, ngunit hindi iyon nakabawas sa dating niya. Tanging maroon na v-neck shirt, itim na khaki shorts at white running shoes ang kaniyang suot ngunit hindi magkamayaw ang mga babaeng estudyante sa pagsipat sa kaniya.

But I remain stoic. Kahit sa totoo lang ay natutuwa ako na naaalala pa niya ang pangalan ng life size teddy bear na binigay niya sa akin noon.

Nagpatuloy ako sa naudlot na paglalakad, papasok sa loob ng campus. Naabutan ko lang siya sa may entrance ng SCPU. Inaabangan niya talaga ako.

"You can have it back. Nasa closet ko lang kasi iyon."

Akala ko'y hindi siya makakapasok, ngunit taka kong tiningan si mang Julio na hindi man lang sinuway si Darcy sa pagpasok. Sumaludo pa ang matanda!

Siguro akala niya nag aaral pa din ang lalaki sa SCPU!

"N-no. Sayo iyon, bigay ko si Buko sayo k-kaya huwag mo ng ibalik." May mumunting sikip sa aking dibdib ng marinig ang pagkabasag ng boses ni Darcy.

Pero kung susundin ko ang emosyon ko, mas magkakalayo kami ni Leandro. Ilang araw na din hindi nagpapakita si Leandro pero kahit papaano'y panatag ako dahil araw araw ay nakakatanggap ako ng mensahe sa kaniya. He's updating me on what is he up to.

Alam niyang hindi ko gusto ang maiwan, kaya kahit may tampo siya sa akin, tuloy siya sa pagsasabi kung nasaan siya at kung anong ginagawa niya. At ngayon, nag text siya ulit sa akin, kasama niya ang Papa niya sa pag aasikaso sa documents niya para makalipad patungong singapore, kasama ko.

Iyon na daw ang huling procedure at makukuha na niya ang passport niya.

Hindi na ako nakatiis, marahas ko siyang hinarap at bahagyang tinulak sa dibdib. Wala na akong pakialam sa mga taong nakuha namin ang atensyon.

Nakakapagod nang tumakbo at magtago upang hindi niya ako makulit ng ganito. Ilang araw ko ng natatanggap ang mga mensahe at tawag niya pero kahit minsan ay hindi ko iyon sinagot. Hindi nararapat!

"Darcy, hindi pa ba sapat sayo na pinatawad na kita? Alam mo bang nagkakaproblema kami ni Leandro dahil sa mga pinaggagagawa mo?!"

Naglaho ang kaniyang ngiti at nagtagis ang bagang. "Honestly, I intentionally ruining you two. Para bumalik ka na sa akin! Tangina! Desperado na ako dahil alam kong nandyan pa din ako sa puso mo! Mahal mo pa din ako pero natatakluban lang iyon ng galit mo sakin at ng mga ginawang pagdamay sayo ng 'best friend' mo nung mga panahong wala ako sa tabi mo."

"Mahal mo pa din ako, hindi man katulad noong dati pero kaya naman nating ibalik iyon. Tanggapin mo lang ulit ako." Namungay ang namumula niyang mata.

"Darcy, y-you know... we can't. H-hindi na pwede."

"Is it because of Leandro? Lezi, j-just break up with him. Let's be together again!"

No. Hindi ko kayang wala si Leandro sa tabi ko. M-mas kakayanin ko pang hindi makapiling si Darcy kesa kay Leandro.

"S-sorry but... I can't live without him. He's my brother, my best friend... and my boyfriend. I-I love Leandro." I love him more than you.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now