Chapter 34

123 5 1
                                    

Chapter 34

Haciendera

It was saturday that day, the day where I can rest a little bit while.

Ngunit hindi pa man sumisikat ang araw ay matinis na boses ni Mama ang siyang bungad sa akin.

"Elizabeth..."

I whimpered. Ramdam ko ang lamig dulot ng pang madaling araw na hangin. Ibig sabihin lang nito, masyado pang maaga para bumangon.

Ano naman kayang problema ni Mama? Damnit! Gabi na ako nakatulog dahil sa pag eedit ng thesis namin na malapit na ang deadline. Isa pa! Hindi ako pwedeng magpuyat... magkakaroon ako ng pimples!

OMG!

"Elizabeth..."

Hinila ko ang kumot at initaklob sa aking mukha. Alam kong nakatingin sa akin si Mama ngayon. At alam ko din na anumang oras ay may unan ng hahampas sa akin. Akala ko pa naman makakapagpahinga ako matapos ang isang linggong pag aayos ng thesis.

Hindi pala! Goodness.

"Mama, one hour pa."

Mas lalo kong inibaon ang katawan sa makapal na comforter ng pumasok ang malamig na hangin. Binuksan na yata ni Mama ang binata.

"No, Elizabeth. We have a lot of things to do. You need to get up now."

Oh come on. Gawain na naman? Katatapos ko lang kaninang madaling araw. Meron na naman ngayong umaga? Darn!

"Your father is waiting. Be quick. Pag hindi ka pa bumangon dyan sasabihin ko sa Papa mo ang tungkol kay Dar—" dali-dali akong bumangon. Hindi dahil sa takot ako—I mean, takot pala talaga ako, pero mas nangingibabaw ang dahilan na ayokong marinig ang pangalan ng taong isang buwan ko ng sinusubukang kalimutan.

Lalo na't sa bibig pa ni Mama mismo manggagaling ang pangalan na iyon.

I got up groggily. Hirap ko pang imulat ang namimigat kong mga mata dulot ng hindi sapat na tulog.

Geez, really? Kailangan pa ba talaga niya akong i-blackmail?

Nang silipin ko ang alarm clock ay napasintido ako. It's four thirty in the morning. Wala pa ang haring araw na magtatanglaw sa umaga. So, why on earth did mother woke me up this effin early? Hindi nga ako gumigising ng ganitong oras tuwing may pasok.

"Come on, come on, sleepyhead. Put yourself together. Baka naiinip na ang Papa mo."

"Maaaaa, bakit ba kasi? Anong meron?!"

She placed both of her hand on her slender waist. Nakataas ang kilay niya sa akin. "It's harvesting season, sweetie. Tutulong tayo sa pag ani ng mangga sa plantasyon."

Napatingin ako sa full length mirror na saktong natapatan ko.

Maiitim, tila nais ng pumikit ang namamagang mga mata. Maputla ang labi at balat. Goodness! Makakapag- 'ani' ba ako sa lagay na ito?

Holy crap!

"Faster." Napanguso ako ng panlakihan ako ni Mama ng mata bago umalis. May magagawa pa ba ako? Si Mama na ang nagsalita.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now