Chapter 96

39 3 0
                                    

Just want to clarify things. I used Cardinal only for settings. The occasions and circumstances I wrote about the employees and people are not involved in the settings and just merely fictional. This story has nothing to do and not to propose a bad image against the hospital.

-----

Chapter 96

Tittle-tattle

Tulad ng gusto ng direktor. Bumalik ako sa trabaho kinabukasan. Kahit dalawang buwan lang ako nawala, naninibago ako sa sarili ko na nakasuot ng scrub suit.

Palibahasa hindi na ako sanay, pakiramdam ko'y unang araw ko sa trabaho kaya maaga akong nagising.

Ngumiti ako sa salamin habang pinupusod ang buhok ko. I wanted to look clean today. Umayon pa na maaliwalas ang mukha ko kaya na-achieve ko ang gusto kong clean look.

I feel refreshed when I woke up. Kahit medyo uncomfy dahil bahagyang masakit ang puson ko, still I'm happy dahil meron na ako. Mukhang dahil talaga sa stress kaya ako nasuka at sumasakit ang ulo.

My fear of getting pregnant vanished. Mabuti na lang dahil hindi pa talaga ako handa.

Nakangiti akong lumabas ng kwarto at naabutan si Mama na naghahanda ng umagahan.

Although my parte sa akin na malungkot dahil hindi na sa ospital magtatrabaho si Leandro, nag kausap na kami kahapon at nilinaw niya na ayos lang sa kaniya.

"I don't have a choice, Elizabeth. It was their decision and I can't complain about that." Aniya sa kabilang linya noong tawagan ko siya ng malaman na tinanggal na siya sa trabaho.

I was surprised at how calm he was. Na parang hindi kawalan ang pagkatanggal niya sa trabaho!

"P-pero matagal ka na sa ospital! Mas matagal pa nga sa akin!" Alam kong nakagawa na siya ng reputasyon sa ospital. Mataas na ang tingin sa kaniya. Iyong iba pa nga napagkakamalan na siyang doktor gaya ko noong unang punta ko doon.

"It's fine. Madami pa namang ospital. Actually I'm applying in St. Lukes. Bukod sa hindi malayo sa tinutuluyan ko, maganda ang vicinity at sa BGC ang location. Iyon nga lang, hindi tayo madalas magkikita kaya pinag iisipan ko pa."

"'Yan pa talaga ang iniisip mo..."

"Dapat alam mo na sa lahat ng desisyon ko, Eli, palagi kang kasama." Paos na sabi niya.

Naupo ako sa hapag ng magbaba si Mama ng plato para sa aming dalawa at ihain ang niluto.

Habang hinihintay si Mama na makaupo ay tiningnan ko ang cellphone at pangalan ni Leandro ang unang bumungad pagbukas ko ng screen.

Leandro:

Is it okay kung ihahatid kita? Ipagpapaalam kita sa Mama mo.

Ako:

Huwag na. Babyahe ka pa.

Leandro:

Ayos lang. Wala naman akong gagawin ngayon.

Ngumuso ako. Bakit pakiramdam ko tuwang tuwa pa siya na nawalan siya ng trabaho? Ako nga, hinayang na hinayang dahil matagal na siya sa Cardinal.

Ako:

Mamaya na lang pag awas ko. Sunduin mo ako.

Leandro:

Pwede namang hatid-sundo.

Ang kulit talaga!

Ako:

Sundo na lang. Masyadong maaga kung babyahe ka pa sa umaga. Saka, how sure are you na papayag nga si Mama na ihatid sundo mo ako?

Imperfectly PerfectOù les histoires vivent. Découvrez maintenant